Chapter 24

8.7K 250 8
                                    

"Eos kaya today?" napanguso ako habang inaayos ang mga bulaklak sa shop.

"Sabi ko naman kasi sa inyo, hindi na ako sasama. Kaya ko naman dito mag-isa. Sayang din ang kita ngayong araw oh." sabi ko kay Ate Aiora.

Kinuha niya sa akin ang hawak kong bulaklak at inilapag iyon sa table. Nameywang pa siya sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay.

"Hay nako! Magagalit si Yell sa atin sa lagay na iyan. Tingin mo ba kawalan sa babaeng iyon ang isang araw na naka-close ang shop? Barya lang sa kanya iyon! Mas uusok ang tenga ng babaeng iyon kapag hindi tayo nagpunta sa bahay nila kaya dalian mo at ligpitin mo na ang gamit mo. Aalis na tayo."

Napakamot ako ng ulo ko at bagsak ang mga balikat na pumasok sa loob ng staff room para kuhanin ang mga gamit ko. Inayos ko din muna ang mga bulaklak doon bago lumabas.

"Maga-alas dose na, Eos! Gutom na ko dali!"

"Eto na nga po!" lumapit ako sa kanya at kinurot niya naman ang pisngi ko.

"Napaka-cute talagang bata na ire! Tara na nga at nag-book na ako. Malapit na iyong driver."

Napabuntong hininga ako at sumunod na sa kanya palabas. Ni-lock namin ng maigi ang shop at naghintay na lang sa tapat ng ni-book ni Ate Aiora.

Ilang sandali lang ay may huminto na kotse at hinatak na ako ni Ate papasok.

"Sabadong-sabado busangot iyang mukha mo, Eos. Isipin mo na lang free time natin ito. Totoo din naman kasi na kailangan natin mag-unwind paminsan-minsan. Hindi yung nakatayo na lang tayo palagi sa shop at naghihintay ng customer." sabi niya sa akin habang nagi-scroll sa cellphone niya.

"Hindi naman sa ganoon, Ate. Ano kasi..." napakamot ako sa ulo ko at napakagat sa ibabang labi ko.

Tumingin siya sa akin at unti-unting sumilay ang mapanloko niyang ngisi.

"Uy~ Affected ka pa din ba kay Zel? Naku! Sinasabi ko na nga ba imposibleng makakamove-on ka sa ilang buwan lang lalo na sa mga tinginan niyo noong nakaraang araw? Aysus!" tinusok niya pa ang tagiliran ko kaya agad ko siyang sinaway.

"Ate naman."

"Ok lang 'yan. Kung naiilang ka pwede mo naman kaming tawagin para hindi kayo magkalapit. Okay ba 'yun?"

Tumango ako sa kanya pero inasar pa din niya ako.

Nakarating na kami sa loob ng village nila Yell at lalo atang dumoble ang pagkabog ng dibdib ko at pagkailang.

Nang huminto kami sa tapat ng mansyon nila Yell ay agad na kaming bumaba at nag-doorbell. Pinagbuksan naman kami agad ng gwardiya at pinapasok na kami sa loob.

Ngayon lang ako nakapunta dito at hindi ko maiwasang mamangha sa itsura ng mansyon nila Yell. Nagsusumigaw talaga ng karangyaan ang bawat sulok ng labas pa lang ng bahay nila. Madami ding naka-park sa garahe na mamahaling kotse.

Nang makapasok kami sa loob ay halos mapanganga ako sa ganda. Hindi din mapagkakaila na si Yell ang nakatira dito dahil puro white and gold ang mga kagamitan.

"Finally! Oh my gosh! You two are so tagal ha! Nagugutom na kami!" biglang sumulpot so Yell sa harap namin ha ang may isang gwapong lalaki ang nakapulupot sa likod niya.

Nagtataka man ngunit nanatili akong walang imik.

"Oh! Don't mind this asshole here. Kapitbahay ko lang siya na feeling close." sabi ni Yell at pilit na tinutulak iyong lalaki.

"Hi, I'm Lay. Yell's husband." iniumang niya sa harap ko ang kamay niya pero pinalo lang iyon ni Yell at tinignan iyong lalaki ng masama.

"Diba I told you hindi ka na ulit welcome dito? FYI! Hindi pa tayo okay!" tinulak na ni Yell iyong lalaki at hinatak na kami ni Ate Aiora sa loob ng dinning area.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Where stories live. Discover now