34

417 17 1
                                    

Three Days Later

ANG BUONG akala ni Ericka ay magiging maayos na ang lahat sa kanila ni Cedric nang niyaya siyang pakasalan nito. Bumalik sila sa dati sa dalawang linggong paghahanda nila para sa kanilang kasal. Hindi na siya nito iniwasan nito. Pero nang maikasal naman sila ay nagbago muli si Cedric. Doon nagkaroon ng continuation ang pag-iwas nito.

Binibigyan naman siya ng dahilan ni Cedric kung bakit. Nagkaroon daw ito ng drive para magpinta. Pinagpaliban muna nito ang honeymoon nila. Noong una ay gusto niyang intindihin ito, tutal ay iyon rin naman ang gusto niya para rito. Gusto niyang bumalik ang concentration nito. Umalis ito ng unit nila at nagpunta sa farm nito sa Laguna upang doon gawin ang pagpipinta. Ayaw raw nito ng istorbo. Pero hindi mapakali si Ericka ng tatlong araw pagkatapos ng kasal nila ay hindi man lang nagpaparamdam sa kanya si Cedric. Sinubukan niyang tawagan ang bahay nito sa Batangas. Naka-off ang cell phone ni Cedric kaya hindi niya mismong makausap ito. Isama pa na sinabi rin nito na ayaw nitong magpaistorbo. Pero gusto niyang malaman ang lagay ng asawa. Ang caretaker ng farm ang nakasagot.

"Naku, Ma'am. Mukhang may problema nga po si Sir. Kapag nakikita ko po siyang gising ay palagi lang naman po siyang nag-iinom."

Nagulat si Ericka. "Nag-iinom? Hindi po ba siya nagpunta diyan upang magpinta?"

"Hindi po siya nagpipinta, Ma'am."

Sumama ang loob ni Ericka sa nalaman. Nagsinungaling sa kanya si Cedric.

Pinuntahan ni Ericka si Cedric. Nais niyang komprontahin ito. Hindi maaaring ganoon. Paniguradong may problema ito. Nakumpirma ni Ericka na hindi nagsisinungaling ang caretaker nang makarating siya sa farm. Nahuli niya si Cedric na nanonood lang ng TV habang may mga alak sa tabi nito. Nagulat pa ito nang dumating siya.

"Nagsinungaling ka sa akin," akusa agad ni Ericka sa asawa.

Bahagyang nagulo si Cedric. "I-I was just having a break. Nagpipinta naman talaga ako at---"

"Hindi iyon ang sinabi ng caretaker mo."

"Hindi niya nakikita palagi ang ginagawa ko kaya hindi niya sigurado. Go to my room. Makikita mo roon na sumusubok ako---"

"Pero wala ka pa rin nagagawa. Hindi pa rin talaga bumabalik ang concentration mo. Iniiwasan mo lang talaga ako. Aminin mo na lang iyon."

Naglihis ito ng tingin sa kanya. "Isipin mo ang gusto mong isipin, Ericka. Basta hindi ko muna gustong makasama ka ngayon. I need space."

Nasaktan si Ericka. "Kakasal lang natin, Cedric. Huwag mo namang gawin ito..."

Huminga nang malalim si Cedric. "Umuwi ka na muna, Ericka."

Umiling si Ericka. "Paano mo nasasabi 'yan? Alam ko na may problema ka tungkol sa atin. Tungkol sa akin. Dahil kung wala, hindi mo naman ako iiwasan. Gusto kong sabihin mo iyon sa akin. Ayusin natin iyon."

Umiling si Cedric. "Hindi ko pa kaya. Ayaw ko rin muna na magkaroon tayo ng komprontasyon ngayon. Nasa maselan kang kalagayan. Baka masaktan kita kapag sinabi ko sa 'yo ang lahat. Hindi ko gustong saktan ka."

Nanghina si Ericka. "Kung ganoon ay may problema nga..."

Tumingin sa kanya si Cedric. Gulo ang nakikita niya sa mga mata nito. "Just please go. Kapag naayos ko na ang issues sa sarili ko, saka na lang muna kita kakausapin."

"Anong mali sa akin, Cedric? Ginagawa ko naman ang lahat para sa 'yo, ah. Palagi akong sumusunod sa gusto mo. Ginagawa ko ang lahat para maging masaya ka. Ako ba ang may kulang? May mali ba---"

"Ako ang may mali, Ericka." Naglihis ito ng tingin. "At kung gusto mo talaga akong maging masaya, hahayaan mo muna ako. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko."

Nagbabadya ng pumatak ang luha sa mata ni Ericka. "Cedric..."

Pumikit si Cedric, mukhang iritado. "Please. Ipinapangako kong ako ang unang lalapit sa 'yo kapag maayos na ako. J-just give me time."

Tinitigan ni Ericka ang asawa. Tama ba na pagbigyan niya ito? Dapat ay inaayos nila iyon. Dapat ay alamin niya kung anong problema nito. Pero may isang bahagi rin ng puso ni Ericka na pumipigil sa pangungulit rito. Hindi siya matapang. Natatakot siya sa maaaring isagot ni Cedric. Paano kung wala na itong nararamdaman sa kanya at napagtanto nito iyon nang matapos silang ikasal? Hindi imposible iyon. In the first place, ni hindi siya nito sinabihang mahal siya nito. Kahit nang magsama na sila at kahit nang araw na ikasal sila...

Tama si Cedric. Nasa maselan siyang kalagayan ngayon. Hindi niya gustong marinig ang sasabihin nito lalo na at mukhang masama iyon. Hindi niya rin kayang harapin ang lahat ngayon. Tumalikod si Ericka at naglakad palayo kay Cedric.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora