15

684 24 0
                                    

"MASAYA ka ba?" alinlangan si Ericka nang itanong niya iyon kay Ric habang kumakain siya ng ice cream at naglalakad sila sa isang sikat na amusement park. Iyon ang unang pagkakataon na nakarating siya roon. Pangarap niya na makapunta sa lugar na iyon pero dahil mahal ang entrance fee roon, ngayon lang siya naging malaya para makapunta dahil na rin sa sobra-sobra na niyang kinikita sa ngayon. Napagpasyahan niyang yayain si Ric roon tutal ay may trabaho si Matthew. Isama pa na mas feel niya na makasama si Ric dahil na rin sa kakaibang damdamin na ibinibigay nito sa kanya kapag nasa paligid ito.

"Bakit mo naman naitanong iyan?"

Nagkibit-balikat si Ericka. "You don't look happy. Maganda ang lugar, masaya lahat ng makakasalubong mo pero ikaw, hindi ka man lang tumatawa o ngumingiti. In fact, ni hindi pa kita nakikitang ngumiti sa ilang araw na nagkakasama tayo."

"Hindi dahil sa hindi ako ngumingiti, hindi na ako masaya. Hindi lang talaga ako madalas na ngumingiti."

"B-but tell me, are you happy?"

"If I'm not feeling good about being with you, I wouldn't indulge to this." Simpleng sagot lang ni Ric pero naging malaking impact na iyon para kay Ericka. Ibig sabihin lang nito ay masaya ito na kasama siya na kahit hindi pa man nito gustong puntahan ang lugar na pinupuntahan nila, ayos lang para rito dahil kasama siya.

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang aminin sa kanya ni Ric na gusto siya nito. Tuwina kapag may libre siyang oras ay nakakasama niya ito. Ilang beses na silang lumalabas at kahit kagaya noong una na tila misteryoso si Ric, naging komportable ang pakiramdam ni Ericka rito. Tila lalo rin tumitindi ang pakiramdam niya sa lalaki sa nakalipas na araw.

Masasabi ni Ericka na kahit madalas silang magkasama ni Ric, hindi pa rin niya masasabing tuluyan na niyang kilala ito. May pagkamasungit, tahimik at pribado kasi ito. Minsan naman ay sinasagot nito ang mga personal na tanong niya kagaya ng ilang taon na ito, saan ito nakatira o ano nga ba ang ginagawa nito talaga sa buhay. Sinasagot nito ang ilan sa mga iyon kaya nagiging panatag na rin siya. Isa pa, mas nakatuon kasi ang pansin niya sa nararamdaman niya kapag nasa paligid ito kaysa sa isip niya na nagsasabing tila gulo ito. Minsan ay naguguluhan pa siya rito dahil hindi ito madalas magkuwento, tila balewala lang naman iyon sa kanya. Mas importante sa kanya ang saya na nararamdaman niya sa tuwing nasa paligid ito.

Pagkatapos niyang maubos ang kanyang ice cream ay niyaya niya si Cedric na sumakay muli ng rides. Kagaya noong una ay walang reklamo si Cedric. Hindi man ito nagsasalita ay naramdaman naman niya na nag-e-enjoy rin ito kasama niya. Naging mas magaan kaysa sa nakaraan ang mukha nito. Naging mas maaliwalas. Naka-tatlo silang rides nang mapagdesisyunan niyang magpahinga. Pero bago pa sila umupo ay naagaw ang pansin ni Ericka nang makakita ng booth ng cotton candy. Niyaya niyang pumunta roon si Cedric para bumili. Nag-insist ito na magbayad pero pinalo niya ang kamay nito at siya ang nagbayad ng kakainin niya. Hindi naman daw kasi nito gusto iyon.

"Why did you do that?" nainis pa na wika ni Cedric.

"Tama na, okay? Kapag lumalabas tayo, palagi mo na lang gusto na ikaw ang magbabayad." Kahit ngayong nag-insist siya na magbayad sa entrance fee para sa amusement park na iyon ay ito pa rin ang nagbayad.

"I can afford to do so."

"Kahit na!" protesta ni Ericka habang sinisimulang kainin ang cotton candy na nasa stick. "Ayaw kong abusuhin ka. Pakiramdam ko nga, inaabuso na kita kasi palagi na lang kapag ganitong lumalabas ako, palagi kang nasa tabi ko. Parang hindi ka na nakakapagtrabaho dahil sa akin."

"Hindi na mahalaga iyon. Gusto ko naman ang ginagawa ko."

"Pero paano nga ang trabaho mo? Naiintindihan ko na may sarili kang oras dahil isa kang painter. Pero parang kagaya rin kita. Kapag walang project, walang pera."

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon