Nakasuot din siya ng creamy brown over sized t-shirt tapos sweaterpants.

Kaya siguro maraming nag ka-kagusto dito, magaling pa mag turo tapos ang guwapo rin, galing pa sumayaw.

"Let's continue, tutal nakuha niyo na 'yung step. As you did with your right foot, slide your left foot out to the side and turn it out." ginawa niya naman iyon at padahan-dahan naming sinunod iyon. Hanggang sa nakuha namin ito.

Hinihingal naman kaming lahat at patuloy pa rin kami sa pag e-ensayo. "As you lower your right heel, raise your left heel. Then raise your right toes up and out and your left heel downward and in as you swap toes and heels. And bring your right heel down then inwardly twist your toe. To get inside the starting spot, stretch your left ankle outward. Afterwards rep these steps 'till you feel at ease with all of them and can freely move." sunod-sunod na sabi niya habang ginagawa niya iyon ng padahan-dahan.

Ginawa namin 'yung dalawang steps na itinuro sa amin ni Kean ng mabilis, hanggang sa nagawa namin ito ng sabay at malinis na tignan.

Pawis na pawis kami pagkatapos non. Kaya nag lunch muna kami at 'yung iba naman ay pumunta sa cafeteria para kumain hanggang sa wala ng na iwan sa dance room at ako 'yung huling umalis doon at pumunta sa cafeteria.








Kakatapos lang namin kumain ng lunch kasama sina Gelay, Dewei, Sheyne, Marzanna at Skylla.

Nasa gilid naman ako, sa right side. Nasa gitna naman si Sheyne na ngayon ay katabi ko at ang katabi niya naman ay si Dewei.

At nasa harapan naman namin si Marzanna na nasa gitna at nasa gilid niya sina Skylla at Gelay.

"Nag mu-mukha akong bakla."

Napalingon naman kami kay Dewei ng sinabi niya iyon. "Huh? bakit?" Sheyne asked him.

Inangat naman ni Dewei 'yung tingin niya at tinignan kami isa-isa. "Mga babae kasama ko e."

"Edi samahan mo na lang sina Kean doon." turo ni Sheyne sa isang table kung saan nandoon sina Kean at Akio. Kasama din nila 'yung mga kaibigan nila na mga lalaki na ka-klase lang din namin. Kaso hindi ko sila close.

"True, hindi ba close kayo ni Ian?" tanong sa kaniya ni Skylla at tinuro 'yung guwapong lalaki na katabi ni Akio.

Tumango naman si Dewei sa tanong n'ya. "Kaso, saan ako u-upo e puno sila doon. Tarantado." tumawa naman kami sa naging sagot niya.

Kahit kailan ang lutong niya mag mura.

Na pa-pansin ko rin kay Dewei na palagi na siyang lumalapit kay Sheyne at si Sheyne naman ay iniiwasan siya dahil nga may kasintahan na siya.

Hindi ko alam kung ano ang meron dito kay Dewei, para bang gusto niya si Sheyne.

Habang nag-uusap sila napa tingin naman ako kay Akio na nasa unahan, tumatawa naman siya kasama ang mga kaibigan niya.

Mas lalo siyang gumwapo sa tuwing nakikita kong nakangiti siya ng ganoon kaganda.

Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti ng patago at ibinalik 'yung tingin ko kina Gelay dahil nag ta-tawanan sila kaya nakisali na rin ako sa kanilang usapan.

Nakinig na lang ako sa mga chika nila hanggang sa nag bell at napag isipan na naming bumalik sa dance room upang mag ensayo ulit.









Sobrang pagod namin ngayon at napag isipan na naming umuwi na sa mga dorm namin upang mag pahinga na.

Paulit-ulit naming ginawa 'yung dalawang steps na itinuro sa amin ni Kean kanina hanggang sa nasanay kami.

Pawis na pawis akong nag-lalakad mag isa sa hallway, hindi ko na nakasabay si Sheyne kasi may pag u-usapan daw sila ni Luke.

Kaya mag-isa na muna ako ngayon.

Hindi ko na rin nakasabay si Levin ngayon dahil busy siya sa pag pa-practice sa pag-kanta dahil siya 'yung napili na sa-sali sa isang contest next week.

Habang nag-lalakad ako sa hallway papuntang dorm, nakaramdam naman ako na may biglang tumabi sa akin.

Kaya naman nilingon ko ito upang malaman ko kung sino ito.

"Hey," Akio greeted me.

"Hi," ngiti kong sabi sa kaniya.

Inakbayan niya naman ako, nagulat naman ako at kinabahan na kinikilig na ewan dahil sa ginawa niya.

"Tired?" he asked me habang nakatingin sa aking mga mata.

"S-Slight lang." naiilang kong sabi sa kaniya.

Inalis niya naman 'yung braso niya na nakaakbay sa akin, alam niya ata na naiilang ako.

Gumawa naman siya ng paraan para mapangiti ako, then he did it successfully. He make me smile hanggang sa makarating kami sa hagdan kung saan patungong girls dorm.

A-akyat na sana ako kaso bigla niyang hinawakan 'yung kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

Kumunot naman 'yung noo ko, "bakit? may sasabihin ka pa ba?" I asked him with my curiosity.

Napakagat naman siya sa ibabang labi niya at tinignan ako sa aking mga mata ng mga ilang minuto.

"Akio? may problema ba?" I asked him again.

"Shanianah." he called my name.

"Bakit?" lumapit naman ako sa kaniya at tinignan siua ng maigi sa kaniyang mga mata, baka may problema 'to.

"Okay ka lang ba?" pag-aalala ko dito.

"Can I... Court you?”

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now