Chapter 20

8.7K 218 30
                                    

Kinabukasan ay ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko. Ayaw ko sanang pumasok dahil bukod sa medyo masama ang pakiramdam ko, mabigat din ang loob ko sa nalaman ko kahapon.

Pero kailangan kong magpatuloy dahil ayoko naman na hanggang sa mga huling araw ko sa kompanya eh mas lalo pa na hindi maging maganda ang tingin sa akin ng mga tao.

Bagsak ang mga balikat na naglalakad ako papunta sa sakayan nang may bumusina sa gilid ko kaya napatigil ako sa paglalakad at tinignan iyon.

Nagbaba ng salamin ang sakay nito at agad kong namukhaan ang sakay nito.

"Eos! Tara sumabay ka na sa amin. Papasok ka na ba sa trabaho?" tanong sa akin ni Pia at nakita ko ang pagsilip ng iba pang kasama niya sa loob.

Nahiya ako bigla at nanliit sa itsura ko ngayon. Paniguradong halata sa itsura ko ang pagod kahit umaga pa lang.

"Naku, huwag na po nakakahiya." tanggi ko at hinigpitan ang hawak sa tangkay ng backpack ko.

Bigla niyang binuksan ang pinto ng van at hinatak ako papasok. Binati naman ako ng mga kasama niya. Iyong iba ay pamilyar sa akin pero may tatlong babae pa na ngayon ko lang nakita.

Biglang naglahad ng kamay sa harap ko iyong isang babae na singkit at may dimples.

"Hello, ako nga pala si Cholita. Ang dami kong naririnig tungkol sa'yo, girl. Totoo pala na may anghel na nakatapat ang demonyong si Zel." humagikgik pa siya at natawa na din silang lahat.

Naglahad din ng kamay iyong babaeng mukhang manika. Blonde ang buhok niya at kulay abo ang mga mata.

"Hi! I'm Cinnamon. Sister-in-law ako ni Ate Xiara." nakangiti siya sa akin at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda niya.

"Ate Eos! I'll introduce this badass bitch na lang since hindi naman palasalita ang isang 'to. She's Everleigh, my bestfriend." pakilala ni Liona. Kinawayan ako ng babae at nginitian ako.

"Hello po sa inyong lahat. Pasensya na at naabala ko pa ata kayo. May lakad ata kayo at ito isasabay niyo pa ako. Sorry talaga." napakamot ako sa batok ko at nag-iwas ng tingin.

"You don't have to say sorry, Eos. Hindi ka naman na iba sa amin. After all, you can consider us as your friends." sabi ni Yell at hinawi ang buhok niya.

Kaibigan? Sila? Malabo ata na mangyari iyon kahit sa panaginip ko. Hindi na lang ako umimik at ngumiti na lang sa kanya.

Napalabi siya at nanlaki ang mga mata.

"Don't you want us ba to be your friend?! OMG! Sorry! We are not forcing you naman eh, we just thought that it's fine with you." sabi niya kaya nataranta ako at umiling ng mabilis.

"Naku! Okay lang naman po na maging kaibigan ko kayo ang kaso hindi naman po bagay na makitang kasama niyo ako. Kilala po kayo mga tao at hindi po magugustuhan ng mga taong makita ako na kasama kayo." sabi ko sa kanila at halos hindi ko na naisip mabuti kung ano ang sasabihin ko.

"Bakit iniisip mo ang iisipin ng ibang tao? Wala silang pakielam kung sino ang gusto mo maging kaibigan at kung sino man ang gusto namin maging kaibigan. Hindi importante ang opinyon ng ibang tao kung paano ka dapat mabuhay at kumilos. Walang kahit sino ang pwede na lang magdikta sa kung ano dapat ang gawin o maramdaman mo. We are not anyone's puppet here." sabi ni Pia at kita ko ang pagkunot ng noo niya.

Napatahimik ako. Totoo naman ang sinabi niya.

"It's the same thing with your relationship." sabi naman ni Xiara at kita ko ang maaamo niyang mga mukha pero may pinahihiwatig ang mga tingin niya.

"We all know naman kung anong ginawa ni Tito Zandie sa'yo pero wala pa din nagsasabi kay Zel. Tito is not bad naman talaga, but I think he really wants to force Zel to marry his ex-girlfriend since ang santa santitang babae lang naman na iyon ang iniharap niya sa pamilya niya noon." sabi ni Yell at kita ko ang pagkairita sa mukha niya.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now