26

755 28 1
                                    

HINDI na nagtaka si Ericka nang maggising siya at may maramdaman niyang mabigat sa katawan niya. Hindi pa man siya nagmumulat ng mga mata ay unti-unti ng dumaloy sa kanya ang alaala ng nangyari kagabi. She slept with Cedric and he was on her side. Nararamdaman niya ang ulo nitong nakapatong sa kanyang dibdib at nang magmulat siya ay nakumpirma nga niya iyon. They were both naked in each other arms.

Malinaw para kay Ericka ang nangyari sa kanila kagabi at kahit kaunting pagsisisi ay wala siyang naramdaman. Masaya siya sa nangyari. Gusto niya ang mga naramdaman. Tinupad ni Cedric ang ipinangako nito sa kanya. Wala itong kahit anong gagawin na hindi niya magustuhan.

Alam ni Ericka na mali ang ginawa nila. Konserbatibo siya. Pinangangalagaan niyang mabuti ang katawan niya, ang puri niya. Ang pinakaayaw niyang mangyari sa kanya ay ang maggaya sa kanyang ina. Ibinigay niya kay Cedric ang sarili niya kahit hindi pa naman sila kasal. Kahit hindi siya sigurado kung ano na ba sila. Kung ano ang nararamdaman nito sa kanya. Kahit kasi madalas silang magkasama at ramdam niyang siya lamang ang babae sa buhay nito, kahit isang beses ay hindi ito nagsabi na mahal na siya nito kagaya na lamang ng nararamdaman niya rito.

Iniiisip na lang ni Ericka na malaki ang pinagkaiba noon sa trabaho ng ina niya dati. Ibinebenta nito ang sariling katawan. Pinapagamit sa ibang tao kahit walang nararamdaman ang taong iyon para rito. Walang kahit anong pagmamahal o pag-aaruga man lang. Purong pagnanasa lamang at ganoon rin ang kanyang ina sa mga ito. Madalas na sinasabi nitong pagkakikitaan lang daw ang ginagawa nitong iyon sa kanya na kahit sa murang edad ay nalalaman na niyang masama. Maaga siyang namulat sa mga ganoong gawain kaya naman itinatatak ni Ericka sa utak na hindi rin gagawa noon. Masama iyon. Ganoon rin ang pangaral sa kanya ni Nanay Teresita.

Pero iba ang nangyari sa kanyang ina at sa nangyari sa kanila ni Cedric ngayon. Hindi man niya sigurado kung anong nararamdaman nito sa kanya, ramdam niyang inaalagaan siya nito at nirerespeto. Hindi ba't tinanong pa nga siya nito bago nila gawin iyon kung handa ba siya? Mahal niya si Cedric kaya pumayag siya. Malaki ang pinagkaiba ng trabaho ng ina niya sa nangyari ngayon. Ibinigay niya ang sarili kay Cedric dahil gusto niya ito. Mahal niya ito. Hindi dapat niya ipinagkukumpara iyon. Hindi dapat siya nagsisisi. Gusto niya at maloob sa kanyang kalooban ang ginawa niya ngayon.

Tinignan ni Ericka ang orasan sa kuwartong kinaroroonan nila. Alas otso na ng umaga. Early riser siya kaya medyo nanibago siya. Pero hindi rin niya masisisi ang katawan kung bakit bigla na lamang nagkaganoon. They made love all through the night...

Sinubukan ni Ericka na tanggalin ang ulo ni Cedric sa kanyang dibdib at kumawala sa yakap nito gaano man kasarap iyon. May ilang prayoridad siyang kailangang gawin muna sa ngayon. Nang matagumpay naman siyang makaalis nang hindi ito nagigising ay kinuha niya ang cell phone. Naka-ilang tawag na sa kanya si Nanay Teresita mula kagabi. Tinawagan niya ito upang alamin ang lagay nito.

"Nanay, may problema po ba?" tanong niya rito nang masagot ang tawag. Bahagyang kinabahan si Ericka dahil sa mga missed calls nito.

"Wala naman, hija. Gusto lang sana kitang kumustahin. Ipinagpaalam sa akin ni Cedric na dadalhin ka nga diyan sa isla niya..."

Sandaling hindi nakaimik si Ericka. Inamin na rin naman sa kanya ni Cedric iyon. Napatingin rin siya kay Cedric na kasalukuyang mahimbing pa rin na natutulog sa kama. Sandali rin siyang nanginig nang matulala siya rito. A sudden flare of sexual awareness went sizzling through her. Naalala niya ang pinagsaluhan nila kagabi. Kung paano siya nito hinawakan at kung paano rin niya malayang naggawang ibalik iyon rito. Cedric was a perfection in his golden flesh and a hair roughened chest that was so powerfully muscled. Naramdaman ni Ericka kung paano bumigat ang dibdib niya nang maalala kung paano ang pakiramdam ng ma-crush mula sa mga iyon.

"Ericka? Nagkaproblema ba? Trinato ka ba niya ng ayos?"

Napalunok muna si Ericka bago sinagot ang matanda. "M-maayos naman po ang lahat, Nanay. Tulog pa po sa ngayon si Cedric. Ngayon lang rin po ako naggising kaya ngayon lang ako natawag."

Si Nanay Teresita naman ang sandaling nanahimik. "Alas otso na. Hindi ka gumigising ng ganyan katanghali, maliban na lang kapag pagod na pagod ka..."

"Ah, N-nay napagod naman po talaga ako. Naglangoy kami ni Cedric sa dagat at---"

"Saan siya natulog? Magkaiba ba kayo ng kuwarto? Tapatin mo ako, anak..."

"Nay..." sandaling nag-alinlangan si Ericka pero naggawa na rin niyang sabihin rito ang tungkol sa nangyari. Hindi niya makakayang magsinungaling rito.

"Mahal mo na ba talaga ang lalaking ito, Ericka?"

Ericka almost wept. "Opo, Nay. Mahal na mahal. Kaya huwag po sana kayong magalit sa akin dahil---"

"Malaki ka na, Ericka. Alam mo na ang ginagawa mo. Hindi kita masisisi kung ginusto mo na mangyari iyan. Wala rin naman akong problema kay Cedric. Isa pa, gusto mo rin siya. Nakikita ko naman iyon sa mga mata mo. Sino ba ako para humadlang? Ang gusto ko lang ay sa ginawa mong ito, handa ka rin sa magiging consequences noon."

"Alam ko po, Nay..." wika ni Ericka. Kapagkuwan ay nagpaalam na ito. Hindi naman nagulo si Ericka sa sinabi ni Nanay Teresita. Sa totoo lang ay bahagya pa nga siyang naginhawaan roon. Kung hindi nito nagustuhan ang nangyari, kung hindi ito payag, siguradong magagalit ito. Pero pinaalalahanan lang siya ni Nanay Teresita. Wala itong sinabing kahit ano.

Hindi nagsisisi si Ericka. Kung mayroon man na tutol sa naging desisyon at ginawa nila ngayon, hindi rin dapat niya iyon pakaisipin. Ang mas mahalaga ay ang kanyang nararamdaman. Masaya siya. Masarap ang pakiramdam niya. Gusto ni Ericka na hayaan na lang na sundin ang damdamin niya. After all, ganoon rin naman ang ginawa niya noong una 'di ba? Sa halip na kilalanin niya muna si Cedric, mas pinanaig niya ang damdamin niya. Nagtiwala siya rito. At ano ang naging resulta noon? Nakaranas siya ng lubos na kasiyahan. Hindi siya binibigo ni Cedric. At ramdam niyang sa mga susunod na araw ay hindi rin siya bibiguin nito. Hindi man siya nito sinasabihan ng kasiguraduhan, nararamdaman naman niya na kagaya niya ay mahal rin siya nito. Hindi naman siya nito itatrato ng ganoon kung hindi matindi ang nararamdaman nito sa kanya.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Where stories live. Discover now