25

629 23 2
                                    

MADILIM na ang paligid pero hindi pa rin nagpapigil si Ericka sa paliligo sa dagat. Paano kasi ay pagdating nila ng isla, sa halip na ang unang gawin ay ang aliwin ang sarili sa paglilibot nang matagal at maligo sa dagat ay ginugol nilang dalawa ang sarili sa pagliligpit ng villa na iniwan nina Augustus na madumi. Madilim na ng matapos sila. Kumain sila ng dinner sa loob ng villa at pagkatapos noon ay nagyaya si Ericka na maligo sa dagat na kanina pa nito pinanabikan.

Dahil inaasahan niya na magugustuhan ni Ericka ang lugar at gugustuhin rin nito na manatili at aliwin ang sarili roon, inihanda na niya ang mga gamit nito. Binilhan rin niya ito ng swim wear. Ilang piraso rin iyon pero kagaya ng inaasahan niya, ang pinakakonserbatibo ang sinuot nito. Tank-top at shorts ang suot nito ngunit kahit ganoon, kuhang-kuha pa rin nito ang pansin ni Cedric. Kahit yata hindi lamang sila ang nasa isla ni Ericka, mapapansin pa rin niya ito. Napakaganda nito kahit na ba simple, pino at konserbatibo itong manamit. Ito ang klase ng ganda na kahit hindi mo suotan ng magagara at revealing na damit ay makakaagaw pa rin ng pansin.

Maliwanag naman ang beach area ng isla dahil may mga ilaw sa paligid. May power supply sila roon at malakas rin ang signal. Pribado man iyon at medyo tago ay abot ang isla ng mga makabagong teknolohiya sa ngayon. Dahil roon, kahit gabi na ay kita niyang nag-e-enjoy pa rin si Ericka. Kanina ay sinasamahan niya ito pero nang sabihan niya ito na gagawa siya ng apoy para makapag-bonfire sila sa isla ay pumayag ito na maiwan na mag-isa. Nang matagumpay na naggawa niya ang gusto ay lumapit ito sa kanya.

"Ang lamig!" wika ni Ericka saka tumabi sa kanya. Inabot niya rito ang towel at ibinalot sa katawan nito. Ilang sandali pa ang lumipas ay nanginginig pa rin ito kaya napagdesisyunan ni Cedric na yakapin ito. Medyo tuyo na siya dahil na rin sa ilang ginawa. Hindi naman nagreklamo si Ericka sa ginawa niya...kaiba sa kanyang katawan na kanina pa nakakaramdam ng kakaiba para rito.

Pero hindi napansin iyon ni Ericka. Lalo tuloy niyang napatunayan na inosente talaga ito. Bahagya tuloy nagsisisi si Cedric na dinala niya ito sa isla. Oo, gusto niya si Ericka. Noong una pa lang naman ay iba na ang nararamdaman niya rito at hindi siya magpapaka-impokrita na isa sa mga dahilan kaya dinala niya ito sa isla ay upang kahit papaano, makagawa sila ng mga bagay na hindi nila basta-basta magagawa sa ibang lugar. Gusto niyang masolo si Ericka. Lumalim pa ang kung anong mayroon sila... Sa halip na matunaw si Ericka sa kakaibang tinging ibinibigay niya rito habang nakayakap ito sa kanya ay iba pa ang nasa isip nito.

"Nasaan na ang mallows? Mag-iihaw tayo ng mallows 'di ba? Excited na ako!" para pang batang wika nito.

Kinuha ni Cedric ang mallows at tinusok sa stick. Kapagkuwan ay pinainitan iyon sa ginawang apoy. Nang makita niyang unti-unti ng natutunaw ang mallows ay inalis na niya iyon sa apoy. Hinipan niya muna ang mga mallows bago inilapit kay Ericka para kainin.

"Taste it..." paanyaya niya rito. Walang pagkiling naman na ginawa iyon ni Ericka. Lalong naglingas ang intense na pakiramdam kay Cedric habang pinapanood si Ericka na kinakain ang marshmallows. Marami siyang naisip. Bigla-bigla ay nainggit siya sa marshmallows. Mabuti pa iyon at malayang nakakalapat sa labi ng dalaga.

"Sarap?" nakangising wika naman niya. Hindi pa rin inaalis ang tingin rito. Hindi niya mapigilan. Naiinis si Cedric sa sarili dahil kahit simpleng pagtingin lang rito habang kumakain ay iba na ang kanyang nararamdaman.

He wanted to kissed her. The fire is burning in his body just by looking at her...

Tumango si Ericka. Nang salubingin nito ang tingin niya ay tila nawala na ang pagkamanhid nito. Nang mamula ang mukha nito ay ramdam ni Cedric na alam na rin nito ang iniisip niya.

"Hmmm..." ngumisi si Cedric. Inilapit niya ang mukha sa mukha ni Ericka. "How about something new to taste? L-like taste me, perhaps?"

"Cedric..." naramdaman niya ang pagprotesta sa tinig ni Ericka pero hindi iyon ang nakita ni Cedric sa mga mata nito nang unti-unting bumaba ang tingin nito patungo sa kanyang labi. His right hand cupped her cheeks. Wala rin siyang nakitang pagpoprotesta r oon kaya ginawa na niya ang kanina pa niya iniisip na gawin.

Cedric caught Ericka's mouth. Hinalikan niya ito.

Kagaya ng gusto niya, hindi nagprotesta si Ericka. Sa halip, naramdaman niya ang pagbalik ng halik nito sa kanya ilang sandali lang ang nakalilipas---ang unang beses na ginawa ni Ericka sa kanya. Ramdam niya ang kawalan pa nito ng aral sa klase ng halik na ibinibigay nito sa kanya ngunit hindi iyon naging dahilan para tumigil si Cedric at hindi ma-enjoy ang nangyayari. Bagkus ay nagbigay pa iyon ng dahilan sa kanya upang lalo pang patagalin ang halik. Gusto niyang turuan si Ericka. Kahit na ba tila nakakatakot ang consequence noon. Habang patagal na patagal ang halik ay tila nalulunod si Cedric sa sarap. Alam niyang mas mahihirapan siyang kumawala. He was driving her crazy.

Hindi napigilan ni Cedric ang sarili. Lumalim ang halik nila at sa paglalim noon, naramdaman na lang niyang unti-unti na niyang naihiga si Ericka sa buhangin. Nakapatong siya rito habang pinagpapatuloy nila ang kaninang ginagawa. Wala siyang naririnig pa rin na reklamo rito. Parang kagaya niya ay gustong-gusto rin nito ang ginagawa nila. Nag-e-enjoy ito. Gusto rin nito ang ginagawa.

Sari-saring damdamin ang namuo sa loob ni Cedric. Nangunguna na roon ang saya at pananabik. He felt so successful. Sa kanya na talaga si Ericka. Sa mga nakalipas na linggo ay ramdam na niya iyon. At ngayong gabi, ramdam ni Cedric na magiging kanya na ito ng buong-buo.

"You're mine, Ericka. You're mine. Only mine..." ungol ni Cedric sa pagitan ng halik. "

"I'm yours. I'm only yours, Cedric..." ungol rin naman nito.

Unti-unting bumaba ang halik ni Cedric sa leeg ni Ericka. Mas lalong lumakas ang ungol nito na lalong nagpalala sa kanyang nararamdaman. Cedric felt his senses are really going crazy now. Pinalala pa ng mga pagtugon ni Ericka. Alam na niya kung saan ang kapupuntahan noon kaya minabuti niyang bago pa man dumating ang oras na hindi na niya kayang pigilan pa ang lahat ay tinapat na niya si Ericka.

"I want you, Ericka. Nararamdaman kong ganoon ka rin. Pero alam mo ba ang kapupuntahan ng lahat ng ito? Handa ka ba?"

Namula na naman si Ericka at mas lalo lang noon pinaglingas ang nararamdaman ni Cedric. She was enchantingly beautiful. Witch. "H-hindi mo naman ako sasaktan 'di ba?"

Sapat na ang sagot ni Ericka para maging klaro sa kanya na pareho rin sila ng gusto. Gusto niya si Ericka pero gusto rin niyang irespeto ang gusto nito kaya kailangan niyang tanungin iyon. Pagkatapos ng lahat, kilala na niya si Ericka. Alam niyang malaking bagay ang mawawala rito kung ipagpapatuloy nila ang ginagawa. Kaya naman ang isipin rin na ipinagkatiwala nito sa kanya iyon ay napakahalaga sa kanya. Mas lalong nagbigay iyon ng kasiyahan sa kanya.

Cedric kissed her lips. "I will never do anything that you won't like..." pangako ni Cedric at pinangko ito papunta sa villa.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Where stories live. Discover now