Chapter 5

20.5K 665 48
                                    


***

Third Person POV

“MGA WALANG KWENTA!” Malakas at galit na galit na sigaw ni Rigon. Nanginginig naman lahat ng katulong habang nakahanay sila sa harap ni Rigon.

Pati na ang mga guards at ang lahat ng nasa loob. “Paano niyong hindi nakitang si Ellis yon?!” Sigaw niya at tinutok ang baril sa dalawang taong nagbabantay sa gate. “Sagot!” Sigaw niya. Lahat naman sila ay napaiktad sa gulat.

Nanginginig na binuksan nang dalawa ang bibig nila. “H-hindi po k-kami pamilyar s-sa mga itsura ng k-katulong sir.” Nanginginig na sagot ng isa na lalong kinagalit ni Rigon.

“ARGGGHHH! FUCK ALL OF YOU!” Sigaw niya at nagpaputok ng baril. Wala siyang pakialam kung saan tumama at sino ang tamaan.

Halos lima sa katulong ang natamaan sa tyan at paa. Sa braso naman ang tama ng ilang guards. Nanginginig naman sa takot ang pinaka matanda sa bahay.

Ibinato ni Rigon ang bariol bago umakyat sa itaas ng bahay. Nagsi-iyakan naman ang mga tao sa ibaba. Halos lahat sila ay aligaga para dalhin sa ospital ni Rigon ang mga napuruhan.

INIS na binagsak ni Rigon ang pintuan niya at galit na umupo sa upuan niya. Hindi niya matanggap na ang isang Ellis ay makakatakas mula sa mga kamay niya.

Hindi na niya basta-bastang makukuha si Ellis. Tyak na magsusumbong ito sa pamilya. “Fuck you Ellis.” Inis niyang bulong habang nakatingin sa laptop kung saan nagple-play ang video kung paano niya pagsamantalahan si Ellis.

“Just one move Madrigals, sira ang buhay ng prinsesa niyo.”



Asher Silvia

“A-asher!” Malakas na sigaw ni Ellis at mabilis na umamba saakin ng yakap. Sa lakas ng pagkakayakap niya at nabitawan ko ang sako ng basurang itatapon ko sana.

Yumakap naman ako pabalik habang nagtataka. Bakit ganito ang suot niya? Anong nangyari? “A-asher...” Humahagulgol niyang bulong na kinagulat ko.

“Sandali— Anong nangyari sayo El?” Hindi ko mapigilan at nag-aalalang bulong. Agad ko siyang pinaharap saakin.

Kitang-kita ko yung mapula niyang pisngi at wasak na labi. Sobrang lamlam din ng mata niya at punong-puno ng luha.

“A-asher—”

“SHIT! E-ELLIS!” Malakas kong sigaw nang mawalan siya ng malay sa mga kamay ko. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit para hindi bumagsak sa lupa. Tinapik-tapik ko pa yung pisngi niya pero ayaw magising.

“Kuya! Tulungan mo ako!” Sigaw ko dun sa taxi sa labas. Agad naman siyang pumasok at binuhat si Ellis.

Nauna ako sa paglakad at binuksan yung pintuan ng apartment ko. Ipinahiga ko si Ellis sa kama ko bago nag-aalalang tumingin sakanya.

Lalo akong napangiwi habang nakatingin sa pasa sa dalawang hita niya. Parang inapakan. Hinatak ko yung suot niyang palda pababa at inayos yung higa niya bago siya kumutan.

Anong nangyari sakanya?

“Nakita ko siyang naka-kabayo palabas ng lupa ng mga Beaufort. Hinahabol nila yang kaibigan mo.” Napatingin naman ako kay manong. “Beaufort?” Tanong ko.

“Oo. Tanungin mo nalang siya paggising niya.” Tumango naman ako at mabilis na kinuha yung wallet ko. Inilabas ko yung 2k at inabot kay manong.

“Nako, sobra-sobra ito hijo.” Turan niya at sinusubukang ibalik pero umiling ako. “Ayos lang yan manong. Maraming salamat po.” Tumango naman siya.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now