Hindi ko siya sinagot at binilisan ko lalo ang aking pag-lalakad hanggang sa nakapasok kami sa dance room.

Sa aming pag-pasok ay napayuko naman ako dahil sa hiya dahil sabay na napalingon sa amin sina Kean at Akio.

Tinapik naman ni Kofi 'yung likuran ko. "Shan, ang awkward dito.” mahina niyang bulong sa aking tainga.

Napaangat naman ako ng tingin.

Napatingin sina Kean at Akio sa amin.

"Ang bilis niyo naman nakarating dito." seryosong sambit ni Kean sa amin kaya nagkatitigan kami ni Kofi dahil doon.

Paano ko ba sasabihin sa ginawa ni Yzabela?

Paano kung huli na ako? paano kung nainom na niya?

"Is there any problem? okay lang ba kayo? bakit ba kayo hinihingal." nag-tatakang tanong sa amin ni Akio.

Nakita ko namang ngumiti sa kanila si Kofi at umiling sa sinabi ni Akio.

"Shan, bihis na muna ako ha? maiiwan na muna kita rito, bye hehe." nakakalokong sabi sa akin ni Kofi kaya dali-dali siyang lumabas ng dance room kaya na iwan ako dito kasama sina Kean at Akio.

“You okay?” Akio asked me and I nodded as an answer.

"O-Oo naman.”

Pagkatapos kong sabihin iyon sa kaniya ay pumunta naman ako sa sulok at doon ko inilagay ang aking bag.

Napatingin naman ako kay Kean na ngayo’y nakatingin sa akin.

Dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya kahit na nangingibabaw na ang aking kaba, kinakailangan kong kapalan ang aking pag-mumukha.

Paano ko ito sa-sabihin o ipapaliwanag sa kaniya...

Habang si Akio naman ay nasa gilid ni Kean at nakatingin din ito sa akin.

Huminto naman ako sa harapan ni Kean at napalunok na muna ako bago siya tinignan sa kaniyang mga mata.

“What?”

"Yung la-lagyan ng tubig mo—" I was about to speak pero hindi natuloy dahil biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa amin sina Gelay at Yzabela.

Agad naman akong lumayo kay Kean at pinuntahan ang bag ko na nasa sulok.

Lumingon naman ako kay Kean na nakatingin pa rin sa akin na para bang nag-tataka siya sa sasabihin ko at parang gusto niya ito malaman.

Habang si Akio naman ay ganoon din, na para bang gusto niya matuloy ang dapat kong sa-sabihin. 

Ang awkward dito, wala akong kasama. Wala pa sina Sheyne.

Sana pala hindi na lang ako nag madaling pumunta rito kung hindi ko rin naman masasabi kay Kean tungkol doon sa pisteng tumbler niya.

Nag-uusap naman sila habang ako naman ay nakaupo lang sa sulok katabi ’yung bag ko.

Na pansin naman ako ni Akio kaya bigla naman akong kinabahan nang humakbang siya papunta sa akin kaya mabilis akong napatayo dahil doon.

He smiled, “You okay?” I nodded.

“What happened? you look like exhausted.” he told me habang nasa bulsa niya ang kaniyang dalawang kamay.

“Gusto ko lang sana ipaalam kay Kean.”

He raised his two eyebrows, “Para saan?” he asked me with his curiosity.

“Tungkol kasi sa tumbler niya, may inilagay si Yza—” but I decided not to continue dahil nakita kong nakatingin sa akin si Yzabela.

"What?” Akio asked again.

Umiling naman ako. "Wala-wala."

Napatingin naman kami dahil bumukas na naman 'yung pinto.

Nandito na 'yung mga kaklase namin.

Agad namang lumayo si Akio sa akin. Dahil alam na namin na mai-issue na naman kami, kapag nahuli na naman kami ng iba 

"Mamaya mo na lang isabi." sabi sa akin ni Akio bago siya lumayo sa akin at pumunta kina Kean.

Mabilis naman akong napalingon sa kanan nang makita kong mabilis na nag-lalakad si Sheyne papunta sa aking direksiyon habang may ngiti sa kaniyang labi.

Kasama niya naman sina Dewei at Kofi.

“What happened? bakit nag-mamadali ka kanina? ayos ka lang?” Sheyne asked.

"Oo nga, ano ba nangyayari sa ’yo?" singit naman ni Dewei.

"May problema ka ba? sabihin mo lang sa amin, makikinig naman kami." wika naman ni Sheyne.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, na may concern sa akin.

It feels so good.

Ang suwerte ko sa kanila.

Thank you, Lord, for making me happy like this, maraming salamat at natagpuan ko sila.

"Huwag niyo muna ito ipagkakalat ah?” sambit ko kaya tumango naman sila.

Bago ako nag salita ay napatingin ako sa direksiyon nina Yzabela. Nakita ko naman si Marzanna na masayang nakikipag-usap kay Yzabela.

Siya ’yung nag-sabi sa akin na kinakailangan ko raw mag-ingat at hanggang ngayon ay nag-tataka pa rin ako kung ano iyon.

Ibinalik ko naman ang aking tingin kina Dewei, Kofi, at Sheyne na nasa aking harapan. "Kanina, nakita ko si Yzabela na may inilagay sa tumbler ni Kean. Hindi ko alam kung ano 'yon, pero parang may masamang balak siya?" they eyes widened after I said that.

“Talaga?” hindi makapaniwalang sabi ni Sheyne.

“Parang wala naman siyang masamang balak ah? base sa expression niya ngayon, tumatawa pa nga e.” sambit naman ni Dewei at nakangitin ito kina Yzabela.

"I think, totoo ang sinasabi ni Shanianah. May masamang balak ata siya, obsess ’yan kay Kean e. Naging sila ni Kean noon, pero balita ko nag-hiwalay sila dahil nag-loko daw si Yzabela, kaya iniwan siya ni Kean. Tapos ngayon, ganiyan na naman siya, kaya iniiwasan na siya ni Kean.”

"Pipigilan ko ba siya?" tanong ko sa kanila.

Sabay naman silang tumango.

"Oo. Baka mamaya nakakalason pala 'yon, bantayan na lang natin siya." ani ni Dewei.

Agad naman kaming umupo sa sulok at nakatingin lang sa aming unahan na kung saan nandoon sina Kean.

“Baka mamaya gayuma pala ’yung nilagay niya sa tumbler ni Kean.” bulong sa akin ni Sheyne kaya mahina naman kaming napatawa doon.

"Start na tayo!" bigla namang sumigaw si, Gelay. Ka agad namang tumayo 'yung mga kaklase namin, at ganoon na rin si Kofi upang mag-simula na sila sa kanilang practice.






Nasa kalagitnaan sila nang pagsasayaw, samantalang kaming tatlo nina Dewei at Sheyne ay nakaupo lang sa gilid at tinitignan sila.

Ako naman ay pasimpleng tinitignan si Kean, nakatayo lang siya sa gilid habang ako naman ay titig na titig sa kaniya at siya naman ay nakatitig lang sa mga ka-klase namin na ngayo’y sumasayaw.

Nakita ko namang umupo siya sa gilid at binuksan 'yung bag niya.

Kinuha niya 'yung tumbler niya at  dahan-dahan niya itong binuksan.

Agad naman akong tumayo at tumakbo papalapit sa kaniya para pigilan na huwag inumin 'yon.

"Huwag!" sigaw ko rito at malakas kong itinabig 'yung tumbler niya kaya tumalipon at dahil sa aking ginawa ay nabasa ang kaniyang uniporme.

Dahil sa ginawa ko ay natumba ako at mabilis akong nakapatong sa kaniya.

Sobrang lapit nang aking mukha sa kaniyang mukha, kulang na lang magka halikan kami.

Sobrang lapit ng mukha ko sa kaniya.

At hindi ko sinasadyang matitigan ang kaniyang magagandang mata.

Let's Dance? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon