8

710 25 1
                                    

NAGISING si Ericka sa masayang tawag sa kanya ng manager ng ad agency kung saan siya nakakontrata. May bago raw siyang project. Kakaiba ang boses manager ng agency nang tawagan siya. Tila sabik na sabik ito. Dahil doon, nasabik si Ericka. Umaasa siya na baka dumating na ang suwerte niya!

Dumating siya sa opisina at halos lahat ay nakangiti sa kanya. Kahit ang mga dating empleyado na dinadaan-daanan lang siya ay binati pa siya ngayon. Hindi man "congratulations" para magkaroon naman siya ng hint na mukha ngang dumating na ang suwerte na inaantay niya, masaya na rin siya. At least ngayong araw, pakiramdam niya ay respetado siya ng mga tao.

Isa iyon sa hindi nagugustuhan ni Ericka sa trabaho niya. Isa rin dahilan kung bakit nade-depress na siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nadidiskubre. Hindi pa siya sumisikat. Ang tingin pa rin tuloy sa kanya ng mga tao ay mababa kaya hindi siya madalas bigyan ng mga ito ng ganoong klase ng pagbati hindi kagaya ng ilang kasamahan niyang modelo roon na sikat na. Hindi niya maramdaman na respetado siya.

Hanggang ngayon.

Gusto ni Ericka na aliwin ang sarili sa ginagawa ng mga tao sa kanya sa kabila ng pagtataka. Nang dumating siya sa mismong opisina ng manager ay naging maganda rin ang pagbati nito sa kanya.

"Ah, finally, our star arrived!" nakangiting wika ni Miss Leonor---ang manager ng ad agency. Sinalubong siya nito at niyakap. Nasa opisina nito pati ang baklang stage director ng agency. Sandaling napakunot noo pa si Ericka sa sinabi at ginawa ni Miss Leonor. Pero napangiti rin.

Star? Kailan pa ako naging star? Gustong maibulalas ni Ericka. Pero inaliw na lang niya ang sarili sa natatamasa sa ngayon. She felt overwhelmed.

Baka nga ito na ang lucky day ko. Ito na ang big break ko!

"Aw, Ma'am. Thank you. So ano po ang dahilan kung bakit niyo ako pinapunta rito?" nang tawagan siya nito kanina ay sinabi nitong sa opisina na lang siya nito kakausapin.

Nagniningning ang mga mata ni Miss Leonor. May ibinigay itong dyaryo sa kanya. "Bakit hindi mo naman sinabi sa amin, Ericka? Edi sana, matagal ka ng sumikat!"

Nakakunot noong kinuha ni Ericka ang dyaryo. Naisip niyang baka iyon ay ang article na ginawa ng baklang nag-interview sa kanila kahapon. Tama naman ang naisip ni Ericka. Pero hindi ang mga nakalagay roon.

"What?!" nanlaki ang mga mata ni Ericka nang mabasa ang nilalaman ng artikulo sa diyaryo. Muntik na rin niyang maihampas iyon. Hindi iyon ang inaasahan niya na mababasa sa article. Surely, ang nag-interview noon sa kanya ay magaling talaga na writer. At hindi lang basta isang writer...dahil hindi makatotohanan ang isinulat nito sa article.

"Bakit mo ba nilihim-lihim pa na boyfriend mo ang misteryosong sikat na pintor na iyon? Marami sa amin ang gustong makilala siya. Ni hindi nga siya nagpapakita ng personal sa mga tao."

Napakagat-labi si Ericka. "Actually---"

"Cedric Guidicelli is a very private person. Pero ngayon, masasabi nating hindi na. Dahil naggawa mong sabihin na sa isang interview na boyfriend mo siya. How really nice. Paniguradong magiging eye candy ka ng mga tao. At dahil diyan... ibibigay namin ang malalaking pending projects ng agency sa 'yo. All major role. You'll have your big break!"

Nanlaki ang mata ni Ericka. Mula sa kanyang pag-aalinlangan dahil sa maling balita, nilukob naman siya ngayon nang matinding kasiyahan. Sandaling nawala sa isip niya na magpaliwanag. "Talaga po?"

"You'll be the agency's superstar! Sisikat ka na!" sabik na sabik pa na wika ng director. Sinabi nito ang mga posibleng proyekto na ibibigay sa kanya dahil sa naging balita ngayon.

Masyadong na-overwhelm si Ericka. Halos tango lang siya nang tango habang sinasabi ng director kung ano ang magiging posibleng proyekto niya. Nasabik siya sa ideya. Ito na ang katuparan ng pangarap niya.

Inisip ni Ericka ang maaaring mangyari sa kanyang buhay. Magiging maayos ang buhay nila. Makakabili siya ng magandang bahay, matutulungan niya nang husto si Nanay Teresita, maaari nilang mabigyan pa ito nang hustong pag-aalaga kapag naging mayaman siya. At ang mga bata...ang advocacy niya na makatulong sa mga ulila ay mas lalo pa niyang magagawa ng matagumpay.

Ang saya-saya ni Ericka.

"Thank you so much po. I can't contain my happiness. This is all a dream come true!" wika niya nang matapos ang pag-uusap.

"Alam ko, hija. Ikaw ba naman kasi. Kung sinabi mo lang agad na ang Italyanong pintor pala na iyon ang nobyo mo, edi sana, matagal ka na naming inalok ng magandang role dito sa agency."

"Italyanong pintor---?" sa sinabi ni Miss Leonor ay bumalik muli si Ericka sa realidad. Naalala niya ang nabasang maling sinulat ng writer. Dahil sa pagkukuwento niya rito ng "fictional boyfriend" niya, inakala nito na ang ikinukuwento niya ay si Cedric Guidicelli. Hindi naman nito tuluyan na sinabing ganoon pero in-assume nito na base sa mga kuwento niya, iyon ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit nito ginawa iyon. Pero kung ano pa man ang dahilan ng interviewer, isa lang iyong maling pagkakamali.

Ni hindi niya kilala si Cedric Guidicelli. Naririnig niya ang grupong kinabibilangan nito pero hindi naman siya iyong tipo ng babaeng mahilig sa mga sikat, hindi niya binigyang pansin ang mga iyon. Dahil doon, hindi niya inakala na maaaring may pagkakahawig pala ang paglalarawan niya sa fictional boyfriend niya at pati na rin sa Cedric na iyon. Nagulat siya sa mga pangyayari pero sa kabilang banda, may isang bahagi ng puso ni Ericka na nagustuhan ang nangyari.

Isa man na malaking pagkakamali iyon ay naging maganda ang dulot noon kay Ericka. Nirespeto siya ng mga katrabaho niya at ngayon ay mabibigyan na siya nang malaking proyekto. Dalawang pangarap ang natupad dahil sa maling impormasyon na iyon

"Cedric Guidicelli! May romantic affair pala kayo. Hindi ka naman nagsasabi. But well, kilala na namin si Cedric. Siya ang miyembro ng International Billionaires na kahit kailan, hindi nagpapakita sa madla. Masaydong masikreto. Kaya siguro ginusto mo rin na isekreto ang lahat."

Napakagat-labi si Ericka. Gusto niyang itama ang lahat ng pagkakamali. Alam ni Ericka na mali...pero nakakatukso ang sarap na tinatamasa niya ngayon. Pagkatapos ng pitong taon, ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klase ng sarap. Tila ba sabik na sabik sa kanya ang mga tao, tila ba napakaimportante at espesyal niya. She was beyond overwhelmed...

Bahala na nga! Naisip-isip ni Ericka. It was good to have little white lies and innocent prank sometimes anyway.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Where stories live. Discover now