Chapter 35

15K 671 111
                                    

Chapter 35

Ellis Madrigal

    Nakatitig ako sa screen ng laptop ko habang binabasa ang mga impormasyon ng bruhang 'to. Sabrina Gorhilna, twenty-eight years old pero mukhang forty, has one son. Medyo hawig nga ni Rigon yung bata. He's cute. Wala naman siyang ari-arian na original na sakanya talaga. Pero as of now, meron na siyang few branch of Filipino Cuisine Restaurants. I'm wondering, saan siya nakakuha ng pera? She born poor to be exact. Wait a minute.

Agad kong kinuha ang phone ko at mabilis na tinawagan si Alegria. I know he can help me. Sabi niya naging magkaibigan daw sila ni Rigon.

"Hey Alegria, I need your help." Agad kong turan nang sinagot na ang tawag.

"Oh yeah? Punta ka nalang sa bahay. Ngayon na ba?" Tanong naman niya.

Agad kong tinignan yung oras sa wall clock. It's nine o'clock in the morning. Masyado bang maaga?

"Pwede ba?" Bulong ko naman.

"Yes. Pwede naman. Gusto ka din daw makita ni Ace." Tumatawang bulong niya na kinatawa ko nalang din.

"Please bring Elliot. Svril is little but lonely." Turan niya pa na kinailing ko.

"Hindi ko kasama si Elliot ngayon. Nasa magaling niyang ama." Bulong ko lang at mabilis nang nagpaalam para hindi na magtanong pa ang gunggong.

Agad akong nag-ayos ng sarili at mabilis na kinuha ang susi ng kotse ko at wallet. Wala ng iba pa akong daldalhin. Ito lang naman yung importante. Agad akong lumabas ng kwarto at sakto naman si kuya Kervin na lalabas ng kwarto niya.

"Where are you going, Princess?" Agad niya naman tanong.

Mabilis akong lumapit sakanya at humawak sa braso niya sabay ngiti.

"Kila Ace. We have something to discuss about our business." Sagot ko naman habang naglalakad kami pababa.

Sila mom, dad, kuya Kyle at Kevin ay nasa sala at nag-uusap-usap. Day off nilang lahat ngayon. Alam din nilang pinahiram ko si Elliot.

"Going somewhere?" Tanong naman agad ni kuya Kyle.

Tumango naman agad ako at mabilis na lumapit sakanila. Isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi bago mabilis na maglakad palabas ng bahay. Agad kong sinakyan yung kotse ko at pinaandar paalis.







    MABILIS kong ipinarada yung kotse ko sa harap ng mansyon nila Ace. Agad akong napangiti nang makita yung bahay nila. Katulad ng bahay namin, nasa gitna din ng mga kahoy at malayo sa main road. Tapos ang kulay-kulay din. Parang laging masaya sa bahay nila Ace. As in! Ang ganda-ganda. Parang hindi ka mababagot dito.

Mabilis akong naglakad papunta sa front door nila. Hindi naman siya nakasara at bukas na bukas nga pero wala akong makitang tao sa loob kaya dumeretso na ako papasok. Kung anong kinaganda sa labas, mas maganda sa loob. Ang linis-linis. Ang daming kulay. Lakas maka- good vibes.

"Sino po sila?" Napatingin naman ako sa gilid ko nang may magsalita.

Agad kong nginitian yung isang babae na base sa nakikita ko ay kasambahay nila Ace. Pati yung uniform niya, ang ganya ng kulay, mint green. Parang candy.

"I'm Ellis Madrigal. I'm looking for Ace." Nakangiti kong turan sakanya na agad niya naman kinatango.

"This way po!" Nakangiti niyang turo saakin at sinamahan ako papunta sa bakuran nila Ace.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now