Finale

19.9K 583 102
                                    

Ellis Madrigal

    "Ehaan Elliot, Raizon Sheriff, Keith Rigie! Tumayo na kayo at male-late kayo!" May kalakasan kong turan habang nakatayo sa bukana ng pintuan nila.

Halos ilang taon na rin ang nakalipas nang mangyari ang lahat. Sariwang-sariwa pa rin sa isipan ko pero pinipilit kong kalimutan. Hindi siya madaling kalimutan lalo na noong panahon 'yon nasubok ang pagmamahalan naming dalawa ni Rigon.

"Good morning papa…" Bulong ni Elliot habang nakapikit pa na naglalakad hanggang makapunta sa loob ng bathroom.

"Good morning pa…" Kasunod naman niya si Raizon.

Nginitian ko lang silang pareho at ang naiwan sa higaan, ang bunso namin na si Keith Rigie! Jusmiyong bata. Napakaantukin kaya nananaba! Ang cute-cute!

"Keith Rigie anak, gising na." Turan ko at naglakad palapit sa kama.

Tatlo na ang anak namin. Noong namatay si Sabrina, hindi ako nagdalawang isip na kunin si Raizon. Noong din araw na namatay si Sabrina, sumuko yung katawan ng anak niya na naka-ospital. Sabay silang nawala sa mundong 'to. Naging maayos naman ang pagsasama namin tatlo noon tapos bigla kong nalaman na buntis ako kay Keith. Naloka ako nang bongga kahit ineexpect ko naman pero hindi noong panahon na 'yon. Ang nakakainis pa, lahat kamukha ni Rigon! Wala man lang akong kamukha. Nakakainis!

Twelve years old na si Elliot, si Raizon naman, thirteen na. Mga binata na ang mga anak ko. Lumalaki na sila. Akala ko nga noon laging mag-aaway yung dalawa. Mabuti naman at nagkasundo at ngayon, hindi na mapaghiwalay. At itong tabachoy na 'to, six years old na.

"Ayaw mo gumising ha…" Nakangiti kong bulong at mabilis na tinaas ang kili-kili niya para kilitiin.

Agad akong natawa kung paano bumaluktot yung katawan niya kasabay ng malakas na pagtawa. Kanino ba nagmana 'to at bakit ang kulit-kulit? Hahaha.

"Sige na! Maghilamos na doon! Nandoon na yung mga kuya mo!" Turan ko pagkatapos ko siyang iupo mula sa pagkakahiga.

"Good morning papa…" Nakangiti niyang bulong. Ang cute-cute talaga ng taba na 'to!

Pinanood ko siyang tumakbo papunta sa bathroom bago tumayo at silipin silang tatlo. Naglalaro pa yung dalawa oh! Kukulit talaga.

"Bilisan niyo dyan ha. Bumaba kayo agad at kakain na. 'Yang kapatid niyo hawakan niyo sa pagbaba ng hagdan." Bilin ko sa kanila na tinanguan nilang tatlo.

Lumabas na ako ng kwarto nila at muling bumaba. Dumiretso ako sa kusina at dinatnan ko si ate Lyn na naghahanda na ng mesa.

"Ellis, anak, nandyan ka na pala. Tinawag mo na ba yung mga barako mo?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"Opo ate. Nagkukulitan pa nga eh." Sagot ko rin sabay tawa.

Kami lang talaga ni ate Lyn ang babae sa bahay na 'to. Charot. Hahaha. Si ate Lyn na yung naghanda ng kakainin nila. Chef pa rin naman ako pero madalas na ako sa bahay. Tatlo na yung anak ko. Kailangan ko talaga silang tutukan. Kailangan mapalaki ko silang lahat na mabubuting tao.

"Tignan mo yung mga barako mo." Bulong sa akin ni ate Lyn habang nakatayo kami sa tabi ng dining table sabay nguso sa may hagdan.

Nakita ko silang tatlo na bumababa ng hagdan. Nasa gitna si Keith at hawak siya ng dalawang kuya niya habang bumababa. Pero ang napansin ko, kamukha silang lahat ni Rigon! Nakakainis!

"Ano ba yan ate. Wala man lang akong kamukha sa kanila. Sumpa ba 'to?" Biro ko sa kanya.

Natawa naman siya nang mahina at hinawakan ang kamay ko. "H'wag ka kasi maiinis nang maiinis sa asawa mo kapag nabuntis ka ulit." Turan niya.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt