CHAPTER 13

38.8K 1.4K 171
                                    


Chapter 13




Ady Pov


Nang araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang tumunganga sa malaking bahay ni sir Laszlo. Tumingin-tingin ako sa paligid ng bahay niya saka naghanap din ako kung mayroon ba siya photo album man lang para maaliw ako pero wala akong makita. Hindi ko rin alam kung anong oras nakabalik si sir Laszlo nang gumabi dahil nakatulog na ako kakahintay sa kanya.






Kinaumagahan naman ay maaga siyang umalis ng bahay niya dahil may gagawin siya at babalikan na lang daw niya ako. Nang mag alas nuebe ay bumalik nga siya pero hindi naman siya pumasok sa bahay niya dahil may pupuntahan daw kami. Sa buong byahe namin ay tahimik lang kami, wala kaming imikan. Nakakapanibago.




Siguro nga ay isang pagkakamali iyong nangyari ginawa namin ni sir Laszlo. Dahil sa... blowjob na iyon pati yata pagkakaibigan namin ay na blow na rin. Pero wala rin namang mangyayaring ganoon kung hindi ko hinayaan si sir Laszlo. Kung sana pinigilan ko siya, kung sana ay pinatid ko siya nun. Hindi siguro magkakalamat ang pagkakaibigan namin.






Masakit sa akin dahil gustong-gusto ko si sir Laszlo at sa pagkakaibigan na nga lang namin ako kumakapit para lang makalapit sa kanya tapos ito pang nangyari. Pisting yawa jud. Sa sitwasyon namin ni sir Laszlo ay ako ang nahihirapan kasi may feelings ako sa kanya. Dehadong-dehado ako sa laban na ito.




Habang nasa sasakyan kami ni sir Laszlo ay wala na naman kaming imikan sa isa't isa kaya sa daan ko na lang binaling ang mata ko. Nakakasakal ang katahimikan at ang pagbabago ng ugali ni sir Laszlo sa akin.




Nakarating kami sa hospital ni sir Laszlo, sa LCL hospital. Tapos nakasabay namin ang mga kaibigan niya na puro rin walang imik. Siguro ugali na nila ito. Sabay-sabay silang naglalakad sa hallway at ako naman ay nasa likuran nila. Para silang rumarampa sa isang fashion show. Hindi lang dahil sa tindig at matataas nilang tayog. Nakadagdag pa ang damit nilang nakaka-agaw din talaga ng pansin. Hindi ko masisi na ang mga pasyente na nasa labas, mga nurse at iba pang tao na nakakakita sa kanila ay napapalingon. Para kasi silang kinuha sa mga magazine at pinaglakad dito.




Pumasok kami sa isang ward at nang makapasok kami ay nagulat ako. Hindi... hindi lang ako ang nagulat kundi pati na rin sina sir Laszlo nang makita naming nakaluhod si sir Lorcan sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung bakit humihingi ng tawad si sir Lorcan kay Clayton pero... napapatulala nalang ako sa kanilang dalawa. Ang sweet kasi nila... na-nakaka-inggit ang meron sila na malabong mangyari sa akin.




Nang magkaayos sila at nagkausap-usap din sila ay hindi ko mapigilang hindi magtago sa likod ni sir Laszlo panay kasi ang sulyap sa akin ni Clayton.






Napansin ata ni sir Lorcan ang pasulyap-sulyap ni Clayton sa akin kaya nagsalita na siya. "What the fuck babe! Why you keep on stealing glances on that guy?" galit na saad ni sir Lorcan.




Babe pala ang tawagan nila. Gusto kong sabihan silang dalawa ng sana-all.




"E, nagtataka lang ako. Kaibigan niyo ba yan." si Clayton saka niya ako nginuso.




"Ah, yeah I almost forgot. Clayton this is Ady, he is a house boy doon sa ancestral house ni Lorcan sa La Union." si sir Laszlo ang sumagot. Kung siguro ay hindi nagtanong si Clayton. Siguro ay hindi ako matitingnan ni sir Laszlo ngayon.




Sa kabila ng iniisip ko ay nginitian ko si Clayton. Gwapo si Clayton maputi di kagay ko na brown-skin. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si sir Laszlo na aalis na kami, na babalik na kami ng La Union.




[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Where stories live. Discover now