Chapter 8

11.8K 278 36
                                    

Malayo pa lang ay tanong ko na agad na nagkakagulo sa labas ng inuupahan naming bahay. Nakita ko pa na umiiyak ang mga kapatid ko habang nagmamakaawa sa mga lalaking iyon.

Dali-dali akong lumapit sa mga kapatid ko at niyakap sila ng mahigpit.

"A-ate yung pinagkaka-utangan natin bigla na lang po sumugod sa bahay. B-bayaran na daw po natin yung utang natin sa kanila. A-ate natatakot po ako." umiiyak na sabi ni Nichola.

Napatingin naman ako kay Jaxon at nakita ko ang bahid ng lungkot sa mukha nito at pinipigilan maluha. Nangilid ang luha ko sa kinahihinatnan namin ngayon.

"Oh nandito ka na pala! Aba't lagpas na ang palugit ko sayo, Ineng! Bayaran mo na iyong natitira niyong balanse sa akin! 20,000 pa ang hindi niyo nababayaran!"

Nangunot naman ang noo ko sa matandang lalaki.

"Teka lang ho, Mang Pedro. Bakit naman po ata parang walang nabawas sa utang ko. Nakaka-limang libo na po ako sa hulog ko sa inyo at hindi naman po ako pumapalya sa paghulog. Nitong nakaraan lang ho na dalawang buwan."

"Hoy! May interest ang utang! Anong akala mo hiram lang to pero walang interest? Aba sineswerte ka naman ata! Punyeta ka, bayaran mo iyong utang mo bago matapos ang linggong to kung hindi sa kangkungan kayo pupulitin!"

"Pwede din naman kung kayo ng kapatid mong babae ang ipambabayad mo sa akin." malaswa itong tumingin sa amin kay Nichola at halos masuka ako sa tabas ng dila nito.

Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Nichola at pigil ang paghikbi. Akma naman na lalaban si Jaxon pero pinigilan ko siya. Paniguradong pagtutulungan ang kapatid ko ng mga alepores ng matandang to kapag nagkagulo.

Ayokong masaktan ang mga kapatid ko. Takot at galit na galit man ako ay pinigil ko ang sarili ko para hindi pa madamay ang mga kapatid ko.

"Babayaran ko po kayo ngayong linggo. Huwag ho kayong mag-alala. Basta patahimikin niyo lang po ang buhay namin at huwag niyo pong gagalawin ang mga kapatid ko. Hahanap po ako ng paraan para makabayad sa inyo." matigas na wika ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari sa inyo." tumawa pa siya ng malademonyo na lalong nagpadagdag ng galit ko.

Umalis na sila na tangay ang ilang kagamitan namin. Tanging mga damit, kutson at lamesa na lang ang itinira nila sa amin pero hindi man lang nabawasan ang utang ko sa kanila. Napakaganid ng mga hangal.

"Sorry." mahinang usal ko sa mga kapatid ko habang tulalang nakayuko sa sala.

"Hindi niyo sana to mararanasan kung nakapagtapos sana ako ng pag-aaral. Kung may matino sana akong trabaho. Kung hindi sana ako nangutang sa bastos na matandang iyon." nagsimula ng tumulo ang mga luha ko at napahikbi.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Malayo pa ang sahod at kung tutuusin kulang pa ang sasahurin ko para lang maipambayad sa utang.

Naramdaman ko naman ang mahigpit na yakap ng mga kapatid ko sa akin.

"Ate wala ka naman pong kasalanan. Hindi naman po natin ginusto na mangyari po 'to. Kaya natin to, tiwala lang po sa Diyos." wika ni Nichola na panay pa din ang paghikbi.

Nakatulala naman si Jaxon na wari ba na malalim ang iniisip. Kapag ganito ang kapatid ko, alam kong iniisip nito na gagawa siya ng paraan para sa amin at ayaw kong mangyari iyon. Ayokong maipit siya sa isang bagay na hindi dapat niya pinoproblema.

Napabuntong hininga ako at niyakap ang mga kapatid ko.

"Huwag kayong mag-alala may naisip na solusyon si Ate niyo. Makakabayad tayo ng utang kaya huwag na kayong mamroblema pa. Huwag niyo na maisipan pa na magtrabaho o humanap ng pambayad. Kakausapin ko sila Ate Habi niyo."

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant