'Cause I'm so done, not being your number one
And if you wanna keep me, then you better treat me

Like a damn princess, make that an empress
'Cause I'm so done, not being your number one.

This superficial love.

Hanggang sa nag tanghali na lang at hindi pa kami nakaka pag practice. Sinabihan ko na sila na huwag na muna ngayon. Nawawalan ako ng gana, kung kailan ngayon 'yung simula ng practice namin para sa competition this December, doon pa ako nawalan ng gana.

Bukas na lang.

I noticed that Gelay was walking towards me, "Kean, sigurado ka na ba na walang practice ngayon?" she asked me, she looks so irritated.

Hindi ako nakinig ng mga ilang minuto, pero na pansin ko namang hinihintay niya ’yung magiging sagot ko kaya tinanggal ko ’yung earphones ko na nasa kaliwang tainga.

"Walang practice.”

"Kean, nababaliw ka na ba? nahihibang ka na ba? August na tayo ngayon Kean. Kailangan na nating mag practice ng maaga para mapadali 'yun—” I cut her off. "Please, hayaan mo na muna ako? puwede ba? ilan ba tayong choreographer dito? hindi ba apat? wala ba kayong mga paa at kamay upang kayo na naman ang mag turo?” dahil sa sinabi ko ay bumalik na lang si Gelay sa kaniyang upuan at nakita ko naman siyang napabuntong hininga.

Hanggang sa sumapit na ang hapon, hindi pa rin kami nag pa-practice.

I simply look at Akio and I saw him smiling at Shanianah. Tumingin naman ako kay Shanianah at nakita ko rin siyang nakangiti kay Akio.

Dahil sa nakita ko, padabog akong umalis ng classroom, alam kong na pansin nilang lahat ’yon pero wala akong pake.

Maaga akong lumabas ng classroom, ano ba gagawin ko roon? wala naman.








It's evening and I can't sleep. I was thinking something and I can't stop thinking about her, do I like her? no, then why I keep thinking about her? it's sucks.

Bumaba naman ako sa double deck na hinihigaan ko ngayon, dahil nasa itaas ako at nasa ibaba naman si Dewei.

Uminom na muna ako ng tubig tinignan 'yung wall clock na nasa harapan ko.

Twelve fifty-four na.

Madaling araw na pala.

"Bakit gising ka pa?" napalingon naman ako sa nag salita sa aking likuran. I saw Dewei na kakagising lang, nagising ata siya dahil sa akin.

"I can't sleep."

Bumangon naman siya mula sa kaniyang higaan at umupo sa kaniyang kama. "Ano ba iniisip mo?" he asked me.

Tumabi naman ako sa kaniya at tumingin sa kawalan.

"Hindi ko alam pero—"

"Pero?" abang na abang niyang tanong sa akin.

"Paano kung—" hindi ako sigurado kung sa-sabihin ko ba ito sa kaniya, mag kaibigan pa naman sila ni Shanianah.

"Gusto mo si Kofi?"

"Huh- wait, what?"

Baliw ba itong kinakausap ko ngayon?

He laugh so hard. "Sorry, I thought you like her kasi na pa-pansin ko lang palagi kang nakatingin sa kaniya."

“Hindi naman siya ’yung tinititigan ko.”

"E sino?”

"I think I'm in love with Shanianah.” walang preno kong sabi sa kaniya.

Napalingon naman ako sa kaniya dahil bigla siyang na tahimik.

Gulat na gulat naman siya sa sinabi ko. "Huh? totoo? o nag bibiro ka lan—"

"I'm not joking, sasabihin ko sa 'yo 'to. Pero sa atin na muna ’to, I trusted you." tumango naman siya.

"Kahapon ng gabi, nakita kong nag uusap sina Akio at Shanianah at narinig ko na niligawan ni Akio si Shanianah.” I added.

"Sinundan mo sila ano?"

I nodded. "Oo, pero hindi ko inaasahan na ganoon pala 'yung plano ni Akio na liligawan si Shan. Pagkatapos niyang sabihin 'yon, umalis na ka agad ako."

"Hindi ko na narinig 'yung sunod na sinabi ni Shan. Pero alam ko namang pumayag siya dahil kitang-kita ko sa kaniyang mga mata kung gaano siya kasaya no’ng sinabi ni Akio iyon sa kaniya, alam ko rin naman na gusto niya si Akio." I continued.

"Paano mo naman na sabi na pumayag si Shan? imposible ang bata pa noya."

"I don't know, hindi pa ako nakakasiguro kung oo ba o hindi ang sagot niya sa sinabi ni Akio kahapon. Dahil kanina nakita ko silang nag kangitian sa isa't isa."

Napapikit naman si Dewei at huminga ng malalim, “Teka-teka, kailan mo ba na gustohan si Shanianah? at paano mo siya na gustohan?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.

“Maybe simula no'ng makita ko siya sa Mall. That was the first time that I saw her, hindi ko rin sinasadyang matitigan siya sa kaniyang mga mata. Her eyes was so beautiful.”

”Ay, love at first sight pala. Kaya pala walang practice kanina dahil pala doon! nag se-selos ka alam ko na 'yan." pang-aasar niya sa akin.

"No, I'm not jealous. Sinasabi ko lang 'yung nakita ko kahapon."

"Shut up, stupid. Alam ko namang gusto mo si Shanianah. Hindi mo lang maamin, ’tsaka natatakot ka dahil nag kagusto si Akio doon which is best friend mo at na unahan ka niya tuloy at natatakot ka na masira 'yung pagkakaibigan niyo dahil lang sa isang babae." he stated seriously.

"Marami pa namang iba jaan ah. ’tsaka paano na lang kung sasagutin na ni Shan si Akio."

"Ibang-iba siya sa lahat ng mga babaeng nakikita ko at nakikilala ko rito, Dewei. Sobrang hanga ko pa sa kaniya dahil magaling siya sumayaw, and I remember last time she saves me doon sa tubig na muntik ko na mainom na inilagay ni Yzabela doon. Siguro kung nainom ko iyon ng tuloyan, siguro patay na ako ngayon.”

He smirked, "Nababaliw ka na talaga."

I chuckled. "Sa kaniya."

“I’m with Shanianah earlier, pumunta kami sa plaza. Nag away sila ni Kofi—”

I raised my two eyebrows, “Why?”

“Kofi betrayed her, kasabwat ni Kofi si Yzabela and they're planning something, gusto nila na hindi makasali si Shanianah sa competition this coming December. Nagalit din kasi sa kaniya si Yzabela, nagalit siya kay Shanianah dahil pinigilan ka niyang huwag inumin ’yung tumbler mo, right? Shanianah saves you and then Yzabela was mad at her. That's why they're planning na hindi makakasali si Shanianah sa competition.”

“Hinding-hindi nila magagawa ’yung plano nila para kay Shanianah,” sagot ko.

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now