Chapter 12

10.3K 257 5
                                    

Nilapitan ako ng kapatid ko at nagtititili na pinag-aalog ako.

"Huy, ano ba Nichola nahihilo ako sayo. Kung makatili ka diyan eh para kang binudburan ng asin sa singit!"

"Eh kasi naman, Ate! Anong ginagawa ng gwapong nilalang na iyon sa tapat ng bahay natin? Ikaw na ang ipinunta niya dito? Atsaka bakit ganyan ang itsura mo? May date kayo no? Oh my gosh magkakaroon na ba ko ng gwapong brother-in-law?"

Hinatak ko ang dulo ng buhok nito kaya napa-aray ito. Pinandilatan ko lang siya ng mata at kinuha ang bag ko na nakapatong sa kama namin.

"Ikaw, Nichola umayos ka ha. Walang namamagitan sa aming dalawa. May kailangan lang kaming asikasuhin kaya nandito siya. Wala ng iba pa. Napakadumi ng isip mo."

Lumabas ako ng kwarto at sinundan niya pa ako habang impit na nagtititili.

"Madumi agad mag-isip, Ate? Hindi ba pwedeng kinikilig lang ako? Ang gwapo ate tignan mo oh!" hinatak pa ako nito papunta sa bintana.

Nakita ko ang mga chismosa naming kapitbahay na nakikiusyoso sa labas. Paano ba naman kasi hindi ito takaw pansin.

Nakatayo ito sa tabi ng isang mamahaling kotse habang prenteng nakahalukipkip suot ang isang simpleng white na polo at khaki na pantalon.

Pinasadahan ko siya ng tingin at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha habang ginagawa iyon. Totoo naman talaga ang sinabi ni Nichola. Napaka-gwapong nilalang nga.

"Oh diba, Ate? Makalaglag panty? Juicecolored. Kung ganyan lang din ang magiging jowa mo, Ate. Gumora ka na at humayo kayo para magparami!"

Natatawa pa itong tinulak ako palabas ng bahay.

"Nichola!"

Tinawanan niya lang ako at pabiro pang kumakaway. Pinandilatan ko siya ng mata pero napabungisngis lang ito lalo at iningugnuso pa ang nasa likod ko.

May tumikhim sa likod ko at hindi ko maiwasang kabahan ng dahil doon.

"Eos."

Ayan na naman ang pagtawag niya sa pangalan ko. Napabuntong hininga ako bago lumingon sa kanya.

"Halika na." paanyaya ko sa kanya para maitago ang pag-init ng pisngi ko.

"Ay, Ate! Ang quick mo doon ha! Kiss agad?"

Nilingon ko ang kapatid ko at sinamaan siya ng tingin. Humagikgik lang ang loka at kumaway pa sa katabi ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Zel kaya sa kanya nabaling ang tingin ko.

"What?" nakangisi ito sa akin at inilapit pa ang mukha sa akin.

Narinig ko naman ang mga bulungan sa paligid pati na ang pagtili ng magaling kong kapatid.

"A-ano ba! Lumayo ka nga sa akin."

Napailing lang ito habang nakangisi bago sumulyap sa likod ko.

"Hihiramin ko muna ang ate mo ha?"

"Sige lang po! Kahit gabi niyo na po ibalik ha? Pakasaya po kayo sa date niyo." humagikgik na naman ang loka kaya pinandilatan ko na siya.

"Humanda ka pag-uwi ko. I-lock mo ang pinto ha! Huwag ka magpapapasok ng kahit sino!" paalala ko sa kapatid ko na hindi na magkamayaw sa kilig.

Ano bang nakakakilig sa lalaking 'to?

'Bakit ikaw ba hindi ka kinikilig?'

Napailing na lang ako nang dahil sa mga pumapasok sa isip ko.

Inalalayan ako ni Zel papasok sa kotse niya at rinig ko pa ang pag-paalam ni Nichola.

Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Humanda talaga sa akin ang batang iyon pag-uwi.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now