10

790 28 1
                                    

"HULI ka!" bahagya pang napapitlag si Cedric nang malakas na sumigaw ang kaibigan na si Vincent. Naramdaman niya ang hawak nito sa kanyang balikat, senyales lang na nasa malapit na ito. Kaya bago pa naging alerto si Cedric para itago ang kanyang ginagawa, nasilip na agad iyon nang isa sa pinakamaloko niyang kaibigan.

Kasalukuyan na nasa Golden Cash clubhouse si Cedric. Naroroon siya sa private area na pagmamay-ari ng grupo nila. Dahil wala naman silang usapan na magkikita-kitang magkakaibigan, naisip niya na wala namang iistorbo sa kanya kung nandoon siya kaya naging feel free siya na huwag magtago sa isa sa mga kwarto at minabuting sa garden ng private area niya gawin ang ginagawa.

"Damn it. 'Wag ka ngang mang-gulat!" sinubukan niyang isara ang screen ng kanyang laptop upang hindi na nito tuluyang makita ang ginagawa niya pero nanatiling makulit ang kaibigan. Pinigilan nito ang kanyang ginagawa para lokohin siya.

"At 'wag ka rin mang-stalk ng babae," ngingisi-ngisi ito pagkatapos magkaroon ng hinala sa ginagawa niya. "But she's beautiful."

"Shut up, Vincent. Lahat naman ng babae, maganda para sa 'yo." May pagkababaero ang kanyang kaibigan kaya naman hindi niya nagustuhan na sinasabi-sabihan niya ng ganoon si Ericka. Hindi niya gustong may nagkakagusto sa babae, lalo na ang isa pa sa mga kaibigan niya. Pakiramdam niya ay mapapaaway siya.

Kumunot ang noo nito. Tumaas ang isang kilay at maya-maya ay napangisi. Hindi rin nagustuhan ni Cedric ang ngisi na ibinigay nito. "You looked mad. That's something serious. Girlfriend mo ba ang babaeng ito? Kailan mo siya ipapakilala sa amin?"

Si Cedric naman ang bahagyang naguluhan sa sinabi nito. Kumunot ang noo niya. Hindi nakilala ni Vincent ang babae? Hindi pa nito alam ang balita? Kung ganoon, ipinapaliwanag noon kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya kinukulit ng kanyang mga kaibigan.

Maraming taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay in touch pa rin si Cedric sa mga naging kaibigan. Kahit naging mahigpit sa kanya ang nag-ampon na si Mr. Maximo Guidicelli, pagdating naman sa kanyang mga kaibigan ay hindi ito. Basta hindi niya napapabayaan ang trabaho niya ay hindi naman ito nagrereklamo.

Sa pananatili ni Cedric kay Mr. Guidicelli ay mas nahasa pa ang talento niya. Hindi niya masasabing nagkaroon siya ng maraming masayang oras na kasama ito dahil na rin sa kakaibang ugali ng lalaki. Mahigpit ito sa kanya. Ang gusto nito, palagi lang na naka-focus ang atensyon niya sa pagpipinta. Kahit ngayong malaki na siya ay gusto pa rin nitong kontrolin ang buhay niya. Parang mas naging determinado pa nga ito. Paano kasi ay matanda na ito, kakaunti na ang nagagawang mga painting. Halos hindi na kumikita ito. Madalas ay sa kanya na lang ito nakaasa. Ang pagme-maintain ng palazzo nito ay libong euro na ang halaga. Marami itong employed na tauhan na siya na rin ang nagpapasuweldo. At dahil mabisyo ang nag-ampon sa kanya, malaki ang gastos nito sa pang-araw-araw kahit na ba kumikita nang malaki ang isa lang sa mga obra nito. Mahilig itong mag-Casino at gumamit ng ilan na rin sa pinagbabawal na gamot. At ang pinakamatindi, hilig ni Maximo Guidicelli na mambabae.

Matikas pa rin naman si Maximo Guidicelli kahit na ba senior citizen na itong maitituring ngayon. Sixty one years old na ito. Matanda na ito at medyo hirap na rin na makapagtrabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nito inaalis ang bisyo sa buhay. Kaya kahit paminsan-minsan ay nakakapagpinta pa rin ng mga ito, madalas ngayon ay siya na ang sumusuporta rito.

Wala namang kaso kay Cedric ang pagsuporta na ngayon sa nag-ampon. Kahit masasabi niyang hindi naging magandang ehemplo sa kanya ang nag-ampon, malaki pa rin ang utang na loob niya rito. Dahil dito, mas nahasa pa ang galing niya sa pagpipinta. Madalas man siya na napapabayaan nito sa pang-emosyonal na aspeto, binabalewala na lang niya iyon. Pagkatapos ng lahat, ipinaliwanag rin naman ng lalaki na sa una pa lang ay wala na naman talaga siyang makukuha rito pagdating doon. Financially naman, hindi siya pinabayaan nito. Legally ay inampon rin siya nito. Ibinigay sa kanya ang pangalan nito.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя