"Marami, but it depends on you. Kung gusto mo ng night party at maraming boys, syempre dapat sa La Luz .For sure marami kang guys na makikilala roon" Kinikilig pa na saad ng dalaga.

Di sya sigurado kung magugustuhan nya ang magulong lugar na katulad ng La Luz...ang kailangan nya kasi ay katahimikan .

"Gaga, idadamay mo pa si ate sa kalandian mo ." sita ng isang baklang kanina pa nakikinig sa kanila.

Malakas ang naging tawanan ng mag babarkada habang sakay ng bangka.

"Ate, kung gusto mo ng tahimik na resort, mag stay ka sa Monte Mayor. The best doon" dagdag pa ng baklang si Jessie.

"By the way , Im Janice, sya naman si Eloy, Jessie , Frahn lahat ng naroon sa bandang likod, mga barkada ko yan papuntang Cagbalete." pagpapakilala ng dalaga na kanina pa kwento ng kwento sa kanya.

"Hi, nice to meet you." Alanganing saad ni Frida.

"Ate, makakatulong sayo ang Cagbalete. Hindi ako sigurado kung bakit ka nagiisa. But Im sure this place will heal you " Saad ng babaeng nakaitim na sa pagkakaalam ni Frida ay si Frahn ayon kay Janice kanina .

Nahalata ni Frahn ang mga mata ni Frida. Mugto kasi iyon sa matinding pagiyak nya kanina.

Umiwas ng tingin si Frida saka sinuot ang kanyang shades. Ayaw nyang magmukha syang kaawa awa sa kanyang hitsura. Ayaw nya ring magsimulang magtanong ang mga iyon tungkol sa kanya.

Sumenyas si Jessie sa mga barkada. Alam nila na may malaking problema si Frida dahil sa pamumugto ng mga mata nito.

Naghiwa hiwalay ang mga sakay ng bangka ng makarating sila ng Cagbalete island. Ang mga barkada ng kabataan ay sa La Luz nagpunta habang si Frida naman ay sa Monte Mayor Resort binaba ng bangkero, kung saan ang sabi ni Frahn ay magandang place daw to relax.

Sumalubong sa kanya ang isang babae na sa tantya nya ay nasa 50's na din.

"Hi, maam. Good morning, Welcome to Monte Mayor Beach Resort. My name is Mele. May I know kung may reservations na po kayo?" Tanong ng babae sa kanya

"Ahm...W-wala ho. But, can I take a room for 3 days and 2 night ?" Tanong ni Frida. Hindi sya sigurado kung magugustuhan nyang mag stay ng matagal doon.

"Ahmm..." Luminga linga muna ang babae sa paligid habang nagiisip pa sandali.

"Ano bang available nyo na room?"

"As of now po kasi ay fullybooked kami. Let's check po muna kung may available pa po tayo , tara" Yaya ni Mele

Tumango lang si Frida saka sumunod kay Mele papuntang frontdesk.

Thankfully may available pa na room sa Monte Mayor.

"Actually , marami pang rooms na available." Sabat ng isang boses ng lalake mula sa kung saan.

Napalingon si Frida.

"Sir, Josh!" Masiglang bati ni Mele. "Masaya akong makita kayo ulit dito. Welcome back!"

Malakas ang naging tawa ng binata dahil sa warm geetings ni Mele.

"Actually , itong si Mele, kunwari lang yan. Would you think na ang empty and simple resort like this ay magkakaroon ng maraming guests?" Tatawa tawang saad ng binata.

"Sir,Josh naman.." napalabi si Mele. Feeling nya napahiya sya sa bagong guest ng resort.

Malakas ang naging halakhak muli ni Josh. Ang kanyang mga mata ay puno ng buhay. Bakit ba sa tingin ni Frida ay kumikinang ang mga matang iyon ?

"Just kidding, Mele." Sabay akbay ng binata sa May edad ng si Mele. "Well as you can see, napaka simple lang ng lugar na ito. But the best thing in this place, is the staff. They are really nice and warm. Im sure you'll love the place compare sa ibang resort dito. Dahil dito , tahimik at hindi crowded . This is a place for healing."

"A PLACE FOR HEALING " bulong ni Frida.

"Yes" Ngiting ngiting saad muli ni Josh. Tantya ni Frida, ay 27 years old lang ito. "This is a place to relax at kalimutan ang problema. A place na tatanggapin ka kahit ano ka pa at sino ka pa. And if you have a problem, anjan si Mele para makinig sayo, right Mele?"

"Yes of course, lahat kami rito ay gagawin ang lahat maibigay lang ang service na kailangan nyo po. Here in Monte Mayor, we value our guests. " saad ni Mele

Malakas ang naging tawa ni Josh pagkasabi ni Mele ng ganun.

"Nagi improve na ang inyong marketing strategy, Mele." Muling biro ng binata.

"Hanggang ngayon palabiro parin kayo Sir Josh. Im sure magiging maingay nanaman dito." Ganting biro din ni Mele sa binata.

"Just kidding. But if you'll excuse me, Mele, mauna na ako baka masira ko lang ang araw mo. Same room okay?" Yun lang at mabilis na nagpaalam na si Josh sa kanila.

"Pagpasensyahan nyo na po si Sir Josh. Regular customer po namin sya every year. Im sure may problema nanaman yan kaya narito sya."

"Problema?"

"Yes, katulad nga ng sabi ni Sir Josh, this place is for healing. Yung iba nagpupunta rito para mag chill and relax, and to get away from the busy life of Manila. Ang iba naman ay narito para takasan ang kanilang mga problema. Some, are here to have beautiful memories with their love one. Kung ano man ang dahilan mo kaya ka narito, Im sure, mahahanap mo rito ang sagot." Tinapik ni Mele ang braso ni Frida. Alam nya kung bakit nagiisa itong nagpunta ng isla.

"Anyways, may available rooms pa ba kayo, or lilipat nalang ako ng resort? " Napanguso si Frida. Ang dami nang sinabi ng babaeng kaharap nya. Wala naman syang nais sa resort na iyon kundi ang katahimikan.

"No,no..just stay here. We have alot of room for you to stay in."

"Good." Taas noong saad ni Frida sabay nilibot ng kanyang paningin ang kabuuan ng resort na iyon .

Isinama sya ni Mele sa isang malaking animo bahay na napaka engrande. May malaking entrada sa harap at hagdan patungong second floor.

"Nakalimutan ko palang itanong, saan mo nga pala gustong mag stay? Nipa hut, airconed room or fan room lang?"

"Airconed room gusto ko sana ay mayroong sariling CR. "

"I do apologize maam, pero wala po kaming airconed room na may sariling CR. Shared bathroom and toilet lang po ang meron tayo."

"What? Shared Comfort room? Paanong naging healing place ito kung ganun?" Inis na tanong ni Frida

"Im sorry maam. Ganun po talaga dito sa amin. But then napakalinis naman po ng aming CR, kung gusto nyo po may available room kami malapit sa CR po." Suhuwestyon ni Mele.

"Ayoko , hindi ako comfortable na maraming tao ang nagdadaan sa aking kwarto " Mataray na saad ni Frida.

"Mayroon po tayong room doon po sa bandang dulo."sabay turo ni Mele sa dulo ng pasilyo. "Magiging katabi nyo po ang kwarto ni Sir Josh. I'm sorry maam yan lang po ang maio offer ko sa inyo dahil wala naman po kayong reservations. Mamayang tanghali po kasi ay darating ang team ni Mayor sa amin at io occupay po nila ang halos lahat ng rooms dito sa Mainhouse.

Napabuntong hininga si Frida. Mukhang wala syang choice kundi ang mag stay sa dulong kwarto katabi ang madaldal na binata kanina.

"Hello,neighbor !" Masayang bati ni Josh ng makita syang papasok ng kanyang room .

Naparolyo ang mata ni Frida.

"Oh, great!" Bulong nya..naiinis syang makita ang lalakeng ito. Napaka daldal at atribida kasi nito. Mukhang napaka presko din dahil sa mga kilos nito.

Kanina pa napapansin ni Frida ang pagpapa cute ni Josh. Panay kasi ang hagod nito sa malago nitong buhok.

"Mukhang nagiisa ka, Wanna join me?" Pansin ng binata ng akmang papasok si Frida sa kwarto. "Magi snorkle ako malapit rito."

"Im sorry..I need to get a rest muna. If you'll excuse me?" Nakataas ang isang kilay ni Frida. Di man ito nakikita ng binata dahil sa shade ni Frida, pansin nya ay suplada talaga ang babaeng ito.

"Okay.." Nakangiting saad ni Josh. Pagkatapos nun ay hinagod nya ng tingin si Frida bago pa ito pumasok ng kwarto nito.

"This will be awesome" napakagat si Josh sa kanyang labi. Ganun ang tipo nyang babae, suplada, matured and sexy .....

Frida ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon