Chapter 16

10.2K 226 10
                                    

Maaga pa lang ay nakagayak na ako kaya nakakunot ang noo ni Nichola sa akin. Humalukipkip pa siya sa harapan ko at pinasadahan ako ng tingin.

"Ate ang aga aga, date agad? Tapos ganyan pa ang suot mo?" nanunuya pa nitong tinura ang damit ko kaya nagsalubong ang kilay ko bago siya lapitan at kutusan.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Wala akong date. Trabaho ang lakad ko ngayong araw at wala ng iba pa. Atsaka ano naman problema sa itsura ko?"

Nakasuot ako ng mahabang t-shirt at leggings na pinaresan ko ng doll shoes. Maayos din naman na nakalugay ang buhok ko kaya wala naman akong nakikitang masama sa itsura ko.

Umiling-iling lang sa akin si Nichola bago pumunta sa kusina at kainin ang nakahandang almusal doon.

Nakarinig ako ng busina sa tapat ng bahay namin kaya hindi magkanda-mayaw sa paglunok si Nichola at sumilip sa bintana. Impit siyang napatili nang masilayan ang bagong baba sa kotse na si Zel.

Napaawang ang bibig ko nang masilayan ang itsura niya. Nakusuot lang siya ng simpleng itim na t-shirt na medyo hapit sa katawan niya at maong na pantalon. Hindi ko mapigilang pamulahan ng mukha sa nakikitang itsura ng lalaking iyon.

Kung pagtatabihin kaming dalawa eh hindi ako magtataka kung mapagkamalan akong katulong niya. Lalapit na sana ako sa pinto para pagbuksan siya nang mauna na ang kapatid ko at mabilis na hinatak si Zel papunta sa sala.

Napatampal na lang ako sa noo ko sa kawalang-hiyaan ng kapatid ko.

"Uy brother-in-law. May date po kayo ni Ate?" kinikilig na tanong ni Nichola kay Zel at huli naman ay napangisi ng malapad bago ako binalingan ng tingin.

Kinindatan niya pa ako bago muling lumingon sa kapatid ko na kulang na lang eh parang kiti-kiti na binudburan na naman ng asin sa tabi ni Zel habang tumitili.

"Gusto ko sana i-date ang ate mo pero ayaw naman ata sa akin." pag-sakay niya sa kalokohan ng kapatid ko kaya agad ko na siyang nilapitan at kinurot sa braso.

Napa-aray siya samantalang humagikgik naman ang kapatid ko kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Okay lang naman po na makipagdate si Ate kasi matanda na siya. Basta huwag niyo po muna ako bibigyan ng pamangkin ha? Hintayin niyo po muna ako maka-graduate ng college."

"Nichola!" sita ko sa kanya pero nag-peace sign lang siya sa akin. Natawa naman si Zel at ginulo ang buhok ng kapatid ko.

"I promise you." sabi niya sa kapatid ko na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ikaw lalaki ka! Mapagpatol ka talaga kahit kailan. Tumayo ka na nga diyan at may kailangan pa tayong puntahan diba? Nakakahiya ka kung mala-late ka pa." sita ko sa kanya at nakita ko pa ang pagnguso ng kapatid ko.

Nagpatiuna na ako sa paglabas ng bahay namin at rinig ko pa din ang pag-uusap ng dalawa. Nang nasa tapat na ako ng kotse ni Zel at nilingon ko sila na abala pa din sa pinagbubulungan nilang dalawa.

"We have to go, Nichola. Remember what I told you, okay?"

"Opo, Kuya! Ingat po kayo ni Ate Eos ha?"

"Nichola, mag-lock ka mabuti ng pinto ha? Huwag mo pagbubuksan kahit sino? Ingat ka. Kung may emergency o may kailangan ka tawagan o itext mo agad ako."

"Opo, Ate. Ingat po kayo sa date niyo." nang-aasar niya pa akong tinignan kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray naman, Ate! 'Di ka mabiro ha. Ingat kayo, labyu."

Sumakay na ako sa kotse ni Zel at binusinahan niya muna si Nichola bago pinasibad paalis ang kotse sa lugar namin.

Tahimik lang kami sa biyahe at abala ako sa pagtingin sa labas ng bintana nang ipatong niya ang kamay niya sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso lang siya sa pagda-drive.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now