Chapter 23

8.6K 240 13
                                    

Umaga pa lang ay hindi ko na maipinta ang mukha ko sa salamin. Iyong mga binili kasi ni Yell na mga damit ay ngayon ko lang nakita at nasukat.

Halos hindi aabot sa kalahati ng hita ko ang ibang mga bestida. Iyong iba naman ay hapit sa katawan at masyadong revealing ang bandang dibdib.

"Uy Ate! Ang sexy mo diyan! Sana all may boobs. Ako kaya, kailan lalaki ang akin." nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Nichola sa salamin habang tinitignan ang kanyang sarili.

Napailing na lang ako at ginulo ang buhok niya. Napatingin ako ulit sa repleksyon ko at halos pamulahan ako ng mukha nang makita ang slit sa gilid.

"Labas ka muna, Nichola. Papalit lang ako ng damit."

"Bakit naman! Ang ganda nga niyan eh, lakas makaganda. Atsaka diba sabi ni Ate Yell suotin mo daw ngayon iyong binili niya?"

Hinarap ko siya at itinuro ang mga paper bag sa gilid.

"Sa dami ng binili ni Yell, kahit ano naman siguro. Susuotin ko na lang iyong isang bestida na ako ang nakapili. Hindi kasi masyadong maikli iyon." sabi ko sa kanya at lumapit na sa isang paper bag at inilabas ang damit.

"Pretty din naman iyang napili mo, Ate. Ang kaso mas maganda kapag nae-emphasize yung curves mo diba?" nagtaas baba pa ang kilay niya sa akin kaya napailing ako.

"Ewan ko sa iyong bata ka. Sige na, labas na at kailangan ko na matapos mag-ayos. Baka ma-late pa ako, nakakahiya. Atsaka ikaw ba wala kang pasok at parang ang dami mong oras dumaldal?"

"Ate mamaya pa pong hapon iyon. Ilang buwan na lang po kasi ang klase."

"Oo nga pala at graduating ka na. Magdi-disais ka na din sa susunod na buwan. Ang bilis ng panahon."

"Dalaga na ako, Ate! Senior high school na ako sa susunod at sisiguraduhin ko na makakapagtapos ako." malawak ang ngiti niya at kita ko ang pagningning ng mga mata ng kapatid ko.

Napangiti ako ng matamis at nilapitan siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos ang buhok niya.

"Tignan mo, malapit na din ang height mo sa akin. Hindi ako makapaniwala na ilang buwan na lang at magiging senior high ka na."

"Buti nga po si Kuya Jaxon, hindi naabutan ng K-12 eh. Mas mabilis siya makakapagtapos at makakatulong sa'yo. Pasensya ka na, Ate ha? Wala akong maitulong sa'yo."

"Wala naman kasing ambagan sa magkakapatid, hindi ba? Atsaka sobrang proud nga ako sa'yo dahil hindi ka nawawala sa honor. Mabait ka pang bata. Ano pang hahanapin ko, hindi ba?"

"Ate naman! Hindi na nga po ako bata. Dalaga na ako."

Napahagikgik ako at pinisil ang magkabilang pisngi niya.

"Oo na, sige na. Labas na at kailangan ko na maghanda."

Nang makalabas si Nichola sa kwarto ay agad na akong nagpalit ng damit pati na din ng sandals ko. Naglagay lang din ako ng liptint sa labi at pisngi ko bago muling tignan ang sarili ko sa salamin.

Nang masiguro ko na maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto.

"Una na ako, Nichola ha? Mag-iingat ka din papasok mamaya."

"Opo, Ate. Ingat din po."

Paglabas ko ng bahay namin ay nakita ko ang mga mapang-husgang tingin ng mga kapitbahay namin.

"Tignan mo ang mga magkakapatid na iyan. Ang gagara na ng mga suot. Siguro malaki ang nahuhuthot niyan doon sa gwapong binata na nadadayo dito dati ano?"

Hindi ko na lang pinansin pa ang mga mapanghusga nilang pag-uusap at nagtuloy-tuloy na lang sa paglalakad.

Wala naman akong mapapala kung makikipag-away ako sa kanila. Hindi naman nila alam ang totoo kaya bakit ako papatol sa mga chismis nila?

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now