It's been an hour since she passed out—Elle is still unconscious, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko sa nangyari.  It's not Henry's fault, ako ang nagprovoke  sa kaniya. Walang ibang dapat na sisihin dito kung'di ako lang.

"Tell me, saan mo nakilala ang girlfriend ko?" Si Henry, talagang gusto niya ako na kalabanin.

"Wala kang  pakielam." I said, ayaw ko na ng away. Please lang.

"Alam kong kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi mo kanina. Para lang pasamain ako! Diyan ka naman kasi magaling, pati ang relasyon ninyo ni Elle. Sigurado ako na palabas lang 'yon para saktan mo ako." 

"Tsk… sampid ka lang sa pamilya kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng gan'yan." mahinang usal ko.

"Alam ko, hindi mo kailangan ipamukha sa akin pero hindi mo maalis ang katotohanan na ako ang mahal ni Elle. Akin siya! Girlfriend ko siya at ako ang pakakasalan niya."

"Akala mo hahayaan kita? Dadaan ka muna sa akin, over my dead body Henry. Over. my. dead. body."

"Alam ko, I'm ready to play with you. May the best man win."

"Okay sabi mo eh." I said, yawning.

"Hindi kita aatras—"

"Tumigil na kayong dalawa!" Boses iyon ni Ate Yanna pero hindi namin ito pinakinggan at nagpatuloy sa pagmamatapangan.

"Hindi kita hahayaan na makuha mo si Elle." muli niyang sabi.

"I like your competetiveness Henry. But sorry say, I will win.  She even chose to live with me, ano pa ba ang mahahabol mo?"

"Sigurado ako na  may ginawa ka Yohan para makuha siya sa akin kaya sisiguraduhin ko na matatalo ka. Matagal ka na naman na talunan, tatalunin kita sa sarili mong laro."

"Dream on, libre lang naman mangarap."

"Ano ba kayong dalawa? Nagpa-iwan lang ba talaga kayo para magsalitaan ng ganyan? Para kayong hindi magkapatid ah." Si Ate Hannah, mukhang galit na siya dahil umuusok na ang ilong niya at nanlalaki na ang mga mata. She's the second eldest kargo niya ang lahat dahil siya ang pinakamatanda dito. 

"Napahamak na nga 'yong isa nang dahil sa kagagawan ninyo tapos awayan pa kayo ng awayan diyan. Be ashamed of yourselves, matatanda na kayo." Ate Yanna, the third eldest.

"Kagagawa naman ni Yohan ang lahat ng 'to e," saad pa ng Henry na 'to.

"Henry, tumigil ka na." Pananaway ni Ate Hannah. "Ano ba? Hindi pa ba kayo napapagod?"

"In the first place kung hindi mo siya binalewala, sinaktan emotionally and physically, at pina-asa. Hindi naman siya mapupunta sa akin." Pagsagot ko sa paratang ni Henry.

"H'wag ka na ngang sumagot Yohan, lalo lang lumalaki e. Tama na, magpa"Pananaway rin ni Ate Yanna.

Nanahimik na ako at piniling itiuon na lang ang pansin at atensyon ko sa wala pa rin na malay ni Elle. Mukhang kailangan kong bawasan ang pakikipagsagutan sa harap niya, pangalawang beses na ito e.

Pangalawang beses nang may nangyayaring masama nang dahil sa akin, I actually blamed myself and I never denied it. I need to be extra careful, sisiguraduhin ko na hindi na siya ulit mapapahamak.

Maya-maya pa ay nagising na rin si Elle, inasikaso ko na siya katulong ko ang mga ate ko. Sa totoo lang ay wala akong pakielam sa hamon at laro na binabanggit ni Henry, wala akong balak na sabayan ang trip nyang gago siya. Ang mahalaga na lang sa akin ay ang kapakanan ni Elle.

Kinabukasan, bumyahe na kami nila Ate papunta sa Parañaque kung saan nakatirik ang mansyon na kinalakihan ko. Tahimik kami na  sumabay sa pag-bebreakfast, saglit din kami na nagpaalam dahil kukuha kami ng mga gamit at damit sa penthouse. Kaunti lang ang kukuhanin, maybe mga damit na good for one or two weeks at ilang extra pa. Wala akong balak na magtagal  pa at itira si Elle na mansyon na iyon.

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon