Chapter 29

8.7K 218 6
                                    

Kapwa lang kaming tahimik habang magkayakap sa malaki niyang kama.

Pagkatapos kasi kumain at hugasan ang pinagkainan namin ay nagyaya na siya agad pumanhik. Medyo sumakit daw kasi ang ulo niya kaya agad din akong nag-alala.

"Ilang buwan na din tayong magkakilala pero wala tayong alam sa isa't isa tapos niligawan mo pa ako. Ano bang nakita mo sa akin?" mahinang tanong ko sa kanya habang nakahiga sa dibdib niya.

"That's what I've been asking myself the whole time. Ano nga bang meron sa isang Eos Carisa Amaro at napa-ibig mo ang isang katulad ko?" mapaglaro niyang wika at hindi ko maiwasang mapangiwi sa sinabi niya.

"Walang meron sa akin. Hindi ko nga din alam sa iyo at ako ang ginugulo mo. Baka naman iniisip mo pa din na naghahabol ako sa pera mo? Sabi ko nga sayo--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ang baba ko at iniangat ang ulo ko para mapaharap sa kanya.

Dinampian niya ng halik ang labi ko at pinakatitigan akong mabuti.

"Sino ba sa atin ang naghahabol? Hindi ba ako? Ayaw mo pa nga akong sagutin hanggang ngayon. Hindi mo ba alam na wala pa akong nililigawan ni isa sa buong buhay ko. Ikaw lang." sabi niya kaya naramdaman ko ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko.

"S-sinungaling ka naman. Nakaka-dalawanf fiancée ka na nga e."

Nagsalubong naman ang mga kilay niya at mas lalo akong hinapit palapit sa kanya.

"Who even told you that?" tanong niya kaya umayos ako ng higa at medyo lumayo sa kanya.

"Narinig ko lang sa trabaho. Hindi ka naman daw dating ganyan kabastos sa babae pero simula daw noong itinakbo ng ex-fiancée mo iyong pera mo, naging ganyan ka na daw. Tapos si Francia, ex-girlfriend mo na kauna-unahang babae na pinakilala mo daw sa pamilya mo kaya special siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit kayo naghiwalay." mahabang kwento ko sa kanya at sumilay ang mapaglarong mga ngiti sa labi niya.

"I never imagine that someone like you would love to listen and gossip with someone else's life." mapang-asar niyang sabi sa akin kaya tinignan ko siya ng masama.

"Hindi ko nama gusto malaman iyon, ano! Eh sa narinig ko lang naman sa mga tao sa paligid mo kaya ko nalaman." angal ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako at niyakap ako muli.

"Everything was true though. I just actually met my first fiancée in a bar. Pinipilit kasi ako nila Dad noon na magpakasal na after my graduation. Do you really think, I would do that? Hell no. So I decided to just flirt randomly and ask someone to be my fiancée without even bringing her home. After some months, hindi ko pa din siya pinakikilala sa pamilya ko. I told myself that I will only introduce the woman that I really love in front of my family and friends. To make the long story short, I still keep on fucking random women which made her mad and steal money from me. Barya lang naman 'yon." mahabang kwento niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiting gustong kumawala.

"Gaano naman ka-barya iyon?" tanong ko sa kanya kaya napahagalpak siya ng tawa.

"Sa haba ng kwento ko, doon ka interesado? Mukhang mahigpit sa pera ang magiging misis ko ha." biro niya kaya pinamulahan ako ng mukha.

Hinampas ko siya sa dibdib at tinignan siya ng masama para itago ang pagkakilig ko sa huling sinabi niya.

"Ano nga kasi? Nagtatanong lang eh."

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now