"Hindi na mauulit, reyna ko." Nag-angat ako nang tingin dahil para siyang bata kung sabihin niya 'yon. Minsan ko lang siyang marinig sa ganyang tono ng pananalita. Hindi bagay sa kanya!

Pinauna niya akong pumasok habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Namili na rin si Arthur ng kanyang upuan at gano'n na rin si Caius para sa aming dalawa -- at hindi pumayag na hindi kami magkatabi! At ito pang pwesto na pinili niya ay medyo nasa sulok!

"Gusto mo talagang malayo?" Tanong ko na ikinatango naman niya. Umiling-iling nalang ako at inayos ang upuan ko para maging higaan.

Tumayo siya at may parang inutos sa isa sa mga tauhan dito sa private plane. While looking at him as he speaks, parang gusto niyang manigurado sa lahat -- kung baga, perfectionist.

Nang makalapit siya sa akin ay ngumiti ako. "Ano'ng inutos mo?"

"I just asked her if they have extra pillows and comforter -- you know, I want to witness that you will have a good sleep, my queen," sabi niya at saka ako nilapitan para hagkan sa aking noo.

"Komportable naman akong matulog, basta nandyan ka lang sa tabi ko..."

Tumango siya sa sinabi ko at umupo sa katabing upuan. "Of course I will be by your side, no worries," paninigurado niya.

I held his hand back and placed it in my precious heart. "You own this now." I smiled at him.

He gave me a smack on my lips and cupped my cheek. "Mine too..." He lifted my right hand and placed it in his chest -- on his beating heart.

Sa sobrang tagal ata ng flight ay parang gusto ko nalang humilata dito at matulog. Kanina pa ako ginigising ni Caius pero hindi pa rin ako kumikibo. Gusto ko kasing mapikon siya kahit papaano.

"Babe, you're not really going to wake up?" Narinig kong wika niya. Nanatili akong nakapikit at kinakabisado ang gwapo niyang boses. "If I find out that you're pretending to be asleep, I'm going to take you here," pagbabanta niya pa pero, hindi ako natinag. "There's a lot of hot woman here, want me to be with them?"

Doon na ako bumangon. "Ito na! Babangon na!" Inis kong tugon. "'Wag mo nga akong tinatakot-takot ng ganyan... letse ka! Akin ka lang, oy!" Humalakhak siya at pinatayo ako.

Hinawi niya ang hibla ng buhok ko at nakangiting hinalikan ako sa kamay. "Try smarter strategies, babe."

I rolled my eyeballs upward and crossed my arms in my chest. "Damn you, Mr. Montez. Hindi 'man lang gumana ang pakulo ko para sa 'yo."

Tumalikod siya sa akin at tinaas ang tumatakip sa bintana sa gilid niya. "Look, it's already night here in Canada."

Tumayo ako at kumandong sa kanya. Nakita ko kaagad ang maganda at kumikinang sa dilim ang mga mas malaking buildings dito. "It's amazing... thank you for waking me up."

Niyakap niya ako sa bewang at sinandal ang ulo sa balikat ko. "I know you don't want to miss this kind of view every night." I craned my neck and kissed him.

"I love you, Caius."

"You know that I love you more, Denisse."

I really hate jet lag... kaya minsan ayoko ng biyahe ng medyo matagal dahil para akong masusuka ng 'di oras. Minsan nga, napagkamalan akong buntis nila Dad dahil panay ang suka ko.

"Tell me if I need to carry you," sabi niya sa akin at hinaplos ang magkabilang pisngi ko.

"K-kaya ko." Minamasahe ko ang noo ko habang sinasabi ko 'yon.

Nasa hotel lobby na kami at medyo mabagal ang lakad namin dahil baka masuka ako kung saan. Inalalayan lang ako ni Caius habang pinaasikaso na niya ang mga bagahe namin sa mga employees ng hotel.

Pumasok na rin kami ng elevator habang ako naman ay halos maipikit ko na ang mga mata ko sa bwisit na jet lag na ito. Nakalabas na rin kami at nadatnan namin si Arthur na papunta sa amin.

"Are you okay, Lauren?" Tanong ni Arthur sa akin.

"Jet lag," bulong ko.

"You must have a plenty of sleep for tomorrow's activity... and also take a dosage of Homeopathy," bilin niya at tinapik-tapik ang balikat ko.

"Thanks..."

Kahit na medyo nahihilo na ako ay nakita ko pa rin kung gaano matalim na magtitigan ang dalawa. I just breathed hard and signaled Caius to go to our suite now.

He opened the door and I immediately ran into the king-sized bed. "Oh, bed!" Tili ko.

"Dammit, he shouldn't say that in front of me. I know what to do when jet lag strikes," narinig kong inis na wika ni Caius.

I just inhaled the scent that was coming from the pillows and hugged them. Grabe, ang saraaap.

"Fúck him! He even touched you! In front of me!"

HIndi ko nalang pinansin si Caius sa mga pinagsasabi niya. Minsan, ang drama niya lalo na kapag may pinaparinig o 'di kaya'y mga sinasabi na parang hindi niya kayang gawin.

"Nakita mo naman siguro ang reaksyon ko kanina 'di ba?" Sabi ko nalan, "mukha bang may epekto ang sinabi niya kanina? 'Di ba, wala?" Nakapikit ako habang sinasabi 'yon.

"Y-yeah..." Sang-ayon naman niya. Naramdaman ko nalang na gumalaw-galaw ang kama at yumakap na rin siya sa akin. "Babe..."

Nakapikit pa rin ako. "Hmm?"

"I'm sorry if I react too much."

"Okay lang, mahal naman kita, eh," sabi ko habang nakapikit at ngumiti.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kanang kamay ko. "Have a good sleep, my queen. I love you..." May narinig pa akong binulong niya kaso hinatak na ako ng antok.

●♥●

Heart By Heart (The Architects Series #2)Where stories live. Discover now