"Shan, pansinin mo naman ak—"

"Ano ba? bakit ang kulit-kulit mo?! baka nakalimutan ma na ’yung ginawa mo sa akin? narinig ko ’yon lahat. Please lang Kofi, mag bago ka naman, hindi ’yung nagiging ahas ka na lang palagi!” dahil sa sobrang galit ko, hindi ko sinasadyang malakasan ang aking boses at nakita ko namang na patingin sa akin ang mga ka-klase ko lalo na rin sina Sheyne at Dewei.

"Anong ibig mong sabihi—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pag sa-salita dahil umalis na ka agad ako sa classroom.

Narinig ko naman na may tumawag sa akin, pero hindi ko na nilingon iyon at umalis pa-puntang basketball court.

Pa-pasok na sana ako sa basketball court nang may biglang humawak sa braso ko kaya na patigil ako dahil doon.

"Hey, nag away ba kayo ni Kofi?" tanong sa akin ni Dewei.

Nilingon ko naman siya at nakita ko namang hinihingal ito, sinundan niya pala ako.

"H-Hindi n-naman."

"Anong ga-gawin mo jan sa court? walang tao diyan." sabi niya naman.

"O sige. Aalis na lang ako."

"Teka, okay ka lang ba?"

"Oo naman." I smiled at him.

Tumaas naman 'yung dalawang kilay nuya at tumingin sa akin. "Punta na lang tayo sa plaza. Malapit lang dito."

Lumabas naman kami ni Dewei at pumunta kami ng plaza, la-lakarin lang pala kaya mabilis kaming naka punta roon.

Dinala niya naman ako doon at gumala kaming dalawa doon. Alam niyang hindi ako masaya sa nangyari kanina dahil alam kong nakita niya 'yung pag sumbat ko kay Kofi.

Kumain kami ng street foods at inikot 'yung buong plaza. Hanggang sa na pagod kami at umupo na muna sa isang bench na kaharap 'yung mga batang nag lalaro sa aming harapan.

"Gusto ko ulit bumalik sa pagka bata at maranasan 'yung mga ginagawa nila." sabi ko sa kaniya habang nakatingin ako sa mga batang sobrang saya sa laro nila at naramdaman ko namang nilingon ako ni Dewei nang sabihin ko iyon.

"Sus, ako nga noong bata ako, ang kulit-kulit ko nga e. Nahulog pa nga ako sa kanal dahil sobrang kulit ko.” na patingin naman ako kay Dewei at sabay kaming tumawa dahil sa sinabi niya.

“Hanggang ngayon din naman siguro, ang kulit-kulit mo nga e. Lalo na kay Sheyne, parang gusto mo nga si Sheyne e—"

“Hoy! anong pinagsasabi mo jan? ang labo kaya na ma gustohan ko ’yon." angal niya.

Tinatanggi niya pa talaga e, alam ko naman na gusto niya si Sheyne kaso hindi niya lang maamin dahil alam niyang may kasintahan na si Sheyne.

"May ahas."

"Huh? saan?" kinakabahan naman siyang tignan ’yung buong paligid at tinignan muli ako ni Dewei.

“Gago, saan?” ulit niya habang hinahanap ito.

Loko-loko talaga ’to siya e.

"Hindi 'yan 'yung ibig sabihin ko, sira, tarantado." wika ko habang pinipigilan itong tawa ko.

Ang slow talaga ni Dewei.

"Ano pala ibig mong sabihin sa ahas?" he asked me seriously.

"Yung parang na traydor."

"Why? someone is betraying you?"

Dahan-dahan naman akong tumango sa tanong niya. "Sino?" tanong niya ulit sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Si Kofi."

"Paano mo na sabi?"

"Narinig ko sila ni Yza na nag-uusap. May plano raw sila na ga-gawa sila ng paraan para hindi ako makasali sa competition this December." nakinig naman si Dewei sa sinabi ko. "I thought mabait si Kofi. Akala ko lang pala ’yon.”

“Naalala mo ba ’yung araw na umiyak ako at nakita mo ako—”

“Yes, I remember that one.”

“'Yun yung araw na narinig ko sila ni Yzabela na nag-uusap sa loob ng dance room. Narinig ko sila ni Kofi at pinag-uusapan nila ako.”

“Pansin ko rin na nag bago na si Kofi, kaya nga hindi ko na siya nilalapitan o kinakausap. Tama nga talaga ’yung hinala ko.” Dewei stated.

“Hinala? ano ba ang hinala mo?”

“Na ahas siya, na pa-pansin ko ’yon sa awra niya at sa mga galaw niya. Nakita ko rin siyang kasama si Yzabela.”

"Don't mind them, ang importante makakasali ka sa competition this December. Nandito lang kaming lahat para sa ’yo, hindi namin ha-hayaan na hindi ka makakasali sa competition. First time kaya natin ito! dapat makakasali tayo, huwag mo siyang pansinin.” Dewei winked at me.

Hinaplos niya naman 'yung buhok ko. Tumayo naman kami mula sa upuan at balak nang umuwi.

"Tara na? para makapag pahinga ka na ng maaga, para mahaba rin 'yung tulog mo.”

“Huwag mo nang pansinin si Kofi, basta narito lang kami para sa iyo. Always remember that, Shan.” Dewei added.

I'm lucky to have him as a friend of mine.

Let's Dance? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon