Chapter 22

15.3K 619 46
                                    

Ellis Madrigal

Wala pa man labinlimang minuto akong nakaupo dito sa upuan, mabilis akong tumayo at lumapit ulit sa nurse bago ngumiti. Kanino ko pa napapansin na ngiti siya ng ngiti saakin.

“Ateng nurse? May IG ka ba?” Nahihiya kong tanong sakanya.

Ngumiti naman siya naman parang kinikilig-kilig pa.

“Oo.” Mahina niyang bulong.

Naisipan kong gamitin yung charm ko sakanya. Mukha naman effective eh!

“Pwede ko bang mahiram yung phone mo? I-follow kita sa IG.” Nakangiti kong bulong sakanya.

Hindi naman siya nagdalawang isip na ibigay yung phone niya. Nginitian ko nalang ulit siya bago bumalik sa pagkaka-upo.

Napangiwi naman ako sa wallpaper niya. Kulang nalang maghubad siya. Sabagay, sakanya naman phone 'to.

Agad kong hinanap yung IG at mabilis na nilog-out yung IG niya. Wala akong interes sa IG account niya. Kailangan ko din magmadali. Ito nalang yung tanging paraan ko para makausap ang kuya ko. Habang namamatay na si Rigon.

Nanlaki naman yung mata ko nang makita yung hindi mabilang na chat ni kuya at tawag. Agad ko naman siyang tinawagan. Wala pa man dalawang segundo ay nasagot na niya.

“Princess?! Where the fuck are you?!” Malakas na sigaw niya saakin.

“Kuya? Wag mo muna sasabihin kila daddy please?” Mahinang bulong ko.

Narinig ko naman pag-ismid niya at paghinga ng malalim.

“Where the fuck are you? Sabihin mo.” Sunod pa ni kuya.

“Nandito ako sa ospital kuya. Puntahan mo ako please? Magpapaliwanag ako. Ikaw lang mag-isa ha?” Pakiusap ko sakanya.

“Okay. Okay. I'm coming. Saan ospital yan?” Tanong niya pa ulit.

“Chat ko nalang kuya. Pakibilisan please. I love you.” Huling turan ko pa.

“I love you princess.” Huling bulong niya pa bago ko patayin yung tawag.

Agad kong chinat sakanya kung nasaan na ospital ako. Hindi ito malayo sa bahay namin. Medyo lang. At alam kong ilang minuto lang ay nandito na ang kuya.

Agad kong ni-log out at binura yung account sa device niya bago tumakbo palapit sa nurse.

“Thank you miss.” Bulong ko nang hindi siya tinitignan bago mabilis na tumakbo papunta sa upuan para kuhanin yung mga papel at tumakbo palabas sa exit ng ospital.

Napili kong umupo sa may plant box sa tabi ng parking lot. Mas maganda dito. Kilala ko yung kotse ni kuya at mga sasakyan ni Rigon.


ILANG minuto din akong nakatanga bago mapatayo at makita yung pulang kotse ni kuya.

Agad akong tumayo at sinalubong yung kotse. Nakita ko naman na huminto yung kotse kahit hindi naka-park ng maayos kasabay ng paglabas ni kuya at pagtakbo sa dereksyon ko.

Agad niya akong sinunggaban ng mainit na yakap na sinagot ko ng mainit na yakap.

“K-kuya.” Mahina kong bulong.

Rinig na rinig ko yung pag-iyak niya na nagpatulo ng mga luha ko. Paulit-ulit niyang hinalikan yung ulo ko habang nakayakap saakin.

“S-saan ka nanggaling ha?! A-ang tagal kitang hinanap! H-hindi kita sinukuan Ellis!” Umiiyak na turan saakin ni kuya habang nakatingin sa mga mata ko.

“A-ayos lang ako kuya. Buhay pa ako.” Natatawa kong bulong bago niya punasan yung mga luha ko.

Agad niya akong hinatak papasok sa loob ng kotse at mabilis na isinara yung pinto. Paaandarin na sana niya yung kotse pero mabilis ko siyang pinigilan.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora