17

686 23 1
                                    

"ANO BANG magandang puwedeng ipampasalubong pauwi sa Pilipinas?"

Lahat ng kaibigan ni Cedric ay napatingin sa kanya nang bigla niyang basagin ang katahimikan at itanong iyon. Kinabukasan ay uuwi na sila sa Pilipinas at bago iyon, gusto sana niyang lumabas muna upang bumili ng maaari niyang ipasalubong kay Ericka. Missed na missed na niya ito.

Namilog ang mga mata ni Nikos. "Ikaw ba 'yan, Cedric?"

"'Wag mo ng pagtakahan, Nikos. Alam na naman natin ang nangyari 'di ba? Persuading the model daw...'yun naman iba na pala," iiling-iling na wika ni Augustus.

"I didn't expect it to happen---" sinubukang ipagtanggol ni Cedric ang kanyang sarili.

"Love sick," pagputol na komento ni Jet sa sinasabi niya pero nakangiti. "Welcome to the club!"

Tinawanan ito ni Vincent. "Welcome to the club? At kailan ka pa nakasali sa club ng umiibig?"

Tumahimik si Jet. Nagkaroon na muli ng pagkakataon si Cedric para magpaliwanag. "Alam ko na parang insensitive ang gagawin ko dahil hindi naman bakasyon ang pinuntahan natin para maghanap ako ng pasalubong. Pero gusto ko lang na maramdaman niya na kahit wala ako sa tabi niya, naalala ko siya."

"Kung ganoon, hindi mo itinatangging gustong-gusto mo talaga ang babaeng ito?" tanong ni Nikos.

"Kailangan pa bang tanungin 'yan? Ramdam na ramdam na natin. Kung wala siyang nararamdaman sa babaeng 'yan, edi sana ay matagal na niyang kinasuhan iyon dahil sa false details na ibinigay niya sa media na girlfriend daw siya nito. We all know how private our friend is. What that lady did to her was scandalous. Pero anong ginawa niya? Sa halip na komprontahin, sinundan pa. Nagdahilan pa na gusto lang maging modelo pero tignan ang pagpapahalaga ngayon?" ngingiti-ngiting sabi ni Augustus.

Hindi gusto ni Cedric na asarin ng mga kaibigan. May pagkaasar talo siya. Madalas siyang nagwa-walk out kapag inaasar siya. Pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang maramdamang kahit anong pagkaasar. Sa halip, gusto niya pa na mapangiti sa akusa ng mga kaibigan. Totoo naman kasi iyon.

Oo, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Ericka sa kanya. Sinabi rin niya sa kanyang sarili na gusto niyang diskubrehin kung ano ang mayroon at bakit nito naggawa iyon sa kanya. Pero dahil mas tumuon ang pansin niya sa nararamdaman niya para rito, tila nawala lahat ng mga bagay na dapat ikagalit niya rito. After all, nang makilala niya nang lubos si Ericka, madali ng ipaliwanag kung bakit madali lang na natunaw nito ang galit niya.

Ericka was a very wonderful lady. Bihira na ngayon ang kagaya nito na may ginintuang puso. Sa halip na ipunin nito para sa sarili ang sariling pera, ibinibigay pa nito iyon sa iba. Nakita niya kung ano ang estado ng pamilya nito sa buhay. Kung tutuusin, marami itong kailangang pagtuunan ng pansin sa pamilya nito. Maliit lang ang bahay na tinitirhan ng mga ito at may sakit pa ang tinuturing ng ina nito. Pero sa halip na pangsarili ang iniisip, mas iniisip pa nito ang ibang mga batang alam nitong kapos sa buhay.

Kahit lumaki siyang matigas, lumambot ang puso ni Cedric sa mga ginagawa nito. Naalala niya ang sarili niya noon sa mga batang tinutulungan nito. Kahit naging masama para sa kanya ang nangyari noong kabataan niya, hindi ibig sabihin noon ay hindi niya na-a-appreciate ang mga taong tumutulong rin sa kanila noon. Alam niya ang pakiramdam ng matulungan, lalo na kapag ramdam mo na hindi pilit iyon. Kitang-kita niya sa mga mata ni Ericka, kahit hindi pa man sabihin nito sa kanya, na bukal sa loob ang lahat ng ginagawa nito. Dahil hindi ordinary ang kuwento ng buhay niya, mas naging madali para sa kanya ang makilala kung sino ang masama at ang mabuti. Nakilala na agad niya si Ericka sa sandaling pagsasama pa lang nila. Kakaiba ito sa ibang babae. Isama pa na kahit hindi nito alam ang totoong estado niya sa buhay, tinatrato pa rin siya nito nang mabuti. Kahit ang buong akala lang nito ay isa siyang ordinaryong pintor, tila balewala iyon rito. Dahil roon, mas lalo tuloy siyang na-challenge na huwag aminin rito kung sino siya.

Ilan rin sa mga kaibigan niya ang mahilig sa mga babae. Sa tuwina, madalas na nagrereklamo ang mga ito na isang hinahabol lang ng mga babae sa mga ito ay ang yaman ng mga ito. He disgusted that. Kaya mas pinili ni Cedric na maging pribado ang kanyang buhay. Hindi niya gustong lapitan o mahalin ng isang tao dahil lamang sa kung anong kaya niyang ibigay sa mga ito.

"I like her, fine." Nang pumalakpak ang dalawa sa mga kaibigan niya ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Pero hindi ko masasabing mahal ko na siya."

"What? Kung ganoon, ang ibig mong sabihin ay isa lang rin siya sa flings mo?"

Nagkibit-balikat si Cedric. Puwede. Puwede rin namang hindi. Pero kung tutuusin, kay Ericka lang ang nagtiyaga sa kanya nang ganoon. Kung kinailangan niyang ligawan ito para maangkin ito, gagawin niya. Ganoon katindi ang nararamdaman niya para rito.

"We are not getting any younger, Cedric," banta sa kanya ni Nikos.

"Oo nga," Segundo naman ni Augustus. Matagal ng kasal si Nikos at ngayon ay maayos na ang relasyon sa asawa na dati ay hindi nito gusto. Samantalang balita niya, nagkakamabutihan na si Augustus at ang best friend nitong si Melanie. Hindi niya masisisi ang mga ito kung gusto siya nitong hawaan ng mga ito ng masayang pakiramdam kuno raw ng mga ito sa tuwing kasama ang kanya-kanyang partner sa buhay.

Kumunot ang noo niya. "Kung ganoon... ano ang ipinapahiwatig niyo? Na kagaya niyo ay lumagay na rin ako sa tahimik?"

Tumango si Nikos. "Makakabuti iyon para sa 'yo, trust me."

"Pero ang tanong... nakikita mo ba ang sarili mo na matutunan siyang mahalin sa hinaharap? Nakikita mo ba ang sarili na kayang magpatali sa kanya habang buhay?" tanong ni Jet.

Hindi nakapagsalita si Cedric. Hindi niya pa masasabi. Oo, kakaiba si Ericka sa lahat ng babae na nakilala niya. May kakaiba itong damdamin na binubuhay sa puso niya. Pero ang matutunan itong mahalin? Ang maikasal rito? Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, mukhang malabo ang daan patungo sa hinaharap na iyon. Ipinangako niya noon na hindi niya gustong maranasan iyon. Pero hindi niya sigurado ang lahat. Ang tanging sigurado niya lang ay gusto niya ito at sabik na sabik na siyang makita itong muli.

Pagkatapos ng lahat ng interegasyon ay sinamahan rin naman siya ng mga ito na bumili ng maaari niyang ibigay kay Ericka. Si Augustus ang nagsuhestiyon sa kanya na ibili na lang niya ito ng knit wool cardigan na nakita nila sa isang souvenir shop. Maganda raw iyon kasi hindi iyon kasing ordinaryo ng mga chocolates at flowers. Nagsusuhestiyon rin raw iyon to keep her comfortable and warm. At sa tuwing suot-suot nito iyon, parang niyayakap na rin daw niya ito. Iyon raw ang maalala ni Ericka sa ireregalo niya rito. Nagustuhan niya ang paliwanag ni Augustus kaya pinatulan niya iyon. Nagustuhan rin naman niya ang biniling cardigan. Nakikinita niyang babagay iyon kay Ericka.

Sumabay siya sa private jet ni Vincent pauwi ng Pilipinas. Naging matindi ang pananabik ni Cedric. Nanabik rin naman siya minsan kapag umuuwi sa Pilipinas dahil makikita niya ang mga kaibigan. Pero hindi ganoon katindi. Naging masama ang karanasan niya sa bansa. Wala rin siyang pamilya roon. Pero dahil kay Ericka, iba ang kanyang naramdaman. Isang linggo rin niyang hindi nakita ito. Kahit na natatawagan naman niya ito araw-araw, hindi pa rin iyon sapat. At nitong dalawang nakaraang araw ay halos hindi niya makausap ito. Para bang iniiwasan siya nito na hindi niya mawari. Kinakabahan siya sa kung anong mayroon rito, isa sa mga dahilan kung bakit sabik na siyang makita ito. Gusto niyang alamin kung may problema.

Hindi niya gustong maramdaman na may problema sila. Hindi niya gustong mawala sa kanya si Ericka. Pero hindi rin niya gustong lubusang mahalin ito.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Where stories live. Discover now