Chapter 49

12.8K 433 30
                                    

Ellis Madrigal

    Nagising na lang ako nang nasa ilalim ng mga bisig ni Rigon at tanging kumot lang ang nagtatakip sa hubad naming katawan.

Dahan-dahan kong inabot yung phone ko sa side table. Agad bumungad sa akin yung ilang missed calls ni Sabrina at mag-12 na rin. Mukhang wala pa sila ate Lyn. Tinawagan ko si Sabrina pero hindi naman sumasagot. Ano kaya nangyari doon?

May usapan pa kami ni Sabrina. Sinabi ko sa kanya na sabihan agad ako kapag umalis si Richard sa bahay nila. I'm going there.

Dahan-dahan kong inalis yung yakap ni Rigon sa akin. Ang higpit pa naman. We did it for how many times. Malamang pagod siya. Hayaan ko na lang. Ako na lang susundo kila ate Lyn.

Nang makaalis na ako, agad ko siyang hinalikan sa pisngi bago tuluyang tumayo at kumutan siya. Medyo masakit ang katawan ko, especially down there at yung dibdib ko. Paano ba naman ayaw niyang tigilan yung dibdib ko. Pero it's refreshing. Very very refreshing.

Pumasok na ako sa bathroom at nilinis yung sarili ko. Mukhang hindi na pinauwi ni Ace sila ate Lyn. Ang kulit pa naman non.

Halos kalahating oras din ako naliligo bago lumabas at pumasok sa closet. Naghanap ako ng masusuot. I want something hot but comfi. Kinuha ko yung isang short, siguro hanggang kalahati ng hita ko at hindi masyadong fit at yung isang fitted white polo na may scarf. Kumuha rin ako ng underwear at nagsimula nang magbihis. It's okay naman. Isusuot ko rin naman yung boots. It's very nice. I love it.

Lumabas na ako sa closet at umupo sa harap ng vanity table. Nagpunas na ako ng ano-ano sa mukha bago ko patuyuin yung buhok ko. Tulog pa rin si Rigon hanggang ngayon.

Nag-spray lang ako ng ilang beses ng pabango bago ko isuot yung salamin ko. Tatayo na sana ako nang may nag-message sa phone ko kaya agad kong tinignan.

Si ate Lyn, may sinend na article. Parang biglang lalo akong sumaya sa nabasa ko. Lumabas na yung warrant of arrest para kay Richard. Looks like mas mapapaaga ang punta ko kila Sabrina.

Tinawagan ko si ate Lyn. Ilang segundo lang sumagot na agad.

"Hello nak? Nandito kami kila Ace." Agad niyang bungad sa akin at nag-request ng videocall.

Nakita ko sila Elliot, Svril at Raizon? Si Raizon ba yon?

"Si Raizon ba yon ate?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Tinawagan ako ni Sabrina kanina. Sa atin muna raw si Raizon. Pinasundo sa akin." Paliwanag naman niya.

Mukha naman nag-eenjoy sila. Look, may kaibigan na yung anak ko. Nakakatuwa.

"Si kuya Ellis ba yan ate Lyn?!" Rinig kong sigaw ni Ace.

"Oo, Ace! Ito oh! Kausapin mo." Sagot naman ni ate sa kanya at boom! Mukha na ni Ace ang kaharap ko.

"H-hi Ace!" Nahihiya kong turan sabay ngiti. Naalala ko, pinatayan ni Rigon ng tawag si Ace kanina.

"Hello kuya Ellis! Bakit pinatay mo yung phone kanina? May sasabihin pa kaya ako!" Reklamo niya sa akin na kinangiwi ko na lang.

"A-ahhh, may ginawa kasi ako." Pagdadahilan ko sa kanya.

"Ayos lang kuya. Pero okay na pakiramdam mo? Punta ka dito ha? Magluluto raw si Sven love! Dito na rin kakain sila ate Lyn at yung mga bata. 'Di ba ate?" Turan niya sabay tingin kay ate Lyn na tumango lang.

"Yes. Pupunta ako dyan. Susunduin ko sila Elliot eh." Nakangiti kong saad sa kanya.

"Sige sige! Hihintayin kita ha?" Turan niya pa na kinatawa ko.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now