Chapter 50

13.6K 396 36
                                    

Ellis Madrigal

     "Oh my gosh…" Mahinang bulong ni Sabrina at mabilis na tumabi sa akin.

"Princess!" Sigaw nang humahangos na Rigon nang makita na kami ni Sabrina at mabilis na tinawid ang pagitan naming dalawa sabay yinakap akong mahigpit.

"Anong ginagawa mo dito?! Ang kulit mo naman eh!" May kalakasang turan niya pa at halatang naiinis.

"Don't you see what I'm seeing Rigon?! Kapag kinuha natin lahat 'to, wala nang magagawa ang magaling mong ama!" Naiinis kong sagot sa kanya pero hindi pa rin humihiwalay sa hawak niya sa akin.

"That's not it Princess. Listen to me, okay? Bakit hindi mo ako sinabihan sa plano mong 'to? Mapapahamak kayo ni Elliot! You should told me first!" Turan niya. "Let's go. Aalis na tayo dito." Dugtong niya at hinatak ako paakyat.

Napahinga na lang ako nang malalim at napailing. There is no way na matatalo namin si Richard pwera na lang kung mawawalan siya ng pera. Hindi namin siya matatalo kung may pera pa siyang ginagamit para magkaroon siya ng kapangyarihan.

"Hindi mo ako naiintindihan Rigon, tama ba?" May kahinaan kong turan sa kanya at huminto sa paglakad.

Humarap siya sa akin agad at mabilis na hinawakan ang dalawang kamay ko. "Naiintindihan kita Princess. Pero alam ko ang ugali ng ama ko. Hindi siya basta-basta mag-iiwan ng pera sa alam niyang matutunton natin." Sagot niya at muling hinatak ako habang naglalakad kami paakyat.

Tinignan ko naman si Sabrina sa likod ko na may dalang apat na bag at napangiwi na lang. Paaalisin ko na sila dito ngayon. Hindi na sila pwedeng manatili sa lugar na 'to.

"Hindi ko kayo hahayaang mapahamak ng anak natin. Kahit buhay ko pa yung kapalit, manatili lang kayong ligtas." Rinig ko pang turan ni Rigon at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko bago pa kami makaakyat sa kwarto nila Sabrina.

Agad niya akong hinatak palabas ng kwarto at dumiretso kami papunta sa hagdan pababa pero nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sinong nakaupo sa living room.

Nakatayo sa likod niya ang hindi mabilang na tauhan at kasambahay habang siya ay prenteng naka-de quatro at nakatingin sa amin.

Naramdaman ko ang pagphigpit ng hawak lalo ni Rigon sa kamay ko kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko dahil nasa kandungan niya ang walang malay kong anak.

"H-hayop ka…" Naibulong ko na lang dahil sa galit at inis.

"Ang gwapo naman pala ng apo ko. May pinagmanahan." Turan niya pa sabay tawa na parang may nakakatawa.

"Wala kaming kinuha sa mga kayamanan mo. Ibalik mo sa akin ang anak ko." Turan ni Rigon sa kanya at mabilis na bumaba.

Agad nakatutok sa amin ang mga baril ng tauhan niya nang makababa na kami. Wala akong pakialam sa kanila. Gusto kong makuha at mahawakan yung anak ko. Hindi ako makampante habang nakatitig sa anak kong nasa kandungan ni Richard.

"Ibalik mo ang anak ko! Buong buhay ko, ginawa ko na ang lahat ng sinasabi mo! H'wag m-mo idamay yung a-anak ko…" Sigaw ni Rigon at dahan-dahan lumuhod.

"D-dad… w-wag yung anak ko p-please. H'wag y-yung mag-ama ko. N-nagmamakaawa ako…" Turan ni Rigon habang umiiyak pero ako nanatiling nakatayo sa tabi ni Rigon at nakatitig nang matiim sa anak ko.

Elliot, anak, be fine please. Papa si here. Hold on, anak. Gagawin namin ni daddy ang lahat para maging ligtas ka.

"Okay. Madali naman akong kausap. Alam mo naman, mahal na mahal ko ang nag-iisa kong anak." Turan ni Richard sabay ngisi.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu