PROLOGUE

101K 2.6K 806
                                    

"Hoy! Ady gumising ka na d'yan!" pasigaw na gising sa akin ng pinsan kong si Rose. Pwede niya naman akong gisingin ng maayos e. Hindi niya naman ako kailangang patirin sa kinahihigaan ko.

"Ano ba! Tatayo ka d'yan o kakaladkarin kita palabas!" muli niyang sigaw.

Pagod akong bumangon. Kagabi kasi ay matagal akong natulog dahil ako pa ang pinaglinis nila sa mga kwarto dito sa ancestral ni Sir Lorcan. Ako, si Rose at si Auntie Rori lang ang katulong dito. Maayos lang naman dahil wala namang tao dito, kami lang pero araw-araw nililinisan. Si Auntie Rori talaga ang care taker ng bahay. Si Rose at ako naman ay pumunta lang dito dahil kinakailangan ni Auntie ng katulong dito dahil malaki ang ancestral house na ito.

"Babangon na rin naman pala. Nagpapagising pa. Hoy! Katulong tayo dito kaya kumilos ka nang naayon sa posisyon mo!"

Napabuntong hininga na lang ako. Siya dapat ang umakto sa naayon sa posisyon niya. Kung makautos kasi sila dito sa akin ay parang ako lang ang katulong. Gustong-gusto ko na talagang labanan si Rose kung hindi lang siya babae at pinsan ko.

"Oo, gising na ako kaya umalis ka na susunod nalang ako." pagtataboy ko sa kanya.

Inismiran niya ako bago siya tumalikod. Inayos ko ang higaan ko. Ang tinutuluyan ko dito ay sobrang liit na kwarto lang may kamang maliit at isang aparador na maliit sa paanan ko. Dito ko pinagsiksikan ang sarili ko sa dalawang taon ko dito. Tapos sila Rose ay nasa isang kwarto na malaki at may maayos na kama. Tapos may aircon pa. Ang akin naman ay sirang electric fan lang. Kailangan pang pukpukin minsan para gumana.

"Ady, linisin mo ang pool at pagkatapos ay linisin mo rin ang kwarto ni Sir Lorcan dahil pupunta raw ang kaibigan niya dito." Agad na utos ni Auntie sa akin nang makarating ako sa kainan namin.

Dito ay may sariling kusina ang mga katulong at iba rin ang kusina sa loob ng ancestral house. Kumbaga ang sa amin na katulong ay ang iyong dirty kitchen.

"Opo." Masunurin kong sagot ko kay Auntie.

Pagkatapos kung kumain ay nilinis ko kaagad ang pool na sobrang laki at may jaccuzi pa sa kabilang side. Natapos ako sa pool bandang ala una nang hapon. Nagmamadali akong kumain at nilinis ang master's bedroom dahil hapon daw ang dating ng kaibigan ni Sir Lorcan.

Nang matapos kong malinis ang kwarto ay humiga ako sa kama dahil sa pagod. Hanggang sa makatulog ako. At nang magising ako ay madilim na.

"Pisti! Bakit dito ko naisipang umidlip!" galit kong ani sa sarili at inayos ang kobre ng kama.

Dahil sa lagkit na naramdaman ko ay pumunta ako sa kwarto kong saan ako tumutuloy dito at kumuha ng tuwalya upang maligo sa labas. Sa labas kasi ay may gripo at doon ako lagi naliligo.

Nakatapis ang tuwalya sa bewang ko nang pumasok ako sa kitchen ng bahay. Dito kasi ang daan palabas at pasok kapag pumupunta doon sa gripo sa labas.

Nauhaw ako kaya naisipan kong uminom ng malamig na tubig. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref saka kumuha ng baso. Pagkatapos kong uminom ay hinugasan ko ang baso saka ibabalik ko na sana iyon sa glass rack nang biglang nahulog ang tuwalya sa bewang ko. Madali kong binalik ang baso sa glass rack saka tumuwad upang pulutin ang tuwalya sa sahig nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Nice butty," mabilis kong inabot ang tuwalya at humarap sa taong nagsalita sa likod ko. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang lalaki sa harapan ko. Hindi ako makapagsalita. Nakatanga lang ako sa kanya. Aaminin ko nakakita na ako ng daan-daang lalaki na may hitsura. Pero itong lalaki sa harap ko ay iba. Nakahalukipkip siya at parang modelo na nakasandal sa ref. Iyong mata niyang parang inaantok. Tapos iyong buhok niya ay kulay abo na medyo magulo. At labi na parang kumikisap sa tuwing natatamaan ng ilaw.

Napalunok ako.

"Nice butty and now," aniya at tumingin sa gitnang hita ko. "flaunting your dick, huh?" patuya niya.

"Pisting yawa!" napamura ako nang makita kong hindi ko pala naibalik ang tuwalya sa bewang ko. Dali-dali kong binalik ang tuwalya sa bewang ko. Umusok ang tenga ko sa kahihiyan.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nawala ang ngisi sa labi niya at ngayon ay kumunot ang noo niya sa akin. Napaatras ako nang tumayo siya ng maayos. Ang tangkad niya!

"What's pisting yawa?" Seryoso niyang niyang tanong.

"Po?" ako na naguguluhan din. Lumilipad na sa ibang dimensyon ang utak ko!

"I repeat, what's pisting yawa?"

"P-pisting yawa?" ako at tumango siya. "Ano... ibig kong sabihin ay gwapong tao ka," lumabas lang iyon sa bibig ko ng hindi ko man lang pinag-iisipan.

"Gwapong tao? You mean, I'm handsome?" Ngayon ay bumalik ang ngisi sa labi niya.

Tumango ako. "Oo?" patanong kong sagot. Kumakabog na ang puso ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ano 'to? Hindi ko maipaliwanag ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Well, you're pisting yawa, too." aniya na kinalaglag ng panga ko.

"Po?"

"You said, I am pisting yawa. Then, let me compliment you too. You're very pisting yawa, too." aniya at kinindatan ako. Nahulog yata ang panga ko sa sahig dahil sa kindat niya.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Where stories live. Discover now