Chapter 13

11K 254 26
                                    

"Napakalandi mo talaga! Lumayo ka nga! Ano ba magugusot ang damit natin." natataranta ako at pilit na lumalayo sa kanya.

Natatakot ako na baka marinig niya ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi maaari.

Ngumisi ito bago idinikit ang ilong niya sa akin. Sa sobrang lapit niya ay halos pigilan ko na ang huminga pa sa sobrang kaba.

"I wouldn't mind attending that party with a messy look. Ayaw mo 'yon? After sex party?" mapang-akit na wika nito bago dinampian ng halik ang labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko kahit pa nakalayo na ito sa akin. Napahuma lang ako nang bigla itong tumikhim at binigyan ako ng mapang-asar na tingin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na umimik pa. Nakakainis. Nagmumukha na lang ako palaging tanga sa harap niya.

Mamaya ay isipin niya patay na patay ako sa kanya kahit hindi naman.

Pinaandar na nito ang kotse niya at ramdam ko ang pahapyaw na pagdantay ng kamay nito sa hita ko sa tuwing gagalawin niya iyong gear.

Sinasaway ko siya pero ang hudas hindi talaga nagpapa-ubra at patuloy lang sa ginagawa.

"Napaka-manyakis mo po, Sir Lambourne. Naiirita na ko."

Nginisian niya lang ako bago lumiko papasok sa isang mataas na gusali.

Paghinto ng kotse niya sa entrance ay agad na siyang sumibad palabas. Katulad ng laging gawi ay hindi ko siya hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto.

Napapailing itong lumapit sa akin at hinapit ako sa beywang.

"Can you just wait for me to open that damn door for you?" bulong nito at ramdam ko ang pagdaloy ng kiliti sa buong katawan ko.

"May kamay ho ako. Kaya kong pagbuksan ang sarili ko." simpleng tugon ko sa kanya pero mas lalo lang niya hinigpitan ang kapit sa beywang ko.

Hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba ang hilig nitong hapitin ako palapit sa kanya?

"P-pwede bang pakiluwagan iyong kapit mo sa akin? O kaya bitawan mo na lang ako. Nakakahiya kasi sa mga tao, pinagtitinginan na tayo."

Tinitigan lang ako nito sa mga mata at ibinaba ang mukha niya para abutin ang mga labi ko. Mabilis niya lang akong dinampian ng halik sa labi pero ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa buong mukha ko.

"Kanina ka pa halik ng halik ha! Ang sama mo! Manyakis!" pilit kong itinatago ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsaway sa kanya.

Napahawak ako ng simple sa tapat ng dibdib ko at grabe na ang kabog ng puso ko.

"Sa gwapo kong 'to? Manyakis lang ang tingin mo sa akin? It's not my fault. Hindi ko maiwasang ma-tempt sa labi mo. Pakiramdam ko ay ginayuma mo ako kaya ganito na lang ako kasabik sa'yo." patuloy pa din siyang bumubulong sa akin habang inaakay ako papunta kung saan.

"Ang kapal ng mukha mo. Bakit naman kita gagayumahin? Bakit gwapo ka ba?"

"Bakit hindi ba?" nakangisi itong nakipagtitigan sa akin kaya ako na ang unang nagbawi ng tingin.

"Silence means yes." pang-asar pa itong tumawa kaya lalo akong naiinis sa kanya pati na din sa sarili ko.

Gusto ko siyang barahin pero alam ko din naman na hindi siya magpapatalo at lalo lang akong pagtitripan.

Huminto kami sa tapat ng malaking pinto at may nakaukit sa itaas nito na function hall. Binati kami ng dalawang staff doon bago kami pinagbuksan ng pinto.

Halos masilaw ako nang tumambad sa amin ang napakadaming ilaw at mga tao sa paligid.

Marami ang napapagawi ang tingin sa amin at rinig ko ang impit na tili ng ibang kababaihan. Ang iba naman ay napapataas ang kilay habang pinapasadahan ako ng tingin.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now