36

998 25 5
                                    

NAALIMPUNGATAN si Ericka sa pagpapahinga nang marinig niyang may kumalabog sa labas ng kuwarto. Bumangon siya para tignan iyon. Sila lamang dalawa ng personal nurse ang nasa unit at ang alam niya ay maaga rin itong nagpahinga kagaya niya. Nang lumabas ay nakita niya ang magulong itsura ni Cedric na halos humalik na sa sahig. Mukhang lasing na lasing ito.

"A-anong..." sinubukan niyang pabangunin ang asawa. Tinulungan siya ng driver na kasunod nito, mukhang sinundan ang asawa dahil na rin sa lagay nito.

"Lasing na lasing siya, Ma'am. Kahit noong nasa kotse at nagpahatid dito ay umiinom pa rin siya..."

Matindi ba talaga ang problema niya at naggawa niyang maglasing ng ganito? Hindi maiwasang maitanong ni Ericka sa sarili. Tinanguan niya ang driver. Nagpatulong siya sa driver upang dalhin sa kama si Cedric na mukhang gusto na yatang matulog sa sahig dahil sa sobrang kalasingan. Kapagkuwan ay pinaalis na niya ang driver.

Inasikaso ni Ericka ang asawa. Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon para punasan si Cedric. Pagbalik niya upang isagawa iyon ay nakita niyang nagmulat ng mata si Cedric. He still looked groggy. Tinitigan siya nito habang pinupunasan niya ito.

"O-okay ka na ba ngayon kaya pinili mo na bumalik sa unit?" sinubukan ni Ericka na magtanong.

Umiling ito, pero nanatili pa rin nakatitig sa kanya. Nasaktan siya sa sagot nito pero hindi niya maiwasang magtaka sa klase ng titig nito. It looks something special even though she could surely say there are sadness in those. Pero pinilit niyang huwag pansinin iyon. Ang mahalaga ay bumalik na si Cedric sa unit. Sooner or later, magkakaayos rin sila. Gusto niyang umasa. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya, lalo na ngayong magkakaanak na sila.

Nang matapos sa pagpunas sa itaas na parte ng katawan nito kung saan paniguradong nararamdaman nito ang kalagkitan ay nakatitig pa rin ito. "Gusto mo ang ikuha kita ng kape para mahulasan ka?"

Umiling pa rin si Cedric pagkatapos ay niyakap siya. Bahagyang nanginig si Ericka sa ginawa nito. Naramdaman niya ang kapanabikan sa yakap ni Cedric. Ganoon rin naman siya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Na-miss niya ito. "H-huwag kang gagaya sa kanila, ha? Huwag mo akong iiwanan..."

Tiningala niya ang asawa dahil na-weird-uhan siya sa sinabi nito. "Anong---"

"Hindi mo ako iiwan 'di ba? Dito ka lang palagi sa tabi ko. Sasamahan mo ako habang buhay. M-mamahalin mo ako."

Tinitigan niya ang asawa. "Cedric, hindi mo na kailangang sabihin 'yan."

"Kailangan kong malaman, Ericka. Sabihin mo na mahal mo ako. Na hindi mo ako iiwan. Na hindi ka magsisinungaling sa akin...Please," naramdaman ni Ericka ang pagkapaos sa tinig ng asawa. May tumulo rin na luha sa mata nito nang hawakan ang mukha nito habang nagmamakaawa. Medyo matagal bago naka-react si Ericka.

Bakit sinasabi ni Cedric iyon sa kanya? Hindi ba ito nagtitiwala sa kanya? Sa kabilang banda ay hindi rin naman niya ito masisisi. Kagaya nito, hindi rin niya ito binibigyan ng kasiguraduhan. Tanging pinapadama lang niya rito ang pagmamahal. Mahal niya si Cedric pero malaking bahagi ng puso niya ang gustong dito muna marinig ang mga salitang iyon.

Hinawakan rin ni Ericka ang pisngi ni Cedric. Kung ano man ang problemang pinagdadaanan nito, obligasyon niyang damayan ito. Obligasyon rin niya na iparamdam rito na nandito lang siya palagi sa tabi nito. Hinalikan niya ang labi nito. "Hindi mo na kailangang ipakausap sa akin ang lahat ng 'yan, Cedric. Palagi lang akong nandito sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Hindi ako magsisinungaling sa 'yo. And yes, mamahalin kita habang buhay. Mahal na mahal kita."

"T-totoo ba 'yan? Mahal mo ba talaga ako? Hindi mo lang 'yan sinasabi sa akin dahil nakakaawa ang lagay ko?"

Kumunot ang noo ni Ericka. "Siyempre, hindi. Ngayon ko lang nasabi sa 'yo dahil hindi ko gustong ako ang mauna na magsabi. Pero noon pa man, mahal na kita, Cedric. Mahal na mahal kita."

Kagaya niya kanina, matagal rin bago nakapag-react sa kanya ang asawa. Tumulo lalo ang luha sa mga mata nito pero ngayon ay nakangiti na ito. Hinalikan siya nito at pagkatapos ay niyakap nang mahigpit. "Salamat. Salamat sa pagdating sa buhay ko..."

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ