Chapter 12

16.5K 613 103
                                    


***

Ellis Madrigal

Mabagal nalang yung pagtakbo ni Akiko. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nadadaanan naming dalawa.

Bukod sa marami at malalaking puno, ang dami ding nagkalat na magaganda at ligaw na bulaklak.

Hindi ko pa din alam kung saan ako dadalhin ni Akiko. Basta may tiwala ako sakanya.

Hindi ko alam na meron palang ganitong paraiso sa likod ng mansyon ng mga demonyo.

Sobrang lilim dahil sa laki at tataas ng puno. Ang haba din ng gubat. Sobrang haba. Para akong nalakbay sa malawak na gubat.

Kalahating oras na kaming naglalakad ni Akiko. Feeling ko nga pagod na siya. Pero parang hindi pa naman. Hindi pa siya tumitigil eh!

Nanlaki yung mata ko nang makita yung isang malaking tunnel sa harap namin. Hindi ko alam kung para saan yan pero ang ganda! Puro na siya lumot tapos ang luma na.

“Papasok ba tayo dyan Akiko?” Bulong ko kay Akiko na hindi naman sumasagot.

Siguro papasok naman kami. Doon siya papunta eh!

Pumasok na nga kami ni Akiko sa loob. Ang dilim! Hindi naman nakakatakot. Kitang-kita ko pa yung liwanag sa dulo. Rinig na rinig yung mga tunog ng paa ni Akiko.

Nang makarating kama sa dulo, napanganga nalang ako nang makita yung kulay blue na talon at ilog sa dulo.

“Wow.” Bulong ko nalang habang nakatitig sa nakatagong paraiso dito.

Ang ganda! Ang lalaki ng mga bato tapos ang linaw ng tubig! Sobrang dami ng magagandang bulaklak. Sobrang ganda!

Agad naman lumuhod si Akiko. Agad akong tumalon pababa at hinayaan yung talampakan kong matapakan yung maliliit na damo.

Agad akong tumakbo pababa. Nakita ko pang nakasunod si Akiko saakin. Isa-isa kong hinubad yung damit ko. Iniwan ko lang yung puti kong boxer briefs. Itinabi ko kay Akiko yung mga damit ko. Nakaupo lang siya.

Hindi naman mainit kasi natatakpan ng mga puno sa itaas yung araw dito. Pero maliwanag naman.

Agad akong naglakad pababa. Tumalon-talon ako sa mga bato bago makarating sa gitnang parte ng ilog.

Hindi ako marunong lumangoy pero parang mababaw lang naman kaya okay na yan!

Agad akong tumalon sa tubig. Hindi malamig yung tubig. Maligamagam. Ang sarap maligo!

“Akiko! Ang sarap!” Sigaw ko pa kay Akiko bago ako maglangoy-aso. Wala naman nakakakita saakin. Kami lang naman ni Akiko ang nandito.

Medyo kinilabutan ako nang maramdaman na may nakatitig saakin habang nakalublob ako aa ilalim ng tubig kaya agad akong umahon.

Inikot ko yung paningin ko sa buong lugar. Nakita ko pa si Akikong ngumunguya. Wala naman ibang tao bukod saamin kaya hindi ko na pinansin.

“Wow.” Bulong ko pa habang nakatingin sa talon at sa tubig na patuloy bumabagsak.

Medyo malayo saakin pero nakaka-akit talaga yung tubig.

Hindi ko na pinigilan yung sarili ko at unti-unting naglakad papunta sa tubig. Nakatitig lang ako tubig habang naglalakad.

Nanlaki nalang yung mata ko nang wala na akong maapakan na buhangin kasabay ng paglubog ko.

Pilit kong inaabot yung lupa gamit yung mga paa ko pero ang lalim. Sobrang lalim.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now