I tilted my head to face Akio, then I asked him, "Puwede pala sumama 'yung mga hindi rin natin ka-klase?"

He nods his head. "Yep, kaso may bayad. Sa unang bus, maraming nakasakay doon. Mabuti na lang hindi sila nag siksikan, 'tsaka mabuti na lang din may dumating na dalawang bus para hindi sila mag siksikan." he explained, kaya tumango na lang ako at isinandal ang aking likuran sa upuan na ito at ipinikit ang aking mga mata upang matulog.

Pero bigla naman akong nakaramdam ng ginaw kaya niyakap ko 'yung sarili ko. Nakalimutan ko pala mag dala ng jacket, hindi ko rin kasi alam na bus 'yung sasakyan namin tapos ang ginaw pala kasi naka aircon pala itong bus.

Kung alam ko lang, sana nag-dala ako ng jacket.

"You can use mine." I heard Akio.

Kaya minulat ko ang aking mga mata upang tignan siya, nakita ko naman na inabot niya sa akin 'yung jacket niya. Kaya dahan-dahan ko itong tinanggap at ngumiti sa kaniya.

"P-Paano ka?"

"Okay lang, may isang jacket pa ako rito." aniya.

Sinuot ko naman 'yung jacket niya.

Ang bango.

"Salamat." pag-papasalamat ko sa kaniya.

Nakaramdam naman ako ng antok pagkatapos mangyari iyon kaya sinandal ko nalang 'yung ulo sa bintana at natulog muna.







Naalimpungatan naman ako nang maramdaman kong may humahaplos sa aking ulo.

Bigla ko namang nakita 'yung sarili ko na nakasandal pala 'yung ulo ko sa balikat ni Akio!

Anong kalokohan 'to, nakasandal ako kanina sa bintana ah tapos pag mulat ng aking mga mata, nandito na ako sa balikat niya. Ano 'yon magic?

Agad ko namang inalis ang aking ulo na ngayo'y nakasandal sa kaniyang balikat at napa-ayos naman ako sa aking sarili.

"P-Pasensiya na, hindi ko sinasadya-"

"That's okay, you look so cute anyway."

I smirked.

Lihim naman akong napangiti dahil doon sa aking narinig mula sa kaniya.

Anong oras na ba, ang dilim na kasi ng dinadaanan namin. Gabi na.

Kinakabahan pa naman ako basta masiyadong madilim 'yung daan tapos nakasakay sa bus. Baka mamaya matumba 'to tapos gu-gulong 'yung bus.

Tinignan ko naman 'yung cellphone ko at nakita kong seven twenty-three pa lang ng gabi. So, malapit na pala kami, sabi kasi ni Akio eight o'clock daw kami makakarating doon.

Tahimik lang 'yung bus, nakita ko rin na natutulog 'yung iba. 'Yung iba naman busy sa cellphone nila, si Akio naman hindi ko alam ano ginagawa nito. Naiilang ako kapag sumusulyap ako sa kaniya.

Ano na kaya ang nangyari kina Dewei, Sheyne at Kofi.

Kumusta na rin kaya sina Mama at Papa. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon pati si Tita.

Habang iniisip ko sila hindi ko napansin na nandito na pala kami, tumayo naman 'yung mga kasama ko sa bus. Inangat ko naman 'yung tingin ko para makita ko kung lumabas na ba sila.

Tumayo naman 'yung iba at kinuha 'yung gamit na nasa ibabaw at lumabas.

Tumingin naman ako sa bintana at tinignan 'yung labas at nakita kong sobrang dami ng mga tao na narito ngayon.

Tumayo naman si Akio at napalingon naman ako rito. Kinuha niya 'yung gamit niya na nasa ibabaw lang. Isang malaking bag pala ang dala niya, agad din naman akong tumayo at nag ayos.

Aalis na sana si Akio pero pinigilan ko siya, "T-Teka, 'yung jacket mo." huhubarin ko na sana 'yung jacket niya, "Sa 'yo na muna 'yan, you can wear that anytime." he said habang dala-dala 'yung malaking bag niya.

"Let's go?" he stated.

Pinauna niya naman akong lumabas sa bus at sumunod naman siya sa akin.

Ng makalabas na kami sa bus, inikot ko 'yung paningin ko dahil hinahanap ko sina Sheyne. Pero hindi ko sila makita dahil maraming tao.

Paaralan ba 'to? o stage lang? mukha kasing paaralan e.

"Ang laki pala ng stage dito." narinig ko naman si Akio na nasa aking tabi.

"Paaralan ba 'to?" tanong ko rito.

He chuckled, umiling naman siya. "No, dito kami nag perform last year. Pero mas lalo siyang lumaki, hindi katulad noon."

Ang laki ng stage ah, tapos maraming upuan. Edi marami pala 'yung manonood.

Nakita ko namang tumakbo papunta sa akin si Sheyne habang kasama si Dewei na nag lalakad lang.

"Shan! kanina pa kita hinahanap! nandito ka lang... pala..." hinihingal na sabi sa akin ni Sheyne habang nakatingin kay Akio.

"Shan, I need to go. Kailangan na pala namin mag prepare." nagmamadaling sabi sa akin ni Akio. Kumaway naman ako sa kaniya at ganoon din siya.

"Ganda ng jacket mo ah, kanino 'yan?" tanong ni Dewei sa akin.

"Kay ano... kay ano-"

Pinutol naman ni Sheyne 'yung sa-sabihin ko. "Nako, kay Akio 'yan! magkatabi kaya sila sa bus kanina."

"Ang oa mo talaga sumigaw, naiirita ako sa boses mo." iritadong sabi ni Dewei kay Sheyne.

"Edi mairita ka." Sheyne replied.

Tumabi naman si Sheyne sa akin na nasa kanan ko, nasa kaliwa ko naman si Dewei. Tinanong ko sila kung puwede na ba kami umupo doon kaharap ang malaking stage baka kasi maunahan kami.

Umupo naman kami sa bandang harapan para makita namin 'yung buong sayaw mamaya.

Katabi ko naman sina Sheyne at Dewei, tahimik lang kami hanggang sa tumabi si Luke kay Sheyne at nasa harapan ko naman si Stan.

"May tindahan ba dito?" tanong ko kay Dewei. Si Sheyne sana ang tatanungin ko, kaso nag-uusap sila ni Luke at panay tawa pa 'yung dalawa.

"Meron ata, bibili ka? sasamahan na lang kita may bibilhin din ako e." Dewei said at tumayo naman siya.

Sinabihan ko sina Sheyne na huwag mag-papaupo sa upuan namin, baka kasi pag balik namin may nakaupo na pala dito.

Habang nag lilibot kami ni Dewei hindi ko mapigilan mamangha sa lugar na 'to, hindi ko alam kung saang lugar kami, pero ang ganda.

Napaka ganda ng mga lights na nakapalibot sa bawat punuan, ang ganda rin ng kalangitan ngayon ang daming bituin may buwan pa na kay ganda pag masdan.

Habang nag hahanap kami ng tindahan dito, may dumaan sa harapan namin na mga dancers din.

Hindi ko alam kung anong school sila pero may isang tao na nakakuha ng atensiyon ko.

Nilagpasan naman ako nito, samantalang ako ay huminto at tumingin sa kaniya habang nag la-lakad siya palayo.

Si Jude ba 'yon?

Bakit nandito 'yung ex ko?

O baka namamalik mata lang ako?

Baka hindi siya 'yon?

Let's Dance? (COMPLETED)Where stories live. Discover now