7

697 23 1
                                    

"DO YOU have a boyfriend?"

Sandaling natigilan si Ericka nang marinig ang tanong na iyon ng baklang interviewer. Naalala niya ang payo sa kanya ng isa sa mga kaibigan na kapwa modelo. Kapag daw sumasagot sa mga tanong, dapat daw ay mala-"showbiz" rin ang sagot. Ituring daw nila na celebrity ang kanilang sarili kahit na ba hindi naman sila ganoong kasikat.

Binigyan ng malihim na ngiti ni Ericka ang interviewer. "I have someone special,"

Tumango-tango ang bakla. "Showbiz kung showbiz talaga, ha?" komento nito. "But is he showbiz or non-showbiz, too? I'm curious. Kahit hindi ka pa ganoong kasikat at struggling pa lang kung maituturing, you have your own beauty. I kind of like you. I feel that someday, may future ka. And we all know the latest in our showbiz community today. Madalas ay dinadala ng kung sino man na boyfriend ng isang modelo ang mga struggling o aspiring models na girlfriend nila. It can always be the other way around. Its an issue with Miley Cyrus and his ex-fiance, Liam Hemsworth. Ganoon rin ang issue tungkol sa bago niyang boyfriend na si Patrick Schwarzenegger. Aspiring model and actor kaya pumapatol raw sa mga sikat para mas maka-gain ng popularity para lalong sumikat. What do you think about that tactic, Miss Macaranas?"

Sandaling natulala si Ericka sa sinabi ng interviewer. Dahil isa lang naman na pagkukunwari ang tungkol sa pagkakaroon niya ng "someone special" sa kanyang buhay, hindi siya nakapaghanda na maaaring magtanong pa pala nang husto ang interviewer na ito. Isama pa na hindi naman talaga niya masasabing kailangan pa niyang paghandaan ang interview. After all, isa lang iyong interview tungkol sa mga struggling at aspiring models sa Pilipinas. Sa isang tabloid lang rin mapa-publish iyon. Maaaring tulong sa career niya dahil kahit papaano, ma-e-expose siya, pero dahil hindi naman iyon ganoon kalaki, hindi na lang din pinaghandaan ng mabuti iyon ni Ericka. Binigyan lang siya ng ilang tips ng isa sa mga kaibigang model kaya niya nagagawang sumagot kagaya ng isang celebrity.

Pero hindi nagustuhan ni Ericka ang sumunod na tanong ng interviewer. Oo, nahihirapan na siya at tila nawawalan ng pag-asa na balang araw ay darating na sa buhay niya ang matagal ng inaantay na break. Pero hindi naman niya gustong gumamit ng isang tao para lang sumikat. Alam niya ang tama at mali. Kahit nakapagsinungaling na rin naman siya sa interviewer, inilabas niya ang kanyang totoong saloobin.

"Kung sikat man siya, hindi gustong gamitin siya bilang daan ko para sa pagsikat. Its my stair, its my journey. Sabi nga nila, there is no elevator to success, you have to take the stairs. Mas gugustuhin ko ang ganoon kaysa ang gamitin siya para sa pagsikat ko."

"Oh... showbiz pa rin ang sagot ko! So ano nga? Is he showbiz or non-showbiz? How is he looking? What is his job? May plano na ba kayong magpakasal? Anong pakiramdam niya sa trabaho mo ngayon?"

Tila nagiging personal na ang mga tanong. Pero ipinagsawalang-bahala na lang ni Ericka ang mga iyon. After all, mismong ang bakla ang nagsabi na gusto siya nito. Tila may malaking interes ito sa kanya. Kaya siguro nagiging ganoon ang mga tanong nito ay para na lang din sa sarili nito. Makakatulong rin naman iyon sa kanya. Nag-isip na lang si Ericka ng kanyang maaaring isagot sa kanyang ginawang kasinungalingan.

Matagal-tagal rin bago nakapag-isip si Ericka. Sa edad niya, wala pa siyang nakakarelasyon. May mangilan-ngilan na nanliligaw pero dahil mas gusto niyang i-focus ang pansin sa kanyang career, hindi niya pinapansin ang mga iyon. Isama pa, wala pa rin naman nakakapagpaiba ng tibok ng puso niya.

Maliban sa isang tao.

Sa kabila ng masamang karanasan ni Ericka sa lalaking iyon, hindi rin niya maitatanggi na nagustuhan niya ito. Nang maisip ang lalaki ay iyon na lamang ang kanyang inilarawan dahil hindi rin naman siya ganoong kahanda.

"Well, he is an Italian," wika ni Ericka. Kamukha ang lalaking iyon ang isa sa mga kaklase niya noong high school na may lahing Italyano kaya iyon ang kanyang naisip. Pareho kasing light blue ang mga mata nito. "And a painter," dugtong niya nang maalala kung anong nahulaan niyang maaaring trabaho ng lalaki dahil na rin sa suot-suot nito nang una niya itong makita.

Kumunot ang noo ng interviewer pero hindi na ito muling nagsalita. Hindi na rin ito nag-usisa. Nagsulat na lang ito sa notebook nito at nang matapos ay matamang tinitigan siya. Gusto na rin mapakunot noo ni Ericka dahil naramdaman niyang tila may nag-iba yata rito pagkatapos marinig ang sagot niya. Ngunit bago pa makapagsalita si Ericka, nagpaalam na sa kanya ang interviewer. Hindi na lang rin inintindi ni Ericka ang kakaibang iginawi ng interviewer dahil para sa kanya ay wala naman siyang nasabing masama sa paglalarawan niya sa lalaki. Isang figment of her imagination lang rin ang "someone special" na na-describe niya. Doon naman nagsimulang mag-iba ang ginawi ng interviewer, hindi sa pagsisinungaling niya tungkol sa existence kuno ng someone special sa buhay niya.

Pero sa kabila ng lahat...parang bigla yatang kinabahan si Ericka.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Where stories live. Discover now