Chapter 7

13.5K 283 22
                                    

Marahas niya akong binitiwan at tinalikuran na lang basta-basta. Aba! Ang walang hiya bigla na lang pinaharurot ang kotse at halos malanghap ko lahat ng usok na ibinuga ng kotse niya.

Napailing na lang ako at naglakad na sa sakayan. Kiss and run ang hudas, napailing na lang ako at pilit kinalimutan ang ginawa niya.

Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko ang mga kapatid ko na may pinagtatalunan.

"Anong problema rito?" ibinaba ko ang bag ko sa sofa bago sila sinenyasan na maupo sa tabi ko.

"Ang kulit po kasi ni Nichola! Sinabi na nga kasi na huwag makikipag-usap sa hindi niya kilala pero ginawa pa din niya!"

"Sinabi na nga na nagtatanong lang naman yung tao eh! Ano bang problema kung sinagot ko lang iyong tinanong ng lalaking iyon!"

"Jaxon! Nichola! Nandito ako sa harapan ninyo pero kung mag-sigawan kayo para kayong walang respeto. Umayos kayo ha."

Nagtagisan ng tingin ang dalawa kaya binigyan ko sila ng mahinang kurot sa tagiliran.

"Aray naman ate!" angal ni Nichola pero pinandilatan ko lang siya.

"Ano ba kasing nangyari. Ikwento niyo nang hindi kayo nagbabangayan. Ang lalaki niyo na para pa din kayong aso't pusa."

"Kanina po kasi may nagpunta dito na lalaki. Tinanong po kung dito kayo nakatira, sinabi ko lang naman po na oo tapos umalis na siya bigla."

"Sinabi ba kung sino daw siya? Anong itsura?"

"Nasa 40s po siguro, ate. Hindi niya po sinabi yung pangalan niya eh."

"Tignan mo na! Eh paano kung masamang tao iyon o kaya yung pinagkakautangan ng pamilya natin?!" bulyaw na naman Jaxon sa kapatid namin.

"Jaxon tama na 'yan hindi na ko natutuwa ha. Nichola, delikado na ang panahon ngayon. Kahit ba sabihin mong hindi tayo mayaman, eh paano kung kidnapper iyon. Edi napahamak ka pa. Huwag mo na uulitin iyon, maliwanag ba?"

"Sorry po ate. Hindi din naman po kasi siya mukhang kidnapper. Maganda po iyong kotse, ate tapos naka-formal suit po. Mukha nga pong bodyguard eh." nakanguso nitong sabi kaya napakunot noo ako.

"Anong itsura?"

"Maayos naman po. Normal lang yung itsura na kalbo. Di naman po panget, hindi din gwapo. Basta po nasa 40s. Kilala mo po ba 'yun ate? Pinagkakautangan din po ba ni Tito noon iyong lalaki?" tumabi pa ito sa akin na animo'y nakikichismis.

Isa lang ang alam ko, paniguradong tauhan iyon ng hambog na si Zel. Pinadala pa talaga niya ang bodyguard niya dito para masiguradong hindi ako maghahabol ng pera sa kanya.

Napabuntong hininga ako. Lagot sa akin ang hudas na iyon bukas. Kung balak niyang idamay ang mga kapatid ko sa kagaguhan niya, hindi ako mangingiming saktan siya.

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa opisina at nagmamadaling nagpalit ng uniporme. Walang katok-katok na pumasok ako sa loob ng opisina ng hudas.

Nag-angat ito ng tingin sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin.

"What the f*ck is your problem, Ms. Amaro? Don't you even know how to knock?"

"Hoy lalaking ipinaglihi sa sama ng loob! Huwag mo akong ma-fuck f*ck diyan dahil kung meron man sa ating ganon, ikaw iyon! Hayup ka! Bakit mo pinapunta iyong bodyguard mo sa lugar namin? Balak mo pa talagang idamay ang pamilya ko ha!"

Nanggigigil ako sa kanya at gusto ko na talagang sabunutan ang lalaking hambog na ito. Kumulo ang dugo ko lalo nang ngumisi siya sa akin. Ngising mapang-uyam.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now