Chapter 15

16.9K 690 67
                                    

***

Third Person POV

Isang linggo na simula nang magsimulang mag-training si Ellis.! Tanging self-defense palang ang tinuturo sakanya at paghawak ng iba't-ibang mga armas. Hindi man lang nahirapan si Ellis sa pagtre-training at alam ni Rigon yon.

Alas-singko na ng umaga. Kanina pang alas-tres gising si Rigon at nakaharap sa laptop niya.

Mabilis niyang tinignan yung oras sa at nang makita niyang alas-singko na, agad siyang tumalikod at sinulyapan si Ellis sa kama niya.

Tama kayo ng nabasa. Magkatabing natutulog si Rigon at Ellis. Ganon pa din ang routine nila pareho. Sex slave at master ang galawan. Pero simula noong nagalit si Rigon, hindi niya na ulit ginalaw si Ellis dahil natatakot siyang lalong lumayo ang loob sakanya ni Ellis.

“Princess!” Turan ni Rigon sa nakatalukbong na Ellis. Nasanay na siyang tawagin si Ellis na Princess.

“Prin—” Hindi na pa natatapos ni Rigon yung sasabihin niya ng mabilis nang tumayo si Ellis nang hindi siya tinatapunan ng tingin at deretso sa bathroom.

Kahit inis na inis na si Rigon ay pinagsawalang bahala lang siya at mabilis na bumalik sa ginagawa niya.


MABILIS din natapos si Ellis sa pagliligo at nagbihis. Suot-suot niya ay isang combat pants, combat shoes at T-shirt na black at fitted. Skin fitted. Bakat na bakat kay Ellis.

Naka-gloves din siya at hawak-hawak niya yung chako niya.

Agad naman siyang tinignan ni Rigon. “Eat your breakfast first.” Turan ni Rigon pero hindi siya hinarap ni Ellis at tinapunan ng tingin kahit isang segundo na kinainis ni Trevor. Para lang siyang hangin kay Ellis.

Lalo pa siyang nainis nang lumabas si Ellis nang hindi siya pinapansin nito.

Bumalik nalang siya ginagawa niya at nagpababa ng galit. Ilang minuto lang ang lumipas ay mabilis siyang tumayo at pumunta sa intercom.

“Sir?” Bungad ng mayordoma sa intercom.

“Kumain ba ang asawa ko?” Agad niyang tanong.

“Hindi po.” Sagot ng mayordoma na sobrang nagpainis kay Rigon at mabilis naglakad papunta sa veranda nila at lumabas.

Agad hinanap ni Rigon si Ellis at nakita niya itong may hawak ng baril at pinapaputukan ang mga human cartoon standee. Lahat head shot. Wala pa siyang suot na ear shield.

“Ellis!” Malakas na sigaw ni Rigon na nagpatigil kay Ellis.

Mabilis na tumingin si Ellis kay Rigon.

“What?!” Malakas na balik ni Ellis.

Yinukom naman ni Rigon yung nga kamao niya. “Pumasok ka.” Huling turan niya bago mabilis na pumasok at lumabas ng kwarto dala-dala yung laptop niya.

Mabilis siyang bumaba at nakasalubong niya pa si Ellis na papasok sa loob.

“Ano na naman ba?” Tanong pa ni Ellis kay Rigon.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Rigon. “Wag mo akong subukan ngayon Ellis. Namumuro ka na.” Galit na bulong ni Rigon at mabilis na pumasok sa kusina at binitawan yung laptop niya sa mesa.

“Umupo ka dyan Ellis.” Gigil na sabi ni Rigon bago isuot yung apron at magsimulang magluto.

Napairap nalang si Ellis at umupo sa upuan habang nilalaro yung chako niya.


LABIN-LIMANG minuto lang ay tapos nang magluto si Rigon. Nagluto siya ng fried rice, bacon at ang paborito ni Ellis na pan cake.

“Kumain ka.” Seryoso pang bulong ni Rigon bago timplahan si Ellis ng milo at umupo sa upuan kung nasaan ang laptop niya.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now