Chapter 14

16.7K 686 53
                                    

***

Ellis Madrigal

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan sa tapat ng mesa sa opisina ng demonyo. Opisina pala yung isang pinto mula sa kwarto niya.

Narinig ko naman bumukas yung pintuan at alam kong siya na yon.
Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nagawa niyang patayin ako sa maraming tao. Patayin ang Ellis Madrigal.

Ngayon, alam ng lahat na patay na si Ellis Madrigal. Wala na si Ellis Madrigal. Burado na si Ellis Madrigal.

Napatingin naman ako sakanya nang may ilagay siya sa mesa ng pabagsak.

“That's your ID, cards, even documents.” Turan niya saakin at bago siya umupo sa upuan niya.

“Your name is Sol Elliot Beaufort. Nakadugtong ang apelyido ko sa bago mong pangalan kaya ayusin mo.” Turan niya pa ng may pagbabanta.

“You will stay here. No phone, no gadgets at all. Dito ka rin mag-aaral.”

Hindi ko naman talaga pinapansin yung sinasabi niya. Kinuha ko naman yung ID na sinasabi niya.

‘Beaufort, Sol Elliot Q.’ Basa ko sa pangalan na nakakabit.
Ang galing naman ng demonyong 'to. Ang galing mameke.

Inis kong ibinato yung lintik na ID na 'to sa mesa niya.

“Hindi ako yan!” Inis kong bulong bago kunin yung gunting na nakapatong sa mesa niya at inis na pagpira-pirasuhin yung ginawa niyang pekeng ID at cards.

“Ako si Ellis Madrigal. Hindi si Sol Elliot o kahit sino pa! Ellis Madrigal ang pangalan ko! Naiintindihan mo?!” Sigaw ko sa harap niya.

Mukhang hindi naman siya nasiyahan at agad tumayo. Napahawak nalang ako sa kamay niya na nasa leeg ko at mahigpit ang pagkakahawak doon.

“Ako ang masusunod saating dalawa Ellis! Hindi ka na si Ellis! Ikaw na si Sol Elliot! Naiintindihan mo?!” Sigaw niya saakin at itinulak ako dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Napapikit nalang ako sa sakit nang pagkakatulak ko. Nakita ko pa siyang nanlaki yung mata pero nawala din kalaunan.

“Kayang-kaya kong taniman ng bomba yung buong mansyon niyo. Kaya umayos ka Ellis.” Turan niya na nagpakilabot saakin.

“Magtre-training ka kung paano bumaril at ipaglaban ang buhay mo. Hangga't nandito ka sa loob ng teritoryo ko, makikipaglaban ka sa buhay mo araw-araw.” Inirapan ko lang siya sabay tingin sa bintana.

Pero napangiwi ako sa sakit nang hawak niya sa panga ko at pwersahang iharap sakanya.

“Kailangan mo muna sigurong matutunan na huwag maging bastos kapag kinakausap kita!” Sigaw niya sa pagmumukha ko bago inis akong bitawan.

“Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag galit ako Ellis. Kaya umalis ka na baka ano pang magawa ko sayo.” Huling turan niya bago siya umupo at tumalikod saakin.

Agad naman akong tumayo st naglakad palabas ng opisina niya. Binagsak ko talaga yung pintuan.

“Ellis!” Rinig ko naman galit na sigaw niya pagkatapos kong ibagsak yung pintuan.

Bahala ka dyan sa buhay mo. Kung hindi lang ako nag-aalala para sa kaligtasan ng pamilya ko ay malamang tumakas na ako sa empyernong 'to.

Sinuot ko yung tsinelas ko bago lumabas ng kwarto niya at mabilis na pumasok sa kabilang kwarto na kwarto ko na.

Oo akin na 'to. Dito na ako titira 'di ba? Edi akin na 'to. Mas maganda dito. Kitang-kita ko yung garden mula sa balkonahe.

Pumasok lang ako sa banyo at naghilamos bago pumasok sa closet.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now