Chapter 47

13.3K 564 35
                                    

Chapter 47

Sabrina Gorhilna

    I fastly wear the earpiece and hide it with my hair before going out to the bathroom.

"Do you want coffee?" Tanong ko agad kay Richard nang malakabas na ako sa bathroom.

"No."

"Okay, clear."

Sabay na turan ni Richard at ng taong nakaconnect sa suot kong earpiece. Pinanood ko lang si Richard na pumasok sa bathroom bago ako makahinga nang maluwag.

Agad akong nag-ikot ng tingin sa loob ng kwarto niya. Hindi ako nakakapasok dito. Makakapasok lang ako t'wing umaga kapag may iuutos siya at ipaghahanda siya ng mga susuotin niya. Hindi ko pa rin alam ang bawat sulok nito.

"How many cameras?" Tanong nitong nasa earpeice.

Agad akong naglakad papunta sa closet at tinignan yung kabuuan. Pumasok na rin ako para kunin yung mga susuotin ni Richard.

"Six. Anim ang nakikita ko." Turan ko at tuloy pa rin sa ginagawa.

Alam kong sagad ang galit ngayon ni Richard. Pinapatawag na siya para sa emergency meeting at maaalis na siya sa pwesto.

"Great." Turan nitong nasa earpiece bago ako tuluyang lumabas ng closet dala yung mga susuotin ni Richard.

"Any objects that seems suspicious?" Sunod na turan ng nasa earpiece.

Nang maipatong ko sa kama yung mga damit ni Richard, muli kong pinagmasdan yung paligid. Parang normal na kwarto lang yung kwarto niya pero may isang eagle statue na nasa tapat nitong kama. Nasa ilalim ng TV.

"May eagle statue na katapat nitong kama." Sabi ko at muling tumingin sa paligid.

May isang pintuan pa dito sa loob. I think, yun ang office niya.

"That's all I find suspicious." Turan ko.

Mabilis akong ngumiti nang makita ang paglabas ni Richard sa banyo.

"Great." Huling bulong nitong nasa earpiece.

"Something urgent? Bakit nagmamadali ka?" Turan ko kay Richard bago siya panoorin magbihis sa harap ko.

"Somethings came up. Don't watch TV." Turan niya lang bago lumapit sa akin at humarap.

Agad ko naman inayos yung necktie niya at hindi pinahalatang kinakabahan ako. Dahil kapag nahuli ako nang ganito kaaga, hindi kami magtatagumpay nila Ellis.

"You look different today. I like your hair." Turan niya habang inaayos ko yung necktie niya na kinakabog ng dibdib ko nang sobra. Ngumiti lang ako bago bilisan yung pag-aayos.

"I like your hair like this." Turan niya pa at dahan-dahan nang hahawakan ang buhok ko para ipitin ang buhok sa likod ng tenga ko.

"Mommy!"

"It's done!" Turan ko kasabay nang pagsigaw ni Raizon sa labas.

"Coming anak!" Agad kong sagot bago ngumiti kay Richard at mabilis na tinalikuran siya.

Halos nanginginig ako nang makalabas sa kwarto pero mabilis akong tumayo at mabilis na naglakad papunta kay Raizon na nasa tabi ng hagdan.

"Good morning." Agad kong bati kay Raizon habang nakangiti bago siya kargahin.

Agad naman niya akong hinalikan sa pisngi na lalong kinangiti ko. Mabilis akong bumaba karga si Raizon at dumiretso sa kusina.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now