CHAPTER 35

30.4K 1K 125
                                    

Chapter 35




Ady Pov

Nag-uunat ako sa buto ko nang nay biglang pumasok sa staff room kaya napalingon ako doon sa pintuan. Malaki ang staff room nitong restaurant ni Raphael may mga benches at meron ding table for two. Hiwalay ang staff room na pang babae at pang lalaki. Siguro dahil na rin sikat ang restaurant at malaki at saka maraming staff kaya spacious itong room.

Ngumiti sa akin si Clayton nang makapasok siya at dahan-dahan niya ring hinubad ang pang-itaas niya. May mesa na malapit sa locker ko at lumapit siya doon tapos nilapag niya ang isang sobre.

Thankful ako kay Clayton kasi sa unang dating ko dito siya talaga iyong una kong naging kaibigan kahit na si Raphael naman talaga ang tumulong sa akin na pumunta ako dito sa Manila at mag-aral. Next year after n'ong namatay si lola January noon nang tumawag si Raphael sa akin at nag-offer na tutulungan niya ako sa pag-aaral. Noong una ay humindi ako at iniisip ko sina Rose at Auntie Rori pero nang malaman nila iyon sila ang nag-push sa akin na tanggapin ang offer ni Raphael. Kasi alam nila Auntie na mahirap talaga at kinakapos kami kahit na scholar ako. Lalo na kapag architecture gagastos ka talaga. Gusto ko sana na business management ang kunin nang mapunta ako dito dahil nga iyon ang kinuha ko noong sa nag-aaral ako sa Cebu pero nang mapunta ako dito sa Manila pinapili ako ni Raphael kung ano ba talaga ang gusto kong course. Okay lang ang business management sa akin kaso first choice ko talaga ang architecture kaya iyon ang p-in-ursue nang mag-aral ako dito.

Sabi ni Raphael sa akin na covered na niya lahat sa school at sa apartment ko. Iyong pang-araw araw ko lang na gastusin ang problema ko pero nag-offer din siya sa akin na pupwede akong magtrabaho sa restaurant tuwing sabado at linggo. Malaki kung magpasahod ang restaurant kaya nagustuhan ko na rin dito. Tapos nandidito pa si Clayton kaya ayos na ayos na sa akin. Pabor na pabor pa nga iyon sa akin.

"Ano 'to sweldo natin?" tanong ko kay Clayton habang siya naman ay naghahalungkat sa sarili niyang locker.

Sumilip si Clayton sa akin. "Di mamaya na mag-uusap tayo magbibihis muna ako."

Tumaas ang kilay ko sa pero tumango naman ako sa huli.

Umupo ako sa isang silya.

Magkasama kami ni Clayton dito at talagang masasabi ko na close na kaming dalawa. Naging karamay namin ang isa't isa siya dahil namatay si Lorcan at talagang kita-kita ko noon sa kanya ang pagkalugmok niya, ang pangungulila niya, ang lungkot niya, ang sakit na naramdaman niya. Ang hirap lang din kasi dahil sa araw pa mismo ng proposal ni sir Lorcan noon ay siya oang araw nang pagkawala niya. Masasabi kong mas mabigat nga iyong naranasan ni Clayton sa isang relasyon kumpara sa akin. Ako si Laszlo nasa ibang bansa lang pero di naman na magiging akin. Pero makikita ko pa kung gugustuhin ko at kung nay kaya na ako. Pero si Clayton di na kahit na yumaman pa siya ng husto.

Pero masasabi ko ang tatag ni Clayton. Ang tatag niya dahil unti-unti na niyang nabangon ang sarili niya. Nakakamangha lang talaga. Di ko akalain na magiging close ko si Clayton pagkatapos ng mangyari sa buhay ko at sa buhay niya. Ang babait pa nila. Si Raphael... masasabi kong nakakatakot nga pero may kabutihan naman. Tapos sina Desmond at Colt at mababait din. Ang swerte pala ni Laszlo na napapaligiran siya nang mga taong mabubuti.

"Ady, diba sembreak niyo na naman next week?" paunang tanong ni Clayton sa akin.

Oo nga pala semestral break na pala namin next week. Tapos ng sembreak pasukan na naman pagkatapos n'on magf-4th year na ako.

Napakrus ako sa braso ko. Ikiniling ko ang ulo at mataman kong tiningnan si Clayton.

"Oo, sembreak na kaya full time ako dito simula sa lunes." sagot ko sa kanya. "Bat mo pala natanong?" Ganti kong tanong sa kanya.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon