Chapter 19

8.6K 208 12
                                    

Nang maiuwi ako ng mga kaibigan ko ay mabuti na lang at wala ang mga kapatid ko kung hindi ay pati sila ay mag-aalala pa.

Iniwan ko muna sila sa sala at naligo na ako. Nakatulala lang ako at hindi ko maiwasang mag-alala sa kung paano na naman kami. Panigurado na iyong pahuling bayad sa akin eh maipangba-bayad ko lang ng utang.

Napahinga ako ng malalim at tinapos na ang pagligo ko. Nagpalit na din ako ng damit at binalika ang mga kaibigan ko na nasa sala at parehong walang imik.

"Pasensya na sa abala sa inyong dalawa. Sorry din kung napag-alala ko kayo." pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang nakatingin sa kanila.

Napabuntong hininga sila at tinitigan ako.

"Kung hindi pa kami nakita ni Ms. Barbara eh hindi pa namin malalaman na mawawalan ka pala ng trabaho. Anong balak mo na ngayon?" tanong ni Habi at bakas ang awa sa mukha niya.

"Maghahanap na lang siguro ako ng panibagong trabaho. Wala naman akong ibang choice. Ganoon talaga ang buhay eh."

"Bakit ka nga daw ba tinanggal? Bago ko makalimutan, ipinapa-abot nga pala ito ni Ms. Barbara." ibinigay sa akin ni Adel iyong envelope na kulay brown pero mas pinili kong ilapag muna iyon.

Ikinwento ko sa kanila ang nangyari at kita ko ang pagbagsak ng mga panga nila. Hindi sila makapaniwala na gagawin iyon ng tatay ni Zel.

"Nakilala mo na ba yung mga magulang ni Sir Zel? Bakit naman kasi nila gagawin iyon kung wala naman silang alam sa nangyayari."

"Baka nalaman nila na nagtrabaho ako noon sa bar at doon kami nagkakilala ng anak nila. Hindi naman kasi malabo na malaman nila iyon kung madami silang pera at kung para din naman sa kapakanan ng anak nila." sabi ko sa kanila bago tumayo at kumuha ng makakain para sa mga kaibigan ko.

Ibinigay ko sa kanila iyon at muling umupo sa monoblock. Iniangat ko ang mga paa ko sa upuan at ipinatong ang baba ko sa tuhod ko.

"Ay ano? Kontrabida lang sa teleserye? Nakakaloka! Atsaka bakit naman nila papakielaman yung buhay ng anak nila o kung sino man ang jowain ni Sir Zel?"

"Ganoon ata kapag mayayaman 'day." sabi ni Adel at napailing.

"Huwag niyo muna sasabihin sa mga kapatid ko ha? Baka kasi mag-alala lang ang mga iyon at gumawa na naman ng sarili nilang paraan." mahinang usal ko at kita ko ang awa sa mga mata nila.

Ito pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Iyong kinakaawaan ako o ang pamilya ko. Napayukyok na lang ako sa tuhod ko at pare-pareho lang kaming tahimik.

Ilang sandali pa ay naisipan ko na lang magluto para makakain ang mga kaibigan ko at ang mga kapatid ko pagdating.

"Magluluto lang ako. Dito na kayo mag-hapunan." sabi ko sa kanila at nagpatiuna na sa kusina.

Nang matapos ako sa pagluluto ay sakto naman ang pagdating ng mga kapatid ko.

"Uy! Hello Ate Habi, Ate Adel." rinig kong bati ni Nichola sa mga kaibigan ko.

"Ate." napalingon ako sa may bukana ng kusina nang marinig kong tawagin ako ni Jaxon.

"Oh, bakit?" nag-alala ako nang makita ko ang medyo pag-aalangan niya.

"Magpa-paalam po sana ako. Nag-offer po kasi sila Mrs. Schneider kung pwede daw po ba ako doon na lang tumira sa mansyon para hindi na daw po ako mahirapan sa pag-uwi araw-araw. Pwede pa din naman daw po akong umuwi dito sa atin tuwing weekend kung gusto ko."

Napangiti ako at ginulo ang buhok niya kahit mas matangkad pa siya sa akin.

"Malaki na ang baby Jaxon. Syempre malulungkot ako kasi magkakahiwa-hiwalay tayo pero kung ano ang magiging desisyon mo, rerespetuhin ko. Ikaw ba, ayos lang ba sayo ang ganoong set-up?" tanong ko sa kanya at kita ko ang pagliwanag ng mukha niya.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon