Chapter 18

16.4K 648 23
                                    

Third Person POV

“Rigon! Bilis! Hapon na! Konting oras lang akong makakaligo doon!” Malakas na sigaw ni Ellis habang tumatakbo pababa sa hagdan.

Wala naman sa oras na napatayo si Rigon sa pagkakaupo sa malaking sala nila at mabilis na sinigawan si Ellis.

“Wag ka ngang tumakbo! Magdahan-dahan ka nga!” Sermon niya kay Ellis at mabilis na sinalubong ito sa ilalim ng hagdan.

Nagtataka naman nakatitig si Ellis sakanya. Nagtataka siya kung bakit ingat na ingat sakanya si Rigon. E hindi naman ganito ang pakikitungo ni Rigon sakanya noon.

“Learn to take your actions carefully. Hindi ka na bata Ellis. Paano nalang kung nadulas ka dyan? Edi namatay ka pa ng wala sa oras.” Inis pang singhal ni Rigon habang nakahawak sa kamay ni Ellis.

Wala naman sa sariling napatango si Ellis sa sinabi ni Rigon.

“Go. Lumabas ka na. Hintayin mo ako. May kukuhanin lang ako.” Turan pa ni Rigon bago niya talikuran si Ellis.

Agad pumasok si Rigon sa kusina. Kumuha siya ng isang malaking basket. Isa-isa niyang inilagay lahat ng niluto niya. Hindi niya din nakalimutan yung malamig ba milo ni Ellis na ngayo'y naninigas na sa lamig. Nagdala din siya ng tubig at isang sapin.

Si Ellis naman ay agad nang lumabas nang sabihan siya ni Rigon. Agad sumalubong sakanya yung kotse ni Rigon na Ford F-150 Raptor na kulay itim.

Agad lumapit si Ellis sa kotse at hinawakan yung gulong. Hindi pa kasi siya na nakakita ng ganitong pick-up 4×4 truck. Laging family car ang sinasakyan niya. Ang laki din ng sasakyan ni Rigon.

Lumabas din naman agad si Rigon na naka-shades, dala-dala yung malaking basket at isang bucket hat para kay Ellis. Napangiti pa siya ng palihim habang nakatingin kay Ellis.

Agad siyang lumapit dito at binuksan yung back door ng sasakyan at ilagay yung malaking basket bago lumapit kay Ellis.

“Medyo mainit pa.” Bulong niya na naging dahilan ng pagtingin ni Ellis sakanya.

Agad niyang isinuot kay Ellis yung bucket hat at inalis yung suot niyang shades at isuot kay Ellis. Hindi naman gumalaw at tumutol si Ellis at hinayaan niya si Rigon sa ginagawa niya.

“Hindi tayo magkakabayo Rigon?” Pabulong naman na tanong ni Ellis.

Umiling lang si Rigon bago buksan yung pintuan ng sasakyan at paakyatin si Ellis. Sa taas ng sasakyan, kailangan pang umapak ni Ellis sa foot step. Nakaalalay naman si Rigon sakanya.

Ayaw na niyang pasakayin sa kabayo si Ellis mula ngayon na buntis niya. Napaka-delikado. Pwede siyang malaglag. Kahit na sabihin na nating gamay na niya. Pero hindi pa din madidiktahan ang disgrasya. Tignan niyo nga si Ellis, nadisgrasya.

Nang makaupong maayos si Ellis, agad isinuot ni Rigon sakanya ang seatbelt bago niya tuluyang isara ang pintuan ng kotse at umikot papuntang driver seat.

Tumingin siya kay Ellis ng nakangiti pagkatapos niyang makaupo. Binuksan niya yung bintana na nakatapat ni Ellis.

“Ready?” Huling tanong niya pa na kinangiti ni Ellis kaya mabilis nang binuhay ni Rigon ang makina at pinaandar ang kotse paalis.




ENJOY na enjoy si Ellis habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang ingay din ni Ellis. Para siyang bata na turo ng turo sa mga nakikita niya. Hinahayaan naman siya ni Rigon at sinasakyan lang ang mga sinasabi ni Ellis.

Lingid sa kaalaman nilang pareho na nakangiti na sila sa isa't-isa. Hindi nila na papansin na ang saya-saya nila pareho. Parang nawala ang malaking pader sa pagitan nila ngayon. Hindi nila napansin.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now