Chapter 19

16.3K 659 20
                                    

SENSITIVE & MATURE CONTENT: READ AT YOUR OWN RISK.

Ellis Madrigal

Mabilis akong napatingin kay Rigon nang ipinatong niya sa harap ko yung malamig na milo na kinangiti ko.

“Pinagawa mo kay ate Lyn, Rigon?” Nakangiti kong tanong bago pa kunin yung kutsara at tusuk-tusukin yung nanigas na Milo mula sa tumbler bago tikman.

Napangiti nalang din ako sa sarap. Gawa talaga 'to ni ate Lyn! The best talaga si ate Lyn!

“Galing talaga ni ate Lyn!” Bulong ko pa bago nagsimulang kumain pero napahinto ako pagsubo nang makita ang masasamang titig ni Rigon.

Napalunok nalang ako kahit hindi ko pa nginunguya dahil sa takot.

“Ubusin mo yan.” Seryoso niyang bulong kaya mabilis akong napatango at mabilis na sumubo.

Pero isang lunok nalang yung nagawa ko. Parang isusuka ko na. Napatingin naman ako sa plato ko. Nakalahati ko naman na yung plato. Yung lasagna, halos naubos ko na.

Tumingin naman agad ako kay Rigon at nakitang nakatitig lang siya saakin.

Ngumiti naman ako agad ng alanganin. “Busog na talaga ako Rigon. Promise!” Agad kong turan sakanya habang nakangiti.

Tinignan naman niya ako ng ilang segundo bago huminga ng malalim.

Pinanood ko lang siyang tumayo at kunin yung dalawang plato sa harap ko.

“Ubusin ko yang milo mo.” Tumango naman ako bago ko kinuha yung tumbler.

Nakatingin lang ako kay Rigon habang kinakain yung tira ko. Iniisip ko din kung bakit kinain niya yung tira ko. Baka ayaw niya nang may nasasayang.

Halos sampung minuto ko inuubos yung milo ko. Sakto namang natapos na din kumain si Rigon. Hindi na siya kumuha ulit. Yung tira ko lang kinain niya.

“Pwede na ulit ako maligo Rigon?” Tanong ko sakanya.

Tumingin naman siya saakin at mabilis na tumango. Agad akong tumayo at mabilis na naglakad palabas.

“Be careful Princess.” Rinig ko pang sabi niya.





Third Person POV

Habang mabilis na naglalakad si Ellis papunta ulit sa tubig, nakatanaw lang si Rigon sakanya mula sa loob ng kubo.

Napa-iwas naman agad ng tingin si Rigon nang alisin ni Ellis ang pagkakabuhol ng robe na suot niya at hinayaang bumagsak ang suot nito.

Napahinga nalang ulit ng malalim si Rigon bago tumingin. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang makinis na balat ni Ellis na nasisinagawan ng palubog na araw. Hindi din naalis sa mga mata niya ang matambok na pang-upo nito.

Bigla nalang siyang namawis ng malamig at nanigas ang tinatago niyang pagkalalaki. Kaya minabuti niyang iligpit lahat ng pinagkainan ni Ellis at mabilis na humiga sa kama at pumikit habang umiiling.

“Not now Beaufort. Magpigil ka.”




Ellis Madrigal

Habang nagtatampisaw ako sa tubig, mabilis kong inilibot yung mata ko sa buong lugar.

Ang ganda-ganda talaga dito. Parang hinukay 'to na lupa na pabilog. At sa itaas ay may talon. Nagulat ako nang makita ko yung parang bakal na nakaharang sa itaas. Para kaming nakakulong dito. Pero dumadalaloy pa din yung tubig pababa. May harang lang na bakal sa itaas.

Napatingin din ako sa tubig na dumadaloy paalis. May bakal din na harang doon. Parang nakakulong talaga kami dito. Walang makakalabas kung makulong man dito.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now