EPILOGUE

44K 1.4K 467
                                    

Thank you so much for reading Mafia Series 1: Your Royal Highness Devotion. See you on MS 2: Taming In The Wild. Mahal ko kayo.
___________________

Epilogue

"Akin na 'yan. Akin 'yan eh! Ibigay mo 'yan sa akin!"

Napatingin ako sa ibang bata na nag-aaway at nag-aagawan sa isang laruan. Naibaba ko ang mata ko sa kamay ko kung nasaan ang laruan na binigay sa akin kanina nang isang lalaki.

Nandidito kami ngayon sa isang covered court dito sa sentro dahil may isang event. Sabi noong pumunta sa bahay ni Lola na isang worker sa barangay may mga taga-Manila daw na pupunta at mamimigay daw ng mga laruan tapos may mga pa-games pa at may mga prizes. Kaya pumunta ako dito.

"Huwaahh!" Umiyak iyong isang bata dahil nasira ang laruan sa kaka-agaw nila. Naputol ang kamay noong robot na laruan dahil sa pag-aagawan nila.

Naiyakap ko ang robot na laruan na nasa akin. Baka kasi agawin naman ito noong isang bata. Hindi ako nagkakaroon ng laruan na ganito kasi hindi kaya ni Lola Flor na bumili nang ganitong klase na laruan. Malaki kasi ito tapos tumutunog pa. Si Lola Flor ang nabili niya sa akin na laruan ay bola lang na ngayon ay lumang-luma na.

Gustong-gusto ko itong laruan na nasa akin. Binigay ito sa akin noong isang lalaki na mamumungay ang mata at iba ang kulay nang buhok niya. Abo ang kulay ng buhok niya. Akala ko pa nga isa siya sa mga tambay dito pero hindi naman pala.

"Huhuhuhuhu, huwahhhh!" Iyak noong bata.

Bigla akong naawa at napatingin sa laruan na nasa akin. Gusto ko itong ibigay sa kanya para matigil na siya sa kakaiyak kaso... gusto ko ito.

May lumapit sa batang lalaki na isang babae at sinubukan niya itong patahanin ngunit di ito tumitigil sa kakaiyak. Sinubukan niya itong bigyan ng ibang laruan kaso tinapon lang iyon nang bata. Umupo ang bata sa maruming sahig saka nagwala na naman at ngumuwa.

"Shhsh, tigil na." Nagpipigil na sa galit sa ang babae.

"Huhuhu, huwaah! Gusto ko nga noong robot tapos sinira niya! Gusto ko nang robot! Robot!" Pagwawala noong bata.

Ang babae na dumalo sa bata ay napalinga-linga sa paligid dahil kumukuha na nang atensyon ang bata. Ang babae ay nagpipigil na rin at mukhang napipikon na sa bata.

Napatingin ang babae sa akin. Sa laruan na yakap-yakap ko. Napayakap ako nang mahigpit laruan na nasa kamay ko.

"Bata pwede bang ibigay mo na ang laruan mo doon sa bata. Bibigyan na lang kita ng ibang laruan." wika nang babae sa akin nang makalapit siya sa akin.

"Po?" mahinang usal ko.

Napatingin ako sa laruan sa kamay ko. Gusto ko ito. Ayaw ko ito ibigay kaso lang... kinuha nang babae ang robot sa akin at binigay iyon sa bata na umiiyak. Nang ibigay nang babae ang laruan sa bata tumigil ito sa kakaiyak. At napangiti.

Tumingin sa akin ang bata at ngumiti siya sa akin habang pinupunasan ang naghahalo nang sipon at luha niya. Napangiti ako sa kanya dahil tumigil na siya sa pag-iyak at ngumiti na siya. Ngunit... ako naman ang nalungkot nang bigyan ako nang babae ng isang teddy bear.

"'Yan sayo na iyan."

Napakurap-kurap ako doon sa teddy bear na binigay niya sa akin at ngumuso. Gusto ko na ring umiyak dahil robot din ang gusto.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Where stories live. Discover now