Chapter 6

19.1K 659 22
                                    

***

Ellis Madrigal

“Princess!” Bungad agad sakin ni kuya Kyle nang makalabas ako sa gate ng bahay ni Asher. Agad niya akong dinamba ng yakap sabay hinalikan sa noo.

Ngumiti nalang ako at yinakap siya ng mahigpit. Kung sanang pwede ko lang sabihin sakanya.

“I'm so worried! Sa susunod wag kang aalis ng hindi nagpapaalam Ellis!” Sermon pa niya sakin. Ngumiti naman ako at tumango.

Tinulungan ako ni Asher na takpan yung mga kagat sa leeg ko tsaka yung ilang pasa ko sa katawan. Pati na din yung sa pisngi gamit yung foundation. Hanggang ngayon kasi namumula pa din. Yung iba nangingitim na. Masakit pa din katawan ko pero hindi ko pwedeng ipakita sakanila. Pinahiram na din niya ako ng damit.

“Kamusta si Asher?” Tanong ni kuya bago ako pagbuksan ng pinto. “Ayos lang. W-wala naman daw bali.” Pagsisinungaling ko bago niya isara yung pinto ng kotse. Agad ko naman sinuot yung seatbelt. Mabilis naman siyang pumasok sa loob at pinaandar na yung kotse. “Wala ka bang gustong puntahan?” Umiling naman ako. “Saan yung suit mo? Bakit iniwan mo pa kila Asher?” Pag-uusisa pa ni kuya.

“Ahhh... Ipapa-laundry nalang daw niya tapos ibabalik saakin. May dugo din kasi kuya nung hinawakan ko siya.” Tinignan naman niya ako ng ilang segundo bago siya tumango. Sana maniwala siya. Kung mamatay ako, sana ako lang. Hindi niya idamay yung pamilya ko. Handa naman ako mamatay. Basta walang madadamay.

“Are you okay princess? Ang tamlay mo. May sakit ka ba?” Tanong niya sakin. Ngumiti naman agad ako at umiling. “Wala kuya. Ayos lang ako. Iniisip ko lang na mapapagalitan ako kay dad at mom nito. Isama mo pa si kuya Kervin at Klein.” Tumatawang turan ko sakanya. Napatawa naman din siya. “Akong bahala. Hindi ka nila pagagalitan.”



PAGKABUKAS ni kuya Kevin sa pintuan ng bahay namin, agad kaming dumiretso sa sala. Sabay-sabay na huminto sila mom, dad, kuya Kervin at Klein sa mga ginagawa nila at sabay-sabay ding tumayo.

“Princess!” Sabay-sabay nilang sabi na kinatawa ko. Nawala yung tawa ko nang sabay-sabay silang sumama yung tingin sakin bago nagsalita ng sabay-sabay.

Halos hindi ko na alam yung mga sinasabi nila at hindi maintindihan. Pati si kuya Kevin nalilito na din.

“STOP!” Sigaw ni kuya Kevin at itinago ako sa likod niya. Huminto naman silang lahat. “Okay na. Nandito na si princess. Wag niyo na pagalitan.” Turan ni kuya. Tumango-tango naman ako. “Hindi ko na po uulitin. Sorry.” Bulong ko.

“Apology accepted!” Sabay-sabay nilang sigaw na kinangiti ko. Tumingin naman si kuya sakin. “See? Sabi sayo e, akong bahala!”


ISA-ISA kong hinubad ang damit ko sa harap ng salamin. Hindi mabilang na pasa yung nasa katawan ko ngayon. Napatawa naman akong mahina. Wala na akong iiyak pa.

Isa-isa kong nilagyan ng yelo yung bawat pasa. Lalo na yung sa leeg. Pati yung malaking opasa sa mga hita ko na inapakan niya. Medyo nawawala naman pero hindi tuluyang nawala. Yung sa leeg, purong pula nalang. Mukha nalang siyang rushes o pantal kasi pinahidan ko pa ng kung ano-ano.

Agad akong pumasok sa shower at hinayaang balutin ako ng maligamgam na tubig. Napapikit nalang ako pero agad din akong napamulat nang biglang bumalik sa isip ko yung kababuyang ginawa niya sakin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na kunin niya ako ulit. Marami pa akong pangarap. Kaya gagawin ko yung lahat para humaba pa ang buhay ko.



PAGKATAPOS kong patuyuin yung buhok ko at magbihis, nagsuot lang ako ng long sleeves at panjama kong pantulog.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at pinuntahan yung kwarto ni kuya Kevin. Hindi na ako kumatok at mabilis na pumasok. Nakita ko siyang naka-upo sa kama niya habang nakatingin sa laptop.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now