3

798 24 0
                                    

SIYAM na taong gulang si Cedric nang may mga dumating na bigating bisita sa Safe Haven Orphanage. Lahat ay masaya, tila umaasam na isa sa mga mapipili na maampon ng mga ito. Pero hindi si Cedric. Sa kabila ng pagtanggap niya kayna Nikos bilang kanyang mga kaibigan, hindi na rin niya gustong umasa muli pa na magiging maayos ang lahat. Na balang araw, may mag-aampon rin sa kanya nang matagumpay kagaya ng kagustuhan ng mga kaibigan niya.

Maayos na siya sa Safe Haven. Hindi na niya kailangan ng mag-aampon pa. Natuto na siya dati. Mas gusto niyang nandoon na lang sa Safe Haven. Mababait naman ang mga tao roon. Masaya na siya sa buhay niya. Kaya naman ngayong araw, sa halip na makisali sa mga activity para lalong makilala ng mga foreigner na may balak raw na mag-ampon, pinili niyang magkulong na lang sa kuwarto at doon ay gumuhit at magpinta na siyang paborito niyang ginagawa.

Ayon sa mga madre at kasamahan rin niya sa orphanage, malaki raw ang talento niya sa pagguhit at pagpinta. Proud ang mga ito sa kanya at nang dahil roon, madalas na naka-display sa lobby ng orphanage ang gawa niya. Hindi iilang tao ang nakapansin noon. Nang dahil rin doon, mas marami ang nagkainteres sa kanya. Mayroon kasi siyang kakaibang talento. Pero sa tuwina ay umaayaw si Cedric. Madalas siyang nagdadahilan sa mga madre dahil na rin sa mga naging karanasan niya noon. Hindi naman siya pinipilit ng mga ito at hinahayaan na lamang sa gusto niya.

Hindi gusto ni Cedric na mapansin kaya pinili niya na magtago. Nag-concentrate na lang siya sa pagguhit at pagpinta. Para sa kanya ay ito ang tamang oras para gawin iyon. Pakiramdam kasi niya ay mas nakakagawa siya ng hilig kapag walang taong nakapaligid sa kanya. Gusto niya na mag-isa lang. Ayaw niya ng istorbo. Naiirita siya. Abala ngayon ang mga kasamahan sa orphanage kaya ramdam ni Cedric na makakapag-concentrate siya. Nasa kalaliman siya ng ginagawa nang biglang bumukas ang pinto.

Napatigil si Cedric sa ginagawa. Sumigaw siya pero hindi lumingon. "Hindi ako pupunta sa activity! Leave me alone!"

Sanay na ang mga kaibigan niya sa bruskong ugali niya kaya hindi na niya ikinahihiya ang sinabi.

"After looking at your paintings in the lobby, I don't think I can afford to leave you alone, ragazzino,"

Dahil hindi pamilyar sa kanya ang boses at kakaiba ang accent ng sumagot, napalingon na si Cedric. Sandali pa siyang natulala nang magtama ang kanilang mga mata ng lalaking inistorbo siya. Pareho sila ng mata ng lalaki---light blue eyes. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit sa kabila rin ng talento niya, maraming gustong mag-ampon sa kanya. Sa murang edad kasi, makikita na raw na makisig siya. Maganda raw kasi ang kulay ng kanyang mga mata. Kakaiba, kagaya rin ng kanyang brown na buhok. Ayon sa mga madre, baka raw iyon ay namana niya sa kanyang ama. Baka raw foreigner ito. Nasa ganoon rin ang kanyang paniniwala kahit hindi iyon inamin ng kanyang ina pero binabalewala na lang niya iyon kagaya ng pagbalewala niya sa lungkot ng pag-iwan sa kanya ng ina sa ampunan. Naging napakasakit ng lahat at sa kanyang murang edad, itinanim na niya ang galit sa lahat ng mga nang-iwan sa kanya. Pero kahit ganoon, hindi na niya gustong balikan ang mga ito. Pagkatapos ng lahat, ni hindi rin naman talaga siya ginusto ng mga ito. Isang pagkakamali lamang ang lahat. Isa lang siyang pagkakamali.

"You're the artist of those paintings and drawings in the lobby, right? The nun told me you might be in your room because you don't like to join those kind of activities. She was about to accompany me when something came up. She just told me the way here." Pagpapaliwanag pa nito kung paano siya nito natunton.

"I-it doesn't matter. I don't want anyone here. Leave me alone!" naintindihan ni Cedric na maaaring isa ito sa mga sinabing dadalaw na foreigner kaya sinubukan niyang mag-ingles. Dahil sa mga sponsors ng ampunan, nagagawa nilang mga bata roon na mag-aral. Maganda ang turo sa eskuwelahan kung saan sila enrolled kaya masasabi ni Cedric na kaya rin niyang makipagsabayan sa lalaki kung makikipag-usap ito sa kanya.

"You're rude." Komento nito sa kanya. Pero sa halip na mainis o magalit, ngumiti pa ang lalaki. "I like it."

Kumunot ang noo ni Cedric. Kahit sanay na ang mga tao sa orphanage sa brusko niyang ugali, madalas ay napapagsabihan pa rin siya dahil doon. Masama raw iyon. Kaya bakit ganoon ang reaksyon ng lalaki?

Lumapit sa kanya ang lalaki. Nagkaroon siya ng pagkakataon na tignan ang itsura nito. Napansin niya na tila may pagkakahawig silang dalawa. Kapareho ng kanyang mga mata ay pareho rin ang kulay ng kanilang buhok. Matangos rin ang ilong niya kagaya nito pero dahil noong bata pa siya ay nadapa siya na naging sanhi para mabali ang isang buto sa kanyang ilong, medyo crook iyon. Nakaramdam ng kakaiba si Cedric habang nilalapitan siya nito. Pero kaiba niya, tila wala namang pakialam ang lalaki. Tinignan nito ang ginagawa niya.

"Very nice. I like you already." Tumango-tango pa ang lalaki saka nagbigay nang malaking ngumiti.

"I-I don't want to be liked,"

Tumaas ang isang kilay ng lalaki. "And why? The kids outside seems so desperate to be adopted. While you---"

"I don't want to. And I don't want to be adopted. I don't want to be with anyone!"

Natigilan ang lalaki sa kanyang sinabi pero ngumiti rin pagkatapos. "I am a famous Italian painter, just so you know. And I understand why you don't want to be with anyone. Most artists are like that. I am, too. And because of that, you just made me want you more."

"You don't understand. I don't just want anyone while working. I don't want to be adopted. I don't want to have another family that will love me then in the end will just---"

"That's not a problem, ragazzino. You'll have me as a family but you can expect me not to love you."

Kumunot ang noo niya. Puwede ba iyon? Gusto siya nitong ampunin pagkatapos ay hindi siya nito mamahalin? Gusto siya nitong gawing pamilya pero hindi siya pahahalagahan?

"I'm not capable of any emotion. I can't love. But I want someone to call as a family. I want someone to continue my legend as I grow older. To support me. And because I think you have the talent and the same capabilities as me, I want you to be that one. I want to adopt you."

Natulala si Cedric pagkatapos ay napaisip sa mga sinabi nito.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Where stories live. Discover now