24

692 30 3
                                    

NAGGISING si Ericka sa marahang pagtapik sa kanyang balikat. Sumalubong ang mukha ni Cedric na titig na titig sa kanya. Bahagya pa siyang nagtaka. Muntik na rin niyang sawayin ito. Hindi dapat siya nito pinag-aaksayahan ng oras. Ito ang nagmamaneho ng yate na pagmamay-ari ng kaibigan nito. Isang araw kasi habang nagagala sila ay nasabi niya rito na gusto niyang makasakay roon kaya ngayon ay isinakatuparan nito iyon. Ito rin ang nagsilbing sailor ng yate. Masyadong natuwa si Ericka sa unang beses na pagsakay roon kaya nilibot niya nang nilibot ang yate. Habang nasa laot rin ay sigaw siya nang sigaw na parang bata. Ang bottom line: napagod siya at hinayaan naman siyang matulog ni Cedric sa isa sa mga kuwarto sa loob ng yate.

Si Cedric ang nagmamaneho ng yate kaya dapat ay wala ito sa kuwarto. Dapat ay naka-focus lang ito sa pagmamaneho. "Bakit---"

"Wake up now, sleepyhead. Nakadaong na tayo."

"Nakadaong? Na agad?" tumingin siya sa orasan sa loob ng kuwarto. Napahawak siya sa kanyang bibig nang makitang mahigit tatlong oras pala siyang nakatulog. "Hindi ko pa masyadong na-enjoy ang dagat."

Ngumisi si Cedric. "Don't worry. Sinigurado ko na ma-e-enjoy mo pa nang husto ang dagat."

Kumunot ang noo ni Ericka. Niyaya siya ni Cedric na lumabas na ng kuwarto. Nakita nga niya na nakadaong na ang yateng sinasakyan nila pero hindi sa lugar kung saan sila nagmula. Nagtatakang napatingin si Ericka kay Cedric. "Nasaan tayo?"

"In my private island," ngingisi-ngising wika ni Cedric.

Nanlaki ang mata ni Ericka. "You don't mean that."

"We're already here, Ericka. Of course, I mean it."

Tinignan ni Ericka ang paligid. Mukha ngang pribadong isla iyon dahil wala siyang kahit sinong taong natatanaw sa paligid. Agad rin siyang humanga sa ganda ng lugar. Crystal clear water and white sands! Parang sa larawan lang sa mga kalendaryo niya makikita ang ganoong klase ng isla. Napuno ng pananabik ang puso ni Ericka sa isipin na maaari niyang libangin ang sarili sa lugar. Pero napasimangot rin nang biglang may maalala. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may ganito ka pala? Bakit hindi mo sinabi na dadalhin mo pala ako rito? Hindi man lang ako nakapaghanda."

"That's covered, too. I already packed for you. Hindi mo pala napansin sa loob ng kuwarto,"

May nakita nga si Ericka na mga paper bags sa kuwarto. Pero hindi niya naisip na sa kanya pala iyon. "Pinaghandaan mo ito?"

Nagkibit-balkat si Cedric. "In case na hindi mo gustong umuwi. We can stay the night here if you want."

Sandaling natigilan si Ericka. Isang gabi kasama si Cedric? Sila lamang dalawa? Maraming bagay ang naglaro sa isip niya. Hindi man niya masasabi kung ano na talaga ang score sa pagitan nila ng lalaki, ramdam naman niya na kakaiba na iyon. Hindi na iyon basta-basta. They were like lovers.

Sa mga nakalipas na araw ay ilang beses na rin siyang nahalikan ni Cedric. Madalas na magkayakap sila. Magkalapit ang mga katawan. Alam ni Ericka na komportable na siya rito. Gusto naman niya ang ginagawa niya. Gusto niya ang makasama ito.

"P-pero sina Nanay Teresita. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya."

"Naipagpaalam na kita at pumayag siya. Gusto ko lang sorpresahin ka kaya hindi ko kaagad sinabi sa 'yo."

Kinuha ni Cedric ang kamay niya at inalalayan siya upang makababa ng yate. Sandaling nilibot nila ang isla hanggang sa mapagpasyahan nilang kuhanin ang gamit sa loob ng yate at dalhin iyon sa villa. Kompleto raw ang mga amenities doon kaya hindi na rin siya mamomroblema. Pero nang makapasok sa villa ay tila nagkaroon sila ng malaking problema. Magulo iyon, lalo na ang masters bedroom kung saan siya dinala ni Cedric.

Umiling-iling si Cedric nang makita iyon. "Damn Augustus."

"A-ang kaibigan mo?" hindi pa man pormal na naipapakilala siya ni Cedric sa mga kaibigan nito ay naikukuwento na nito iyon sa kanya. Ang sabi nito ay isa sa mga araw na iyon ay ipapakilala na siya nito sa mga kaibigan.

Tumango ito. "Ilang linggo na rin simula nang hiramin niya sa akin ang isla ko para daw makapag-celebrate ng birthday ng best friend niya. Once a month lang ako nagpapapunta ng maglilinis rito dahil hindi naman talaga ginagamit. Hindi pa dumadating muli kaya ito ang naabutan natin. Nakalimutan rin sigurong ipalinis kaya ganito."

"Ilang araw ba silang nanatili rito?" Napakagulo kasi talaga ng paligid. Para bang tinuluyan iyon ng sampung makukulit na bata. Nagkalat ang mga unan at gusot na gusot ang mga kumot. May ilang basura rin sa paligid.

"Ilang araw rin. Kulang-kulang isang linggo yata. Marunong namang maglinis ang mga iyon dahil pare-pareho kaming galing sa bahay ampunan pero hindi na kataka-taka na hindi na naggawa at naisip ng dalawang 'yun ang maglinis. Paniguradong may ginagawang kababalaghan ang dalawa kaya ganito na lang kagulo."

"Kababalaghan?" kumunot ang noo ni Ericka.

"You know... kapag may dalawang nag-iibigan ang nagkulong sa isang isla na sila lamang. Nagsama sa isang kuwarto... you know what I mean," tumingin sa kanya si Cedric at ngumisi.

Bahagyang napanganga muna si Ericka pagkatapos ay namula nang maisip ang ibig sabihin ni Cedric. Kung ganoon ay hindi lang basta best friend ni Augustus ang sinama nito sa isla. They were lovers, too.

Parang silang dalawa ni Cedric...

Maraming bagay ang pumasok sa utak ni Ericka dahil doon. Kagaya ba ni Augustus at ng matalik na kaibigan nito...may mangyayari rin sa kanila ni Cedric? Nakaramdam siya ng kaba sa puso niya. Lalo na nang makitang kakaiba ang ngisi na ibinigay sa kanya ni Cedric. It looked dangerously. Tila may ibang kahulugan iyon.

Pero pinilit na inalis ni Ericka ang kabang nararamdaman. Pinagkakatiwalaan niya si Cedric. Alam niyang hindi ito gagawa ng hindi niya magugustuhan. Nirerespeto siya nito. Inaalagaan nang husto. Pero duda rin naman siya kung may kakaiba man na mangyari sa kanila ngayong makukulong silang dalawa sa isla na hindi niya magugustuhan na maaaring gawin nito sa kanya. Nararamdaman niyang mahal na niya si Cedric. Nakuha na nito nang husto ang loob niya. Nahulog na siya rito. At kagaya ng isang nagmamahal, masasabi niyang alipin na siya noon. Alipin na siya ni Cedric. Ano man ang mangyari ngayong gabi, ramdam ni Ericka wala siyang pagsisihan.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Where stories live. Discover now