Chapter 2

24.8K 774 83
                                    

***

Ellis Madrigal

Nagsisimula na akong mainip. Kanina pa ako nakaupo dito. Si kuya Kyle nasa tabi ko lang din umiinom sila. Sabi niya wine lang naman daw yon. Yung kay daddy Keil yung alak. E? Parehas lang naman yung nakakalasing.

Si kuya Klein naman kanina pa pangiti-ngiti habang umiikot yung paningin sa loob ng event hall. Ewan ko dyan. Nasiraan na naman ata ng ulo. Si kuya Kervin, nakatingin kay Maxence. Katapat namin sila ng mesa. Si kuya Kervin nakangisi pero si Trevis, masama yung tingin sakanya pero si kuya Kervin chill lang.

Sila mom at dad naman, ayun nakikipagkwentuhan kung saan-saan at iniwan kami dito. “Ellis? Look!” Sabay turo ni kuya don sa dalawang lalaking kapapasok palang habang magkahawak kamay sila pareho. Karga pa nung isa, yung medyo maliit yung anak nilang babae. They look stunning and beautiful. “That's Sven and Ignace Alegria. From Alegria International Corporation.” Tumango-tango naman ako. Ang ganda nung ngiti ni sir Ace. Kamukhang-kamukha niya yung anak nila. At ang bata pa nung anak nila pero marunong na ngumiti sa camera. Mga 1 year old palang siguro o 2 years old.

“O tapos?” Tanong ko sakanya. “Sakanila yung Alegria High at Alegria University kung saan ka nag-aral. Ang galing diba?” Tumango naman ako. Ang galing nga!

Patuloy pa din yung pagpasok ng mga tao. Puro mamahalin sila. Grabe. Feeling ko ang yayaman nila. Pag pinagsama-sama yung mga pera nila, pwede nang bumili ng planeta.

Sunod naman nakakuha ng atensyon ko yung dalawang lalaking pumasok. Shit! Para silang mga model. Lalo na yung medyo mapayat. Yung isa kasi ang laki ng katawan. Tsaka ang cute nung mapayat. No— he's sexy. “Timothy and Kaine Volkswagen. Sila naman yung may-ari ng VKH Airlines. Volkswagen Kaleron Herrera Airlines.” Napatingin naman ako kay kuya. “Bakit alam mo?” Tanong ko sakanya.

Kibit-balikat naman siya. Binalik ko yung tingin ko sa dalawa. Sila palang yung nakita kong mag-asawa na wala pang anak sa mga taong kasama ko sa loob. I swear— Kaine is so beautiful! Bagay na bagay sakanya yung pulang turtle neck na may diamond pa. Look his tiny waist! Para talaga silang mga supermodels.

Naramdaman naman ako na naiihi ako. Kanina pa ako nanunuod sa mga pumapasok. Nakakapagtaka nga e, parang lahat galit dun sa pulis na huling pumasok kasama nung isang lalaki. Bagay nga sila e. Sabi ni kuya Kyle, si Gorner daw yon. Bakit parang lahat galit sakanya? Hay nako ewan!

“Kuya, magbabanyo lang ako saglit.” Bulong ko kay kuya Kyle. Tinignan naman niya ako. “Sasamahan kita.” Turan niy pero agad akong umiling. “Kaya ko kuya. Wag ka mag-alala.” Tinignan naman niya ako ng ilang segundo. “Fine.” Ngumiti ako at tumayo na. Inayos ko muna yung suot ko bago tumalikod.

“Hoy san ka pupunta?” Sabay na tanong ni kuya Kervin at Klein. “Magc-cr.” Bulong ko tsaka umalis na. Pero napahinto ako sa paglalakad nang makaramdaman ng nakakakilabot na tingin.

Agad kong inikot yung paningin ko sa buong hall. Wala naman akong makita bukod kay Mr. Alergia na pinapakain ng marshmallow yung asawa't anak niya. Walang kakaiba.

Muntik naman akong mapaiktad nang makita yung anak ni Mr. Beaufort sa likod ko. Tinitigan naman niya ako sa mata ng ilang segundo bago siya ngumisi. Hindi ko alam kung bakit parang napako yung paa ko at hindi makagalaw habang nakatitig siya. “A-ahh.” Tanging bulong ko at nanginginig pang tumabi sa dadaanan niya.

Ngumiti naman siya at nilagpasan ako. Amoy na amoy ko pa yung pabango niya. Nakita ko pa siyang dumiretso dun sa banyo.

Agad ko naman ipinilig yung ulo ko at sumunod din don. Doon din naman ang punta ko. Binuksan ko yung pintuan ng cr. Grabe yung banyo dito. Gold at silver grabe! Napangiwi naman ako nang makita si Rigon habang nakatalikod at umiihi.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Där berättelser lever. Upptäck nu