Chapter 14

10.2K 240 6
                                    

"Ang ate mo girl! Tulala na naman!"

Narinig ko pa ang pagbungisngis ng dalawa kong kaibigan. Pasimple kong inayos ang sarili ko at inignora na lang sila. Nakakahiya.

Pakiramdam ko simula kagabi nang maihatid ako ni Zel sa bahay ay para na akong lutang palagi.

Katulad na lang kanina habang naglalakad kami papasok nila Habi, muntik pa akong matamaan noong mga plywood kung hindi lang nila ako nahatak.

Bakit ba kasi ganoon na lang ang epekto ng halik ni Zel? Ang masaklap pa ay parang ako pa ang naghabol ng labi niya kagabi.

Naiirita akong napatayo at nagsimula na lang pumunta sa floor kung saan ako nakatoka.

"Hi, Miss. Bago ka lang dito?" napalingon ako sa tabi ko at medyo naasiwa sa paraan ng pagpasada niya ng tingin sa akin.

"Opo, Sir. Sige po mauna na po ako." paalis na sana ako at itutulak ko na sana iyong utility trolley nang hawakan niya ako sa braso.

"Huwag ka naman mg bastos. Kinakausap pa kita eh. I just wanna know more about you."

Kung bastos lang akong tao ay sinagot ko na siya pero dahil alam kong mas mataas ang posisyon niya sa akin at baka baliktarin niya pa ang sitwasyon kapag nagkagulo, makikiusap na lang ako sa kanya ng maayos.

"Pasensya na po, Sir. Kailangan ko lang po talaga magmadali sa dami ng gagawin ko." pilit akong nagpupumiglas sa hawak niya pero hindi niya talaga ako binibitawan.

"What's happening here?"

Bigla niya akong binitawan at mabilis na dumiretso sa pagtayo. Nakita ko pa ang pagkataranta sa mukha niya habang ako naman ay natuod na sa kinatatayuan ko.

"A-ah, Good Morning po Sir Lambourne. Wala naman po, may itinanong lang po ako sa kanya. Mauna na po ako." nauutal-utal pa siyang magsalita bago kumaripas patakbo sa kung saan.

Napailing na lang ako at pasimpleng hinimas ang braso ko. Medyo makirot iyon dahil sa higpit ng hawak ng bastos na lalaking iyon.

"Follow me." seryoso niya akong tinitigan bago tumalikod at maglakad paalis.

"Sir, hindi po--"

"I said follow me." ma-awtoridad niyang wika kaya kinakabahan na sinundan ko na lang siya habang tulak ang gamit ko.

"Can you just leave that thing behind?" bakas ang pagkairita sa toni niya kaya hindi ko maiwasang magtaka.

Ano bang ikinabubugnot ng isang 'to?

"Baka kasi mapagalitan po ako kapag iniwan ko 'to kung saan at mapagbintangan pa akong hindi ko ginagawa ang trabaho ko."

"How many times do I have to remind you that I fucking own this company and you just have to obey me?"

Naiirita man ako sa asal niya pero ginawa ko na lang ang gusto niya at lumapit sa kanya pero may sapat pa din na distansya.

Nang makarating kami sa private elevator ay agad niya akong tinapunan ng tingin at parang sinasabing itigil ko na ang pagtunganga ko dito.

Napailing na lang ako at pumasok doon. Nang magsara na ng tuluyan ang elevator ay kulang na lang mapatili ako sa ginawa niya.

Mabilis niya akong isinandal sa isang sulok at iniharang ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko.

"A-anong--"

"Stop talking." iyon lang at bigla na lamang niya akong sinunggaban ng halik. Nanlalaki ang mga matang nakatitig ako sa kanya at pilit na inilalayo siya sa akin.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now