"May choice ba ako?" sarkastikong tanong ko habang isinasara ang folder na hawak ko. Mariin niya akong tinitigan. "Mukhang wala kaya g na." 

"Alona dalhan mo kami ng coffee sa opisina ko," uto nito kay Alona saka nagmartsa papunta sa elevator.

Binuhat ko na ang walong folder mula sa desk ko at pumasok na rin sa elevator na kasama si Yohan. Pinindot ko na ang button upang sumara ang elevator saka ko hinarap ang baklang labanas na 'to.

"Bakit late ka na naman?" seryosong tanong ko. "Naghappy-happy ka na naman siguro kasama 'yong  Daniel na babaero na 'yon 'no."

"Happy-happy ka d'yan, inindyan nga ako kagabi sa tagpuan namin," aniya saka pinagkrus ang mga braso. "Pinapasakit niya parati ang ulo ko."

"Ulo sa baba o ulo sa taas?" Pagbibiro ko, irap naman ang isinagot niya.

"Shut up."

Aba nagmamaldita!

"'Yan, matagal na naman na kitang binabalaan Yohan. Nakinig ka ba? Hindi, inuuna mo pride mo."  Panenermon ko. "Kung hindi ka pa naman gaga at kalahati, don't settle for less,"

"Mahal ko siya Sam, hindi ko kayang mawala siya."

"Ang sabihin mo may nangyari na sa inyo, kaya ayaw mong iwan "

"Nagkakamali ka, hindi naman porket bakla ang nagmamahal e sex na agad ang dahilan. Nagmake-out kami ng one time pero hindi na naulit yon, kiss lang 'yon promise. Pure ang love ko for Daniel, ewan ko lang sa kaniya." Lumungkot ang boses ng bakla, DAZURB.

"Doon tayo natumba," bumuntong hininga ako. "Pero wait lang, kiss lang ba talaga? No more?"

"Kiss lang talaga, no more and no less. May delikadesa pa naman ako sa katawan, isa pa. Umiiwas ako sa mga sex transmitted disease para namang hindi mo alam kung kanino akong anak 'di ba?"

"Pokaret ka talagang Yohana ka." panunuya ko sa kanya.

"Watch your mouth, igagaya mo pa ako sayo. Kayo nga ni Julia ang laging gumagawa ng milagro." wika naman niya. "24/7 all day, all night, walang pahinga."

"So? Sanay na kami saka legal kami both sides." inirapan lang niya ako ulit. "Wala naman magagawa ang tatay ko, lima kaming anak. Nag-iisa akong may bilat, ang ending bilat na rin hanap ko. Tuwang-tuwa pa nga ang Tatay ko no'ng nalaman niya na barako rin ako e."

"How I wish 'di ba? Kaso homophobic si Tandang Harisson pati na sina Yoora at Honey," anito sa malamlam na boses. "I don't want to disappoint them especially Dad."

"Eto naman senti agad, sorry na hindi ko naman sinasadya e .Oo nga pala, bakit nga ba pumayag ka na mag-judge ng barangay pageant?" pang-uusisa ko nang makalabas kami mula sa elevator at naglalakad patungo sa kaniyang opisina.

"Pinilit ako ni Daddy e, kaibigan niya kasi yung chairman ng barangay na 'yon. As if I have a choice diba?" sagot niya. "Chinika rin kasi ni Ate Yanna na fan ako ng pageant e. Mabuti nga at hindi nagduda ang mahal kong ama, kung'di ay patay ako."

"Hay naku! Sunod-sunuran ka na naman kay Ninong, ipapaalala ko lang sa iyo Yohan. Trenta'y uno anyos ka na, hindi ka na teenager," litanya ko. "Look at Henry, tinaguriang black sheep at least favourite pero may sarili na siyang desisyon sa buhay."

"As if I can disobey Daddy's order,you know he wants me to be Enrique the second." sagot naman niya pagka-pasok sa kanyang opisina.

"Enrique? Siya ba yung englishero mong pinsan. E 'di ba dapat siya ang maging Yohan  the second? Mas matanda ka kaya sa kaniya."

Kibit-balikat siya na umupo siya sa kaniyang swivel chair at ako naman ay umupo sa itim na couch. Kasunod namin na dumating ay ang sekretarya ni Yohan na si Alona na may dalang dalawang starbucks na kape, umalis din siya kalaunan. 

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now