"Kunwari ka pa na galit eh may anak na nga kayo. Mamaya malaman ko lang nagjujug-jugan na naman kayo diyan. Isa ka pa naman sa mga marurupok."

"No way! Watch you words, Aiora ha! Naku kapag ako nanggigil sa iyong babae ka tatanggalin kita sa trabaho!"

"As if naman kaya mo." tumawa pa si Ate Aiora at kinurot si Yell sa tagiliran.

"Ouch! You!"

"Eos! Long time no see ha!" lumapit sa akin si Pia at nakipagbeso sa akin.

Sumunod naman si Ate Xiara at Ate Cholita sa pagyakap sa amin. Kung tutuusin halos lahat naman sila mas matanda sa akin pero ayaw ni Pia at Yell na tinatawag ko silang Ate kaya sinusunod ko na lang kaysa humaba pa ang diskusyon.

"Nasaan na ang mga lalaking hamog? Nagugutom na ako!" angal ni Ate Cholita habang akay-akay sa kabilang kamay niya si Cronus

"Wage! Hoy! Pumasok na kayo dito at kakain na! Babae na naman siguro usapan niyo dyan!" sigaw ni Pia habang nakadungaw sa sliding door.

Nakita ko naman na agad nagsitayuan ang mga lalaki sa labas at mabilis na pumasok. Agad na pumulupot ang mga braso noong iba sa mga asawa nila habang ang iba naman ay napapasipol at nagkunwari na nasusuka pa.

Nagsimula na kaming kumain at wala atang minuto na naging tahimik ang hapagkainan. Madalas kasi ay nag-aasaran sila o hindi naman kaya ay mag-uusap tungkol sa kung ano man.

"Yow! Nandito na pala ang mga dakilang babaero!" sigaw ni Tyler habang nakatingin sa bungad ng dinning area.

"Gago! Nagsalita ang malinis. Palibhasa nabubulok ka na hindi ka pa din binabalikan ni Ate Cholita." asar ng bagong dating kaya napalingon ako.

Napaawang ang bibig ko nang makita roon si Zel kasama iyong dalawang lalaki na sumagot kay Kuya Tyler.

"Pare-pareho lang naman kayong nabubulok." asar ni Kuya Simon.

Napaiwas ako ng tingin nang mapadako ang tingin sa akin ni Zel. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit alam kong wala na doon ang buong atensyon ko.

"Aray ko naman 'tol! Upuan na lang nakikipag-agawan ka pa eh." napalingon ako bigla sa tabi ko at halos mapasinghap ako nang makitang si Zel na pala ang katabi ko.

"Yown! Gumagalaw na iyong manok natin!" rinig kong kantyaw nila kaya lalo akong napayuko sa sobrang hiya.

Nanatili lang akong tahimik habang lalong lumalakas ang asaran sa paligid dahil sa pagdating ni Zel at iba pa nilang kaibigan.

"Bakit wala sila bebe Everleigh at Liona?" tanong ni Ate Aiora kaya napatingin ako sa paligid.

"Nag-bonding sila. Aalis na kasi this month si Lex at Liona papuntang Switzerland. Matatagalan sila bumalik kaya ayun, halos laging magkadikit iyong dalawa araw-araw." sagot ni Pia habang pinagsasandok ang asawa.

"Hala para pa namang kambal tuko ang dalawang iyon at hindi mapaghiwalay."

"Kaya nga eh. Kainis kasi itong si Andres! Bakit pa kasi bibitbitin mo ang barbie doll namin! Sabi ko naman sa'yo I can take care of her naman."

"No, Yell. Knowing you, lagi mo lang ii-spoil ang kapatid ko. Kaya lumalaki ang ulo niya eh. Lagi kayong kumukunsinti."

"I agree with him. Mas okay kung isasama niya muna si Liona kaysa iwan dito." seryosong sagot ni Kuya Lay kaya tinignan siya ng masama ni Ate Yell.

Nang matapos na ang tanghalian ay ibinigay muna sa mga kasambahay ang mga bata habang nagkayayaan naman ang lahat na magsama-sama sa lounge area.

Agad nagsi-pwesto ang iba sa tapat ng tv at naglaro ng x-box samantalang iyong iba naman ay nagtabi-tabi na sa mga mahahabang sofa.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang